Chapter 12

22.5K 162 3
                                    

"Anong ginagawa mo dito? Kanina pa kita hinahanap.." sabi ko sabay lapit sa kanya at naupo sa tabi niya.
"Di ba obvious? Nakaupo ako at nakikinig ng music sa phone ko" cold niyang sabi. Bakit kaya?

"Alam mo kung may problema ka pwede mo naman share sakin yan eh.. except sa pagiging yaya mo pwede mo rin akong maging bestfriend... so anong problema mo?" Sabi ko sabay tiningnan ko siya.

Pero nakatingin lang siya sa dagat.. nakikita ko yung lungkot sa mga mata niya.. yung parang may hinahanap siyang kulang.. pero di ko matukoy kung ano yung kulang na yun.

Nagpakawala siya ng isang malaking buntong hininga..

"Di pa rin pala sapat yung ipakita mo at iparamdam mo sa kanya na mahal mo siya.. yung parang pakiramdam ko kahit anong gawin ko kulang pa rin ako sa kanya.." sabi niya sabay tulo ng luha niya.

Nagulat ako sa nasaksihan ko..
Si Vin Alcantara ay umiiyak dahil sa babae??

"Sobrang minahal ko kasi eh.. kahit paulit ulit niya akong ginagago.. nakukuha ko pa rin siyang patawarin kahit sobrang sakit na.." sabi pa niya sabay pahid ng luha niya na tuloy pa rin sa pagtulo nito.

Tao lang din naman kasi siya.. nagmamahal din, nasasaktan.. ramdam ko yung sakit na yun..

"Bakit di mo na lang pakawalan? Kung yun yung paraan para di na sumakit yan" sabi ko sabay hinawakan ko yung dibdib niya.

"Gusto ko ng umalis, gusto ko ng kumawala pero sadyang ayaw pa ng puso ko.." sabi niya sabay turo din sa dibdib niya.

Tiningnan niya ako..
Yung tingin na parang may pakiusap siya sakin..

Kinuha niya kamay ko..
Hinawakan niya ng mahigpit. Nagulat ako dahil sa ginawa niya. Di lang ata ako sanay na ganyan siya kalambing..

"Thea.. promise me you wont leave me..." sabi niya matching yung mata niya talagang asking and begging.

Di ko alam ang isasagot ko.. dahil ayokong paasahin siya.. mabuting tao si Vin ayokong masaktan lang siya..

"Vin.. ayokong mangako.. kasi baka di ko matupad.. ang kaya ko lang gawin sa ngayon ay mag stay habang kelangan mo ko" sagot ko na lang sa kanya.

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin..
Sobrang higpit..
Ayokong mag assume, mas lalong ayokong mag isip ng kung anong meron samin kasi ayokong ilagay yung sarili ko sa sitwasyon na alam kong masasaktan lang ako..

"Thank you... for staying Thea.." sabi niya. Habang nakayakap pa rin sakin.

Ayoko ng ganto..
Bakit iba na nararamdaman ko??
Parang bumibilis tibok ng puso ko... yung parang natutuwa akong ganto kami kalapit, ganto siya kalambing sakin..

Thea... wag na wag kang papasok sa komplikadong sitwasyon dahil masasaktan ka lang..

Hinawakan ko yung mukha niya pinahid ko yung mga luha niya..
At nag smile ako yung smile na mahahawa siya..

"Wag ka na po umiyak... kasi di bagay sayo.. first time kitang nakitang umiyak.. di ako sanay.. tss.." sabi ko sabay hinampas ko siya sa balikat.

Nag smile na rin siya..
Nakita ko na ulit yung masayang Vin..

"Punta lang akong kusina kina nanay Selya maghahain lang kami ng dinner.. dito ka lang ba?" Sabi ko.

Tumango lang siya bilang pag sang ayon..
"Balik na lang ako dito pag ready na yung food ha.. wag ka na umiyak diyan" sabi ko habang naglakad na ko papuntang kusina nila.

Naglalakad ako..
Ng biglang may humarang sakin..
Nabangga ko siya ng di ko sinasadya bigla kasi siyang sumulpot..

"Ay! Sorry.. di kasi kita nakita..." sabi ko lang pero poker face ako. Kilala ko yung babaeng nakabanggaan ko eh.

"At di mo rin ba nakikitang sinisira mo kami ni Vin?!" Sabi niya matching pataray pa.

