Chapter 14

21.9K 180 1
                                    

8pm ng gabi ngayon..
Pero niyaya ako ni Vin na mag bar. Eto pala yung tinutukoy niyang pagbawi??

"Magbihis ka na aalis tayo.." sabi niya sabay nag smile pa siya.
"Mag babar tayo? Diba ayaw mo dun?" Sabi ko habang nakatingin lang sa kanya nagbibihis na kasi siya.
"Sige na.. magsasaya tayo ngayon.. kasi bukas uuwi na tayong Manila.." sagot niya.

After namin magbihis ay agad kaming bumaba at nagtungo kami sa bar nila.

Pagpasok namin dito sa bar. As usual maraming tao ang naghihiyawan at nagsasayawan pa.

Hinawakan niya yung kamay ko papasok ng bar di niya ako binitawan hanggang naka upo kami sa counter table ng bar.

"Umiinom ka naman diba?" Sabi niya. Tumango lang ako bilng tugon.

Bumaling ang atensyon niya sa bar tender.
"Lui! Bigyan mo ko ng dalawang shot ng tequilla.." sabi niya sa bar tender. Kilala niya rin ito syempre katiwala rin nila to sa bar.

"Coming up sir Vin.." sabi ng bar tender na si Lui.

Sa harap namin mismo ginagawa niya yung order ni Vin.
Binigyan kami ng dalawang shot glass na tequilla ang laman. At may kasamang tg iisang slice ng lemon.

"Here is your 2 shots of tequilla sir and maam" sabi ng bar tender at binigay samin ung order namin.

"Oh ayan.. sabay natin inumin.. 1... 2... 3..." pagkabilang niya ay sabay naming ininom yung tequilla shots..

Napangiwi ako sa lasa ng tequilla sobrang tapang kasi gumuguhit sa dibdib ko..

"Wooooohhhhh!" Biglang sigaw ko.. at sandali niyugyog yung ulo ko.

"Hahahahahaha! Di ka sanay? Kaya mo yan! Isa pa?" Sabi pa ni Vin na parang natutuwa sa ginagawa namin.

"Sige..." sabi ko. Habang tumikin ng lemon. Tapang kasi ng tequilla.

Naibigay na samin yung pangalawang order namin ng tequilla shots..

Naubos na namin ito..
Makalipas ang ilang minuto pa ay naka 6 na tequilla shot na kami.

Dahila nga hindi ako sanay talagang nahihila na ako..

Tatayo sana ako para mag CR kaso biglang na out balance ako konti dahilan para mapahawak ako sa balikat ni Vin.

"Oh okay ka lang ba? Baka di mo na kaya balik na tayo sa room natin.." sabi ni Vin na inalalayan ako hinawi ako bewang at kamay.

"Hindi.. mag C-CR lang ako Vin.. samahan mo muna ako.." sabi ko pero okay pa ako magsalita.
"Sige..." tumayo si Vin at hinatid ako sa CR.

Paglabas ko andun pa rin siya..
Inalalayan pa rin ako.. hanggang makabalik kami sa pwesto namin kanina.

"Vin! Tara sayaw tayo..." sabi ko sabay hinila ko siya.
At nagpaubaya naman siya.. hinila ko siya sa gitna ng dance floor.. maraming nagsasayawan..

Sumayaw kami ni Vin..
Hinawakan niya yung bewang ko habang nakapatong sa balikat niya mga kamay ko..
Sobrang magkadikit ngayon mga katawan namin ngayon.
Pati mukha.. sobrang lapit yung ramdam ko na yung init ng hininga niya..

"I... lo....." biglang naputol yung sasabihin ni Vin ng biglang may humablot ng buhok ko!

"Ugggghhhhh! Araaaay!" Sabi ko sabay hawak sa kamay ng sumasabunot sakin..
"Mga gago kayo! Ikaw mang aagaw kang babae ka! Inagaw mo boyfriend ko!!!!!!" Rinig kong sabi niya..

"Oh shit! Kate get off her!!!" Pilit na inaalis ni Vin yung kamay ni Kate sa buhok ko..
"No! Dapat sa kanya mamatay!" Sabi pa ni Kate sa sinusuntok na ngayon yung ulo ko!

Me & My BestfriendWhere stories live. Discover now