Chapter 11

22.9K 166 3
                                    

Aktong iinumin ko na yung ladies drink na binigay ni Zed ay may kamay na pumigil sakin sa pag inom nito.
"Dont drink that shit may nilagay siya diyan. Leta go back to our room now.." sabi ni Vin na medyo sumisigaw siya kasi nga sobramg ingay dito sa bar.

"What the heck are you doing Vin?! Hayaan mo siya!" Sabi ni Zed. Medyo nalito ako. Magkakilala sila?
"Wait.. magkakilala kayo?!" Sabi ko at tiningnan silang dalawa.
Walang sumagot sa tanong ko like duh! Na OP ako? Ganun?

"Look Zed.. dont you ever touch my girl!" Narinig kong sabi ni Vin sabay dinuroduro niya pa ito ng hintuturo niya.
Then nakita ko fes ni Zed halatang galit ito sa mga pagbabanta sa kanya ni Vin.

At dun pa lang ako hinila ni Vin palabas ng bar na yun..
Hanggang medyo nakalayo na kami ay agad niya akong binitiwan..
"Ouch! Sakit nun ah.. ano bang problema mo?!" Sabi ko sabay napahawak ako sa kamay ko. Sakit kaya higpit ng hawak niya eh.

"Ano bang pumasok diyan sa kokote mo at sumama ka dun? Eh hindi mo naman kilala yun?! Sumama ka agad?!" Sabi niya sabay tinuro pa yung bar. Kahit di na namin tanaw pareho yung lugar na yun.

"Eh anong masama dun? Eh guest niyo naman siya dito eh! At saka binibigyan ko lang kayo ng time ng jowa mo!" Sabi ko sabay inirapan ko lang siya ng mata.

"He's not our guest! He's mu brother! And please Kate and I broke up already.. kanina pa kita hinahanap! Damn!" Sabi niya sabay sinipa yung buhangin.

Hala! Naano na siya?
Malay ko ba kung jowa niya yun eh sabi ni nanay Selya jowa niya eh. At kapatid niya si Zed??

"Magkapatid kayo ni Zed?" Nagtatakang tanong ko.
"Half siblings kami. Anak siya ni papa sa ibang babae. No.. i mean legitimate child siya ng mga Alcantara..." nagulat ako sa sinabi niya.
"So ibig sabihin... ikaw yung anak sa labas?" Nagtatakang tanong ko pa.

Tumango lang siya bilang pag sang ayon. Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Pero hindi siya iba kung tratuhin ng mga katiwala dito. Mukhang silang magkapatid lang yung di magkaintindihan.

"Bakit parang galit ka kay Zed?" Biglang tanong ko.
Nilingon niya ako at sandali siya huminto sa paglalakad. Kaya napatigil din ako.
"Oh bakit? May masama ba sa tanong ko?" Sabi ko.
"Ang daldal mo bilisan mo at inaantok na ako.." sabi pa niya sabay naglakad ulit.

Halatang umiiwas siya..
Kaya di na ako nagtanong ulit ng tungkol sa kapatid niya.

Andito na kami ngayon sa loob ng kwarto..
Syempre magkatabi kaming matulog iisa lang yung kama eh. Okay lang kasi malaki naman..

Napalingon ako sa kanya at nakita kong mahimbing siyang nakatulog na..
Napangiti na lang ako na bigla kong naisip na may tinatago din pala siyang lambing sa katawan.

Yung lambing na walang malisya yung likas na nasa kanya..
Ang swerte naman ng babaeng makakatuluyan netong lalaking to..

Maaga akong nagising..
As usual tulad ng ginagaw ko sa kanya nung nasa Manila kami ay paghahain ko siya.
Kaya pumanhik ako papuntang kusina.
Naabutan kong nag hahanda ng mga gulay si nanay Selya at ang isang katiwala nito..

"Thea.. hija good morning sayo! Aga mong nagising? Si sir Vin tulog pa ba?" Sabi ni nanay Selya na binigyan ako ng genuine smile.
"Opo eh tulog pa.. tulog mantika po yun.. eh gusto ko po sana siyang paghain ng breakfast. Yung medyo magaan lang po sa tiyan kasi hindi kumakain ng heavy meal si Vin pag umaga.." sabi ko kay nanay Selta habang nag iisip ng pwedeng ihanda sa kanya.

