Chapter 29

14K 111 27
                                    

THEA POV

Maaga akong nagising para ipaghanda ng almusal si Vin dahil papasok na ito sa trabaho.
ipinagluto ko ito ng paborito niyang ulam at pinagtimpla ng kape.

"Goodmorning babe.. ang aga naman ng mahal ko magluto. Swerte ko talaga" sabi ni Vin nung biglang napayakap siya sakin mula sa likuran ko habang nagluluto.

"Hhmm.. binola mo na naman ako.. maligo ka na at baka ma late ka pa" sabi ko sabay hinalikan siya sa mga labi.

"Sige po. Maliligo na ako. I love you Thea" sabi ni Vin bago ito pumanhik papuntang banyo.

Makalipas ang ilang minuto ay tapos na akong magluto at tapos na rin siyang maligo at mag bihis.

"Ohh ayan ayokong nagugutom ka at baka sabihin ng mga staff mo na pinapabayaan kita.." sabi habang ipinaghahain siya ng pagkain.

"Ano ka ba babe hindi mangyayari yun.. alam kong never mo ako pababayaan.. kaya nga mahal na mahal kita eh" sagot nito sakin.

"Naku naman.. napakasarap mo talaga magluto babe.. parang makakalimutan ko yung pangalan ko ahh" sabi nito sabay ngumiti ng pilyo.

"Ikaw talaga.. kumain ka na at baka ma late ka" sabi ko na lang.

inihatid ko siya sa pinto at inayos yung kurbata na suot nito.
"Gwapo mo babe.. kahit sinong babae magugustuhan ka kasi gwapo ka at mabait pa" sabi ko ng mahina habang inaayos ang kurbata niya.

"Kahit si Angelina Jolie pa siya hindi ko papansinin kasi may mahal na ako at ikaw yun.. kaya wag ka ng mag iisip ng kung ano ano" sabi nito at sabay hinalikan ako sa mga labi.

"See you later? Alis na ko babe.. mag iingat ka dito pag na bored ka mag mall ka okay?" Sabi nito at saka tuluyan ng umalis.

2 HOURS LATER....

diiiiing dooooong...

May nag doorbell sa pinto pero wala naman akong inaasahang bisita ngayong araw? Naisip kong baka si Sander ang tao sa labas.

Laking gulat ko ng makita ko si Larry at nag doorbell.

"Lar... Larry... Anong ginagawa mo dito?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Pwede ba ko pumasok? Andiyan ba asawa mo?" Sabi nito.
"Nasa trabaho siya. Sige pasok ka" sabi ko at pinatuloy ko siya sa loob ng condo.

Umupo ito sa sofa at tumingin tingin sa paligid.

"Ikaw lang ba mag isa dito lagi?" Sabi ni Larry.
"Kasama ko yung anak ko dito pero natutulog sa kwarto.. ano nga pala yung ipinunta mo dito?" Nagtataka ko pa ring tanong.

"Gusto kitang makita Thea.. laki na rin ng pinagbago mo halos di kita nakilala nung una kitang nakita dito sa bahay mo mismo" sabi nito.

"Ako rin.. laki ng pinagbago mo.. parang hindi na ikaw yung Larry na nakilala ko at minahal ko.. minahal ko bilang kuya.." sagot ko sa kanya.

Napatingin ito sakin at tumawa ng mahina..

"Hindi madali yung pinagdaanan ko Thea ang tagal bago ako nakawala sa sindikato. Naging mahirap ang mabuhay para sakin.." sabi niya.

Nakikita ko sa mga mata niya yung lungkot at galit.. kahit simula pa noon kalmado parin siya magsalita at kumilos.

"Ano nga ba nangyari sayo Larry?" Sabi ko sabay hinarap ko siya at nilapitan. Hinawakan ko mga kamay niya.

"Gusto kong malaman.. please.." sabi ko.

"Nung gabi na nabaril ako sa ulo, di ko inaasahang mabubuhay pa ako....."

Me & My BestfriendWhere stories live. Discover now