Chapter 40

5.6K 52 3
                                    

Nakita ko si Thea na naglalakad sa bakuran ng bahay, tanaw ko sila ni Larry mula dito sa kwarto. masaya sila nakikita ko rin na close ito sa mag ina  pero di parin nila maikakaila na si Vin parin yung asawa ni Thea.

Sa ngayon di ko na muna ipapaalam kay Vin na kasama ko na yung mag ina niya, di ko alam kung anong pwedeng gawin ng tatlong kolokoy na kasama ni Thea dito. Mas mabuting nag iingat.

nagpasya akong lumabas ng kwarto at puntahan si Thea para makapag bonding na din ako sa pamangkin ko.

paglabas ko ng kwarto ng di inaasahang nakita kong naka brief lan tong Pat na to!

lumaki ang mga mata ko sa nakita ko! sobrang nagulat din ako, at napalunok bigla..

nagkatinginan kaming dalawa ni Pat..

tumingin siya sakin ng deretso sa mata ko.
"oh bakit parang nakakita ka ng multo?" pagkasabi ay agad itong tiningnan yung ibaba niya.

"ngayon ko lang ba nakakita ng lalaking naka brief?"sabi nito at sabay ngumisi at pumasok sa kwarto niya, na may limang hakbang mula sa kwarto ko.

sa sobrang kayabangan niya akala niya gumwapo na siya kahit pa na gwapo naman siya talaga at macho at malaki ang sandata... hay  naku Paula kung ano ano na naman yang iniisip mo!

nag pasya akong manatili na lang sa kwarto at humiga sa malambot na kama..

one message received
John

"i'm breaking up with you.."

ito yung huling message sakin ni John, yung boyfriend kong FilAm na naka based sa New York bilang Architech sa isang I.T company.

hindi ako nakapagreply sa message niya sakin kasi ito yung araw na umuwi ako dito sa pinas then i saw his IG na may bago na nga itong jowa.

akalain mo yun wala pang 1 month kaming break may bago na siya agad!

I knew John for almost 10 years. ang dami naming pinagsamahan, almost good memories as if inlove kaming talaga sa isa't isa. I've witnessed all his struggles sa school niya until he became successful sa industry na pinili niya.

maybe he was too overwhelm sa pagka promote niya sa work he's been busy, minsan na lang kami magkita at mag bonding together which is understandable naman kasi nga may sariling buhay din naman siya. Ang hirap mag move on lalo na pag mahal mo pa yung tao.

bigla akong napatingin sa pinto ng biglang may kumakatok.

"why?" i answered nung makita na si Pat pala ang kumakatok.

"every dinner na lang ba kita tatawagin talaga para kumain? wala kang kusa?" sabi nito sakin. then i checked my phone's time its already 8:30pm na pala.

"okay bababa na ko.." sabi ko sabay sinara ulit pinto.

i left my phone on my bed then bumaba na ko.

"hello guys.. good evening.." sabi ko habang umuupo sa dining table.

"sino nagluto ng mga to? ang dami ah.." sabi ko sabay namangha sa mga nakahain.

merong adobong manok, mashed potato, and beef broccoli. mas marami pa ata ang ulam kesa sa kanin.

"manang Bechay cooked it. kusinera namin siya mula pa noon." sabi ni Larry.

while eating panay tingin naman tong Pat sakin. ano naman bang trip netong lalaking to.

"guys sa kwarto muna ako may zoom meeting ako ngayon with clients." sabi ni Larry right after niyang kumain.

naiwan kami nina Sander, Thea and Pat sa table.

"is he have a wife ba?" tanong ko bigla out of nowhere.

"bakit interesado ka ba kay Larry? may asawa siya nurse." sagot ni Pat.

"ahh i see.. ehh ikaw may nobya ka ba or asawa?" tanong ko sa kanya.

"sakit lang sa ulo yan.." sagot nito habang busy sa pagkain niya.

"di ko alam pero mula nung nagkakasama kami parang di ko pa nakikitang nagka jowa yang si Pat.." sagot ni Sander at nakangisi pa nga ito.

"tumahimik ka nga diyan.. kumain ka na lang kasi diyan.." may tonong napipikon ito.  At agad naman akong napangiti sa aktong niyang yun para siyang bata.

natapos na kaming lahat kumain at andito ako sa gilid ng mini pool nila nakaupo habang yung mga paa ko ay nakalublob sa pool.

nakakarelax yung gabi ngayon. I just missed my life sa siyudad but here i am waiting for Thea to get ready na umuwi na sa kapatid ko.

"beer?" isang malamig na beer ang iniabot sakin ni Pat at umupo ito sa tabi ko.

"sure.. thanks.." sagot ko sabay abot sa beer na alok nito.

"kailan ka uuwi?" sabi nito sakin habang nakatingin sa kawalan.
"pag pumayag na si Thea na umuwi then i'll go with her" sagot ko lang at tumungga ng beer.

"paano pag di na bumalik?" sabi pa nito at tiningnan ako.
"babalik yan.. i know he loves Vin.." sagot ko lang pero di ako tumingin nakakatunaw kasi.

"okay sabi mo eh.." sabi lang nito.
"ang ganda mo pala.."biglang sabi nito at tumingin pa talaga sakin. bigla akong nakaramdam ng pagkahiya at pagkailang.

di agad ako tumingin sa kanya kasi baka tuluyan na akong mamula.

"masyado kang bolero.." sabi ko na lang pero di pa rin ako tumitingin sa kanya.

ngumisi ito gosh! ang pogi talaga nitong Pat na to!

"maswerte yung boyfriend mo ang ganda mo eh" sabi pa nito sabay ngiti.

"he broke up with me.." sumeryoso yung mukha ko coz everytime i remembered him nasasaktan talaga ako.

"sa ganda mong yan nakipaghiwalay pa siya sayo? aba! bobo siya!" sagot ni Pat at halatang may disappointment sa mukha niya. at ramdam ko yun.

"ganun talaga eh.. sometimes all we have to do is to accept it and move on" sagot ko then this is the time na tiningnan ko siya sa mata.

"okay lang yan. maganda ka, matalino, mukhang matino ka naman, mayaman maswerte talaga yung lalaking mamahalin mo. sa ngayon, mag enjoy ka muna sa pagiging single mo" sabi pa nito sakin at sabay inubos na yung beer na ininom niya.

"di ka pa ba papasok?" tanong nito sakin.
"sige mauna ka na sa loob maya na ako." sagot ko.
"sige ikaw bahala. wag ka papagabi masyado maraming lamok" sabi nito sabay umalis na nga ito at pumasok sa loob mg bahay.

huminga akong malalim. di ko namamalayang tumutulo na pala mga luha ko. nasasaktan ako pag naalala ko si John.

inubos ko na agad ang natitirang beer sa hawak ko. medyo nakaramdam ako ng hilo kasi di naman ko umiinom talaga ng mga gantong inumin.

nagpasya akong pumasok na sa loob ng bahay.

umakyat ako sa kwarto ko at napahiga ako sa kama at dun na ako umiyak ng umiyak.

Me & My Bestfriendحيث تعيش القصص. اكتشف الآن