Nagulat ako sa sinabi niya..
Anong sisirain ko eh matagal naman na silang sira!

"Alam mo miss.. may mga bagay talaga tayong dapat tanggapin na lang.. kasi minsan tayo rin mismo ang sumisira sa taong nagtitiwala satin.. kaya sana kung ano man yung nasira sa inyo, wag mo isisi sa iba kasi walang mangyayari sayo.. wala kang mapapala.." sabi ko sabay lalakad na sana ako ng hawakan niya ako ng marahas sa braso..

"Ano ulit yung sinabi mo?!" Sabi sakin at mas hinigpitan pa yung pagkakahawak sakin.

Medyo hindi na ako natutuwa sa ginagawa niya sakin..
Gusto niya ata makatikim ng black eye.. Thea! Kumalma ka.. pag yan pinatulan mo tulog yan sayo!

Bumuntong hininga ako.. at tiningnan siya ng matalim..

"Kate.. nakatikim ka na ng suntok sa mukha? Baka gusto mo patikim ko sayo?" Sabi ko pero naka poker face ako.

Parang hindi siya natinag..
Matapang na babae.. pinapahanga ako..

"Di ako umaatras sa kahit na kanino.. Vin know me well.. then you bitch back off.. umalis ka na dito hayaan mo na kami ni Vin.." sabi niya sabay talagang lumapit pa sa mukha ko.

"Alam mo ba sabi sakin ni Vin if ever na magkaharap daw tayo wag na daw kita papatulan kasi daw sira ulo ka.. dapat dun ka sa mental hindi dito sa resort di ka bagay dito.." pagkasabi ko aktong sasampalin niya sana ako. Pero napigilan ko yung kamay niya.

Huli ka balbon!
Mas malakas ako sayo.. anong laban mo sa lumaki sa kalye?!!!

"Ouch! Shit! Get off me!" Sabi niya sabay pilit na nagpupumiglas..
Pero syempre medyo ginalit niya ako eh kaya ayan tuloy..

"Wag mo ng tangkain kalabanin ako kasi kahit lalaki pinapatulan ko.. kaya pag naulit pa to sorry na lang talagang papatulan na kita.." sabi ko sabay bitaw sa kamay niya dahilan para matumba siya sa kinatatayuan niya.

Naglakad ako papalayo sa kanya..
Di naman talaga ako pala away umiiwas ako sa gulo hanggat maari.. ayoko na nga balikan yung buhay namin dati eh..
Talagang imbyerna lang yung babaeng yun..

Tapos na kaming maghapunan..
Tahimik lang ako buong oras ng pagkain..
Alam kong nagtataka rin si Vin na tahimik lang ako..
Hanggang sa pag akyat namin dito sa kwarto.. nakapag half bath na ako pero wala akong imik di ko siya pinapansin..

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa walang imik eh.." nagtatakang tanong niya.

Nag nod lang ako ng ulo.. sinyales na wala naman akong problema okay lang ako..

Di na ata siya nakatiis at hinarap na niya ako.. na corner niya ako dito sa bintana ng kwarto namin.

"May problema ba? May nangyari ba? Tell me Thea di yung wala kang kibo diyan.." pilit niyang tanong.

Nagdadalawang isip kasi ako kung sasabihin ko ba sa kanya yung nangyari samin ni Kate kanina.

"Si Kate kasi..  nag away kami kanina.. hinarang yung daan ko eh.." sabi ko na lang.
"Pinatulan mo yun?" Nagulat na tanong ni Vin.
"Eh sobra na eh.. sakin ba naman isisi yung nangyari sa inyo? Tapos sasampalin pa sana niya ako eh napigilan ko siya di naman ako papayag na saktan niya ako ng walang dahilan.." sabi ko at parang iiyak na ako kasi baka magalit siya.

Ginulo lang niya yung buhok ko.. sabay nag smile sakin at tumalikod na.. inayos niya yung kama..
"Matulog na tayo... bukas na lang natin pag usapan yan.. wag ka na malungkot.." sabi niya sabay humiga na sa kama.

"Di ka galit?" Sabi ko.
"Bakit ako magagalit eh di naman ikaw yung nang una diba?" Sabi niya.
"Oo... di ko naman ugali makipag away" sagot ko. Sabay humiga na rin ako sa kama..

Me & My BestfriendWhere stories live. Discover now