Chapter 56: Help!

4.2K 244 7
                                    

TGISM: CHAPTER 56

"Anong nangyari?" tanong nila at nilapitan kami

"May muntik ng kumuha sa kaniya," galit na sabj ni Jake.

"Are you okay Cheska?" tanong ni Cyril kaya tumango ako.

Lumapit naman ang Section Monster sa 'min. Galit na nakatingin si Kiro. Ngayon ko lang 'ata siyang nakitang nagalit. Siya kasi ang makulit sa Section Monster habang si Achie naman ang isip bata.

"BWESIT KA TALAGA TREVIOR!" sigaw ni Kiro.

"Sure ba talaga kayo na si Trevior ang may gawa?" napatingin kami kay Nious ng magsalita siya.

"Baliw kaba?" galit na sigaw ni Kiro. "Siya, siya ang may pakana ng lahat ng 'to," inis nitong sagot.

"Wag natin siyang husgahan without knowing his own point of view."

Galit na lumapit si Kiro sa kaniya at kwinelyuhan. Baliw ba siya? Halata na si Trevior ang may gawa tas yan ang sasabihin niya.

"Nakakaduda lang kasi," mahina niyang sabi at tinaggal ang kamay ni Kiro na nakakwelyo sa kaniya. "Kung ako ang kalaban hindi ako magpapahalata," sabi niya. "Pero siya halatang halata."

"Kasi nga wala naman siyang ibang choice diba? Kasi nga kilala na natin siya."

"Hindi talaga e."

"TUMAHIMIK KA NIOUS!" sigaw ni Kiro.

Umiling lang siya. "Hindi ko sasabihing si Trevior ito hanggat wala akong ebidensya nakakaduda lang lahat ng kilos at galaw niya. Nagkita kami no'ng isang araw," pagkwento ni Nious.

"Nagkita kayo?" takang tanong ni Xhavier.

Tumango naman siya. "Nagtalo kami at nagsuntukan... Na memorise kuna lahat ng galaw ni Trevior pero ang galaw niya no'n kakaiba parang hindi ko kilala."

"YOU'RE JUST PARANOID!" galit na sigaw ni Kiro.

"JUST LISTEN!" biglang sigaw ni Nious kaya napatakip ako sa tainga ko.

Grabe siya sumigaw mas malala pa kay Jake.

Umalis na si Kiro at hindi pinakinggan si Nious napailing nalang ang iba sa inakto ni Nious saka nila iniwan ito.

Ako nalang at si Jake ang natira nakatayo lang si Nious na parang nag iisip.

"Nious," tinapik ni Jake ang balikat niya kaya napalingon ito.

"Sensya na," sabi ni Nious saka siya umalis.

Nagkatinginan naman kami ni Jake. Parang may point si Nious.

Bumalik nalang kami sa room at pinag aralang mabuti ang plate number ng sasakyan. Ngunit walang naka register rito.

Napabuntong hininga nalang sila. Si Mike naman ay nag aayos ng mga baril. Si Cyril ay inaayos ang mga dagger. Ang iba naman ay nag iinsayo.

Napatingin ako kay Jake. Nakatulala lang siya pero alam kuna kung anong ginagawa niya. Pinag aaralan niyang mabuti ang sinabi ni Nious.

Ng maramdaman niyang may nakatingin sa kaniya ay lumingon siya sa gawi ko. Saka siya ngumiti ng pagkatamis tamis.

Na ikinalaglag ng panga ko. First time ngumiti hanggang tainga.

"Are you okay?" tanong ko sa kaniya.

Ngumiti naman siya at tumango. "I just miss her," sabi niya sa 'kin. "Kahit na pasaway 'yon kapatid ko parin naman siya."

"Yeah," pang sang ayon ko. "Napakakulit kasi ang sabi ko sa kaniya ay 'wag na siyang mag aral rito at lalo nang 'wag na 'wag siyang magkakagusto sa isa sa mga estudyante ng Q.U pero hindi niya tinupad ang pangako niya."

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now