Chapter 7: Kiss

11K 746 94
                                    

Ang saya nila kasama pero mukhang susulitin ko ang araw na 'to kasi hindi natin alam bukas baka may nakahandang bully na naman.

Napangiti ako ng hindi parin tumitigil sa pangungulit si Achei kahit hindi talaga siya pinapansin. Nakakapikon kasi siya magkwento tumatawa muna siya bago magkwento.

Hindi mawala ang paningin ko kay Achei ang kyut niya talaga tumawa at ngumiti kahit na walang nakakatawa sa kwento niya ay napapasabay ka niya sa pagpatawa kasi nga ang kyut niya madadala ka sa tawa niya.

"Epic yung mukha ng teacher natin kanina," tawang sabi ni Kiro.

"Grabe yung tumaob Thea," tawang sabi naman ni Yuno.

Kaya napayuko nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Napatingin naman ako kay Nious ng mapansing kong nakatingin rin siya sa 'kin.

"Hi Achei." May malanding lumapit naman kay Achei.

Pumulupot siya kay Achei muntik na akong matawa ng makita ang mukha niyang nakangiwi.

"Umalis ka nga!" Nagulat ako sa ginawa niya.

Tinulak niya ang babae kaya napasubsob ang mukha nito sa sahig. Rinig ko naman ang tawanan ng ibang estudyante.

"Dikit ng dikit ka sa 'kin alam mo bang an'baho mo," nakangusong sabi nito. "Mag tawas ka mo na o 'di kaya'y rexona, kung maka pabango ka naman ang tapang!" inis na sigaw niya. "Ang panget mo sa make up mo." Parang bata nitong sabi sabay padyak.

Kahit na hindi ko gusto ang ginawa niya hindi ko parin mapigilang mapangiti sa ka kyutan ng lalaking 'to. Para siyang batang inaway ng kalaro.

Tumayo naman ang babae saka inamoy ang kili kili. Tumingin naman siya kay Achei at ngumiti.

"Mabaho nga." Pag aamin nito saka umalis.

Kaya hindi ko na mapigilang mapatawa. Grabe ang honest ni Achei. Kumuha naman si Achei ng alcohol sa bag ni Xhavier saka niya nilagay sa kamay niya at kumuha siya ng pabango at binuhos sa katawan niya.

Ang arte ng batang 'to. Kung makapabango akala mo naman nahulog sa kanal. Kung maka alcohol akala mo naman may dumikit na virus sa kaniya.

"Sabi ni Mama bawal daw manghusga ng tao," nakangusong sabi niya saka siya lumingon sa 'kin at ngumisi. "Buti nalang 'di siya tao." Sabay hagikhik nito at palaklak.

Kaya hindi ko rin mapigilang mapatawa. Ang kyut niya.

Nandito kami sa school ground sobrang laki pala rito. Sabi kasi nila 'pag tamad raw silang pumasok ay dito sila tumatambay pero sa totoo lang daw ay sa garden sila nagtatambay ngayon sa school ground.

Tumatakbo si Achei habang nagpapahabol sa anino niya. Para talagang bata.

"So ano na?" napaigtad ako ng marinig ko ang boses ni Stephan sa gilid ko.

"Anong ano na?" taas kilay kong tanong.

"Siguro naman ay tumigil kana sa pag iimbestiga Ms. Garcia," sabi niya habang ang tingin ay nasa mga kaibigan parin. "Lahat tayo Curious kay Nious pati nga kami hindi alam ang full name niya ikaw pa kaya? Mahirap 'yong malaman Ms. Garcia." Tiningnan ko si Nious.

Seryoso? Hindi niya pinaalam kahit sa kaibigan niya? Grabe pala ang lalaking 'to. Pamisteryoso ang peg.

"Maliban nalang sa isa," napatingin ako sa kaniya sa sinabi niya. "Maliban sa isang tao, curious siya kay Nious... Kaya nag imbestiga siya, siya lang ang nag iisang tao na may alam sa full name niya kaya kung may alam ka isa lang ibig sabihin n'on may koneksyon ka sa kaniya." Huling sabi sabay talikod sa 'kin.