"Ah ganun ba? Sige.. bacon at itlog na lang tapos igagawa ko na lang si sir ng french toast ikaw na magtimpla ng kape. Alam kong kuha mo naman timpla niya.." sabi ni nanay na tinap pa yung braso ko.

Nakakatuwa tong si nanay Selya may edad na pero ang lakas pa niya. Ano kaya sikreto niya??

Makalipas ang ilang oras ay.. natapos na kaming maghanda ng agahan.. paakyat ako ng kwarto ng makita kong bukas yung pinto ng kwarto namin..

Bukas pero maliit lang..
Sumilip ako baka kasi may masamang elementong pumasok..

"Vin.. ano ba? Bakit ayaw mo ko sagutin? Bakit magkasama kayo ng babaeng yun? She's your maid right?" Sabi niya habang nakayapos kay Vin.

Si Kate nga..
Wala ng iba.. yung babaeng pabebe..

"No.. she's not.. sino may sabi?" Sabi pa ni Vin.
"Fred! Yung driver niyo! So tell me if hindi mo siya maid ano mo siya?" Sabi ni Kate na ngayon ay nakatayo na at naka pameywang na ito.

"She's my girl.. now you know.." sabi ni Vin. At sobrang lamig ng awra niya.
Nagulat akong sinabi niya yun kay Kate. Pinagseselos niya ba yung jowa niya? Lokoloko talaga..

Pero merong parte sa puso ko na natuwa ako dahil sa pagsisinungaling niya na gf niya ako.. kahit hindi talaga..

"Oh.. wow.. lucky girl! Now tell me may nangyari na sa inyo?" She asked.
"Ofcourse.. part yun ng relasyon namin.." poker face niyang sagot.

Ngayon ko lang siya nakitang ganun ka cold.. yung parang di mo mababasa yung nasa isip niya talaga..

Nakita kong tumayo na si Vin at parang lalabas na ng kwarto.. kaya ginagawa ko tumakbo akong elevator kunwari papasok pa lang ako ng kwarto sana..

Nakasalubong ko si Vin.. at nakita kong lumabas ng kwarto si Kate na hindi maipinta yung mukha.

"Oh.. baby.. saan ka ba galing?" Sabi ni Vin sabay hawak sa bewang ko at hinawi ako para halikan sa labi..
Magugulat pa sana ako kaso bigla niya akong kinindatan.

Sinyales na sakyan ko na lang trip niya..
Gago talaga to!pinagseselos yung kawawang babae..

"Ah.. eh.. sorry naghain kasi ako ng agahan mo.. eh umakyat ako dito para gisingin ka.. eh mukhang kanina pa ata.. may kasama ka pala sa kwarto natin?" Sabi ko as if totoong eksena daw kami.

Lumapit si Kate sakin..tiningnan ako mula ulo hanggang paa.. at walang sabi siyang tumalikod at nag walk out..

Hala! tapang niya naman..
Wag niya akong susubukan laking kalye ako baka mapasubo siya hahahaha!

Nang tuluyan ng makaalis si Kate ay agad akong hinila ni Vin papasok ng kwarto..

"Bakit ba bigla ka na lang nawawala?!" Sabi niya medyo pasigaw na. Galit siya sakin?!

"Di mo narinig sabi ko kanina? Naghanda ako ng breakfast mo!" Sabi ko sabay inirapan ko siya ng mata.
"Sorry kasi nakapasok siya.." sabi niya pero in a low tone of voice na at medyo sweet na pakinggan.

"Okay lang yun baba ka na.. kain ka na alam ko gutom ka na eh.." sabi ko sabay pinitik ko noo niya.
"Aw! Sakit nun ah!" Sabi niya sabay kamot sa noo niya.

Bumaba na kami..
Kumain kami ng agahan..

Me & My BestfriendWhere stories live. Discover now