Chapter 49: I Love You

5.7K 305 9
                                    

TGISM: CHAPTER 49

Iniwan kuna sila Andrew roon at pinuntahan si Thea. Nakahiga siya ngayon sa kama habang nakatakip ang buo niyang katawan ng kumot at halatang nilalamig kasi nanginginig siya.

Lumapit ako at umupo sa gilid ng kama. Sinuklay ko ang buhok niya.

"N-nious," tawag ni Thea sa pangalan ko habang tulog.

Tumayo ako at nagtungo sa banyo. Kumuha ako ng bimpo at planggana na may tubig. Nilagay ko ito sa side table at binasa ang bimpo saka piniga.

Pinunasan ko ang balat niya ng bimpo na basa. Ng matapos ako ay binasa ko ulit ang bimpo saka piniga at tinupi.

Nilagay ko ito sa may nuo niya. Hindi na siya masyadong mainit.

"Thea," bulong ko sa tainga niya.

"N-nious," tawag niya ulit sa pangalan ko habang tulog.

"Thea gising uminom ka muna ng gamot oh," bulong ko ulit.

Nagmulat namna siya ng mata. At gulat na tumingin sa akin. Umupo siya at gulat paring nakatingin.

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Saka ko narinig ang iyak niya.

"K-kung panaginip m-man 'to please 'w-wag n'yo na akong gisingin," iyak na sabi niya.

Kaya gumanti ako ng yakap sa kaniya.

Hindi ito panaginip Thea totoong nagbalik na ako. Sorry!

. . .

THEA GARCIA POV

Napangiti ako ng mapait ng napansing panaginip lang pala 'yon. Pero bakit pakiramdam ko totoo?

Tumayo na ako at pumunta sa kusina para kumain. Nakita ko naman si Leon at Andrew na nakangiti.

Kaya tinaasan ko sila ng kilay nag iwas naman ng tingin si Andrew habang si Leon naman ay palihim na natawa.

Hindi ko nalang siya pinansin at kumain nalang. Ng matapos akong kumain ay tumayo na ako bago sila hinarap.

"Maliligo lang ako," sabi ko.

Mas lumaki naman ang ngiti nilang dalawa kaya mas lalong kumunot ang nuo ko.

"Enjoy," nakangiting sabi ni Leon.

Ngunit inirapan ko lang siya at naglakad na papunta sa banyo at binuksan. What the fudge!

"KYAHHHHHHHH!" tili ko.

Saka tinakpan ang mata ko at tumakbo pabalik sa kusina rinig ko naman ang lakas ng tawa ni Leon kaya binato ko sa kaniya ang mga bagay na nahahawakan ko.

Saka ko pinapalo ang dibdib niya.

"TANGINA KA! MY VIRGIN EYES BAT DI MO SINABI SAKING NALILIGO SI NIous?" pahina hina kong sabi. "Si Nious?" tanong ko at tumakbo pabalik sa CR at binuksan ito. "Si Nious nga," bulong ko.

Saka ako tumakbo at niyakap siya.

"T-tangina," gulat na mura ni Nious.

"Minumura mo ako?" galit na tanong ko.

"H-hindi A-ano kasi n-nakahubad a-ako—"

"Woiii! maghubad karin Thea para perfect ang view."

Do'n na ako natauhan at napakalas sa yakap. Shit nakalimutan ko nakahubad pala siya.

'Wag kang tumingin sa ibaba Thea.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now