May konseksyon sa kaniya? Si Kuya ba ang sinasabi niya? Weh? Magkakilala sila? Pa'no? Ba't Curious si Kuya kay Nious? Oo Ba't nga ba ang daming alam ni Kuya about kay Nious?

Hayst bwesit na Stephan madalang na nga lang siya magsalita ginugulo pa niya isip ko.

"Makulit akong tao," nakangusong sabi ni Achie ng mapansing hindi siya pinapansin ng kaibigan niya. "Once na hindi na ako makulit, hindi na ako tao."

Napatawa naman si Kiro at tinapik ang braso niya.

"Okay kalang bro? Sabihin mo lang sa 'kin kung hindi, kasi baka ipasok na kita sa mental." Tinawanan siya ni Kiro kaya mas napanguso siya.

Nilapitan ko naman si Achie at tinapik rin ang balikat niya kaya tingin sya sa 'kin.

"Bago ka muna ma stress, isipin mo munang alimango si Mr. Crab tapos anak niya balyena."

Tumawa naman sila sa sinabi ko. Saka na ako pumunta sa gilid at tiningnan sila. Ano kayang mangyayari sa 'kin bukas? Ganito rin ba o bully na?

Napatawa ako ng hinahabol ni Achie si Kiro. Ng maabutan niya ito saka biglang umiyak si Achie na ikinataranta namin. Lalo na si Kiro.

"Pinaulanan kita ng pagmamahal, pero anong ginawa mo?" Iyak na sigaw niya. "Nagpayong ka." Sabi niya sabay halakhak.

Omg pa mental kana Achie kanina umiyak ka ta's ngayon tumatawa ka?

Nakaupo kami sa gilid habang tinitingnan ang mga taong dumadaan.

"Yabang ha!" Napatingin ako kay Xhavier ng sumigaw siya, "Anong apelyido ni Coco?" Tanong niya kay Khalil.

"COCOmelon," sagot naman ni Khalil.

"Coco Martin," sagot naman ni Yuno.

"COCOnut," sagot pa ni Achei. "E kayo? Anong apelyido ni Naruto?"

"Hinata," sagot ni Yuno

"Sakura," sagot naman ni Kiro

"NARUTO uchiha," sagot pa ni Xhavier.

"Eh ikaw Thea anong sagot mo?" tanong ni Achei sa 'kin.

"Naruto?"

Sino si Naruto? Ah yung sikat na anime ba? Well hindi ko kilala 'yan pero siguro alam ko apelyido niya.

"Naruto? Shipudden?"

Tumawa naman sila kaya napanguso ako.

"Naruto Uzumaki," sagot ni Stephan.

"E alam n'yo na ba ang Full name ko?"

Napahinto sila sa pagtawa nang magsalita si Nious. Napanguso naman sila at napakamot sa batok.

"Hindi parin e."

"Gusto n'yo akong maging kaibigan diba?" Tanong ni Nious saka tumayo. "Huluan niyo mo na pangalan ko."

Akmang aalis siya ng magsalita ako.

"Alam ko," napatingin sila sa 'kin. Tumayo naman ako at hinarap siya kunot nuo niya akong tiningnan.

"Alam mo?" takang tanong ni Nious.

"Thea Garcia," may pagbabantang pagbanggit ni Stephan sa pangalan ko.

"Ikaw si Thelonious-hmp!" Nagulat ako ng halikan niya ako.

Gusto kung magpigilas ngunit hinawakan niya ang bewang ko at mas diniin pa sa katawan n'ya.

"Woi!"

"Dude!"

"Chansing!"

Nagising ako roon at do'n ko siya natulak. Akmang sasampalin ko siyang mahawakan niya ang kamay ko.

"Say my name again and--- I'll kiss you." Sabi nito sabay kindat.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now