Chapter 35

9.8K 60 3
                                    

bigla akong nagising ng biglang may liwanag na akong naaninag sa kwarto. halos di ko maidilat mga mata ko sa sobrang silaw.

"good morning.. nagluto na ako ng breakfast ready na yun tara na kain na tayo" sabi sakin ni Larry sabay humiga siya sa tabi ko at niyakap ako.

"sige mauna na kayo susunod ako.." sabi ko sa mahinang boses dahil nga sa bagong gising ako.

makalipas ang ilang minuto ay lumabas na nga ako ng kwarto. nakita kong naka handa yung bacon, itlog, loaf bread, at hotdogs cocktail na paborito ko talaga noon pa man.

napangiti na lang ako bigla dahil di pa rin nila nalilimutan yung mga gusto kong kainin.

"oh kain na tayo at mamaya may pupuntahan tayo" sabi ni Larry na masayang ibinalita samin nila Sander at Pat.

"wow mukhang nakaka excite yan pre ah.. saan naman tayo pupunta?" sabi ni Sander habang enjoy na enjoy sa pagkain.

"na miss ko na kasi kayo ka bonding kahit isang gabi lang ulit ma feel kong mag enjoy ulit kasama kayo" sabi ni Larry.

oo nga matagal na panahon ng nakalipas nung huling pagsasama pa namin. kahit sobrang naging mahirap yung buhay namin noon.

pagkatapos na nga namin kumain ay nag ayos na kaming lahat dahil nga aalis kami isang gabi kami mawawala dito sa Maynila.

mas mabuti na rin tong hindi kami matunton ni Vin dito. ayoko na munang makipag usap or makita siya.

nasa byahe na kami ngayon syempre hindi mawawala yung anak ko at yung yaya niya. pero tulog yung anak ko ngayon kakatapos lang kasi dumede. pati si yaya nakaidlip na rin dahil nga maaga pa nagising.

"alam ba ng asawa mo Larry na mag a-out of town ka?" nagtatakang tanong ni Sander.

"hindi. bakit ko sasabihin susundan lang ako nun" sagot ni Larry.

"bakit naman? selosa ba?" -Sander

"hindi naman. di ko naman binigyan ng dahilan para mag selos yun eh." -Larry

"oh eh bakit ayaw mong sinusundan ka nun?" -Sander

"hindi ba pwedeng mag me time naman ako? lagi ko naman siya kasama sa lahat ng lakad ko. ngayon lang ako magiging pasaway sa kanya" -Larry

"ahh kung sa bagay. yan kasi nag si asawa agad kayo. di niyo kami tularan ni Pat. diba Pat?" sabi ni Sander sabay tawa tawa siya.

"kayo talaga dami niyong alam.. pero Larry bakit nga ba di mo siya sabihan para di naman siya mag alala sayo" sabi ko habang nakatingin lang sa daan.

"wag na di yun. ako bahala dun." sagot ni Larry.

makalipas ang 3 oras na byahe ay nakarating na din kami sa location.

isang private mansion ito.
sobrang laki ng bahay bigla akong namangha.
ipinagbukas kami ng gate na napakalaki talaga.

"wow pre sayo ba to?" namamanghang sabi ni Pat

"hindi pre sa tatay ko tong mansion na to. dito muna tayo ngayon may pool din dun sa likod dun tayo mamaya" sabi ni Larry sabay bumaba na kami sa kotse niya.

di ko akalain na ganito pala kayaman yung tatay ni Larry. akalain mo yun pero di ko ma imagine kung bakit siya lumaki din sa kalsada at nasama sa sindikato.

biglang kong naalala na leader pala ng sindikato yung tatay niya.

pag pasok namin sa pinto pa lang nag hihintay yung mga kasambahay nila at may isang matandang babae ma siguro siya yung mayordoma dito sa mansion.

Me & My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon