Chapter 57: Trevior

4.2K 241 5
                                    

TGISM: CHAPTER 57

"Ilang linggo na akong nandito?" tanong ko sa lalaking 'to.

"Dalawang araw na lang at mag iisang buwan kana rito," sagot niya.

"Pakawalan muna ako oh," pagmamakaawa ko sa kaniya.

Umiling naman siya at mahigpit na hinawakan ang baba ko kaya napaiyak ako sa sakit. Ang dami kunang pasa pakiusap tumigil kana.

"Pag patay na si Nious," yan ang laging sagot niya .

Binitawan niya ako kaya napahawak ako sa panga ko habang umiiyak. Napailing nalang ako kasi hindi kuna talaga kaya.

"Y-yung mga kaibigan ko."

"Isang tanong mo pa at papatayin ko sila."

Huminto nalang ako sa pagsasalita saka na ako yumuko. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko saka niya ako pinatayo.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Lahat ng nakikitang pasa niya ay mas lalo niyang dinadagdagan.

"Nakaupo lang sila sa silya ngunit ikaw nakahiga ka nga sa malambot na kama pero bugbug sarado ka naman," saka niya ako tinulak kaya napaupo ako sa sahig.

Tinayo niya ako gamit ang buhok ko kaya napahawak ako rito. Ang sakit!. Ilang minuto siyang nakatulala sa 'kin bigla siyang ngumiti ibig sabihin may naisip siya.

May kinuha siya sa drawer at hinila ng buhok ko. Napaatras ako habang umiiling ng makita ang hawak niya.

Gunting!

'Wag pakiusap!

Wag ang buhok ko! Ito ang gustong gusto ni Daddy! Wala na si Daddy nangako ako sa kaniyang alagaan ko ito. Kaya please pakiusap 'wag mong ituloy.

Gusto kong sabihin sa kaniya ang mga katagang iyan pero tanging iling lang ang ginawa ko.

Hinila niya ang buhok ko kaya napaupo ako sa kama ngumisi siya saka pinutol ang buhok ko.

Napapikit nalang ako habang umiiyak. Hindi kuna kaya 'to!

Wag ang buhok ko!

Napaiyak nalang ako habang nakahawak sa buhok ko ang ikli nalang hanggang sa may balikat ko nalang ito kahit na hanggang pwet ito dati.

Tumayo ako at hindi alintana ang sakit ng paa ko. Tumingin ako sa salamin. Ang pangit kuna. Ang laki ng eye bags gulo gulo ang buhok ang putla. Ang daming pasa.

May nakita akong suklay kaya sinuklay ko ang buhok ko. Kumuha ako ng gunting at inayos ito. Napaiyak nalang ako habang ginagawa ito.

Ng makita kung maayos na ito ay sinuklay ko ulit saka ako nagtungo sa banyo at naligo.

Hindi na niya kasi ako pinosas kaya free akong maglakad lakad sa loob ng kwarto. Ng matapos akong maligo ay naghanap ako ng masusuot maikling short at over sized t shirt napatingin ako sa may hita ko ng puno rin ito ng pasa.

Lalo na ang braso ko at mukha ko. Ngumiti ako ng pilit sa may salamin ngunit hindi talaga ito nangyari.

Napatingin ako sa may pinto ng may pumasok roon. Dala ang tray ng pagkain.

"Lagay mo nalang d-diyan," sabay turo ko sa side table.

"T-thea." Napalingon ako sa kaniya.

"N-nious?" gulat na banggit ko sa pangalan niya.

Ngumiti lang siya at niyakap ako kaya napayakap narin ako sa kaniya.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Où les histoires vivent. Découvrez maintenant