Chapter 41

5.6K 51 3
                                    

"i don't wanna run away but i can't take it i don't understand, if im not made for you then why does my heart tell me that i am.. is there anyway that i can stay in your arms....."

narinig kong may kumakanta sabay tugtog ng gitara. nakita kong si Pat pala yun, nagulat ako at the same time na amazed kasi magaling pala siyang kumanta.

napalingon siya sa bandang kanan niya kung saan nakatanaw ako sa kanya sa di kalayuan.. agad naman akong umiwas ng tingin at umalis sa kinatatayuan ko..

"gaaad.. bakit ka ba nagkakaganyan Paola? di ka naman ganyan dati.." bulong ko na lang sa sarili ko nung mapagtantong nataranta agad ako nung makita ni Pat.

"anong ginagawa mo dito?" -

"ay anak ng butiki!" agad kong nasambit ng biglang lumitaw siya sa likuran ko.

"ano ka ba bakit mo ba ako ginugulat?" naiinis kong sabi sa kanya at saka umayos ng tayo.

"di kita ginugulat no.. sinusundan mo ko no?" sabi pa nito sabay ngumisi na parang pilyo.

"anong palagay mo sa sarili mo? wow ha! excuse me at dadaan ako!" ng dadaan na sana ako ay biglang hinarang niya yung dadaanan ko.

"ano ba kasi Pat?! aakyat akong kwarto ko!" sabi ko sabay pinandilatan ko siya ng mata.

"sigurado ka ba? baka mamaya sundan mo na naman ako.." nakangisi pa ito sakin.

at mas lalo akong nataranta.. naku po! kaya dali dali akong umalis at...

"ouch!!" dahil nga nadapa pa ako.. at napakadulas naman ng sahig!

"oh ano ba kasi di ka naman nag iingat.." tinulungan ako ni Pat na makatayo at di nga ako makatayo.. dahil napakasakit ng paa ko!

"ouch! my gad! masakit... araaaay.." at umiyak na nga ako sa sobrang sakit talaga. ano ba namat ngayon pa talaga ako nadapa!

nagulat ako ng buhatin ako ni Pat!

"uy ano ba ibaba mo ko.. mabigat ako bahala ka diyan!" sabi ko na lang

"wag kang malikot hatid kita sa kwarto mo.. di ka na nga makalakad eh!" sabi nito at inakyat na nga ako sa kwarto.

pagkapasok sa kwarto ay agad niya naman akong inilapag sa kama ko.

"diyan ka lang wag ka ng lumakad may kukunin lang ako.. babalik ako.." sabi nito sabay lumabas ng kwarto.

syempre nag hintay ako ng di ko alam kung bakit ko siya hinintay..

at ito na nga bumalik na nga siya at may dalang compress bag.. at medyo maligamgam nga yung tubig ata na nilagay at ipinatong sa paa kong may sprain.

"ang tanda mo na nadadapa ka pa.." sabi nito habang hina hot compress yung paa ko.

"alam mo pwede ka ng umalis po ano? kaya ko na to.. ako na.." sabi ko at pilit na inaagaw sa kanya yung bag.

"alam mo ang tigas ng ulo mo.. sabi ko sayo wag kang malikot.. halikan kita diyan eh!" pagkasabi niya ay agad akong tumahimik.

my gad! baka totohanin niya at di ko alam magiging reaction ko talaga!

"ohh ayan.. dapat hinahot compress yan ng atleast 30 minutes para maibsan yung sakit.. yan kasi yung napanood ko sa youtube.." sabi pa nito at nilagyan ng konting bandage yung sprain ko.

"thank you.." sabi ko na lang medyo nahihiya pa ako..

"next time mag iingat ka.. buti na lang andun ako kanina kasi kung wala baka mas lala pa nangyari sayo pag ikaw lang mag isa.. tigas pa naman ng ulo mo." sabi nito at aktong lalabas na siya ng kwarto.

Me & My BestfriendWhere stories live. Discover now