Chapter 6

624 50 15
                                    


She would show him.

Taas-noong naglakad si Yelena papunta sa building nila.

Hindi siya nakatulog nang maayos nang nakaraang gabi. Napuyat siya sa paghahanap ng mga recipes sa internet. In-interview din niya si Nanay Ima para sa mga tips sa pagluluto. Nagtagumpay rin siyang magsaing nang tama gamit ang rice cooker. She mastered that little f*cker, alright.

Hah! Mayabang siyang ngumiti at pasimpleng inayos ang kanyang wavy brown hair. She would show that motherf*cking bastard. Siya si Yelena Isabel Valderama. She is freaking awesome.

"Yelena."

Napalingon siya sa tumawag sa kanya. At agad umasim ang mukha niya nang makita si Miss Piggy–err–Geraldine na naglalakad palapit sa kanya. Hindi niya maiwasang mapa-cringe habang nakatitig siya sa wiry bangs ng kaklase. Gawd. Napailing siya sa sarili. Tingin ba talaga nito magandang tingnan ang bangs na iyon? Like, hello? Ano ba, 'teh?

Huminto ito sa harapan niya. "Nakita mo 'yung topic natin para sa Social Studies?"

Nag-angat siya ng kilay. "What?"

Impatient na humalukipkip ang babae at parang mga sausages na umumbok ang mga braso nito. Pinigilan niyang tumawa. "Project for Social Studies. Tayo ang mag-partner. Hindi mo ba tiningnan Facebook group kahapon? Nag-post na si Ma'am ng mga mag-partners."

Nawala ang ngiti ni Yelena. Facebook group. Social Studies project. Shoot.

Tumiim ang mga labi ni Geraldine. "Look, you might not care about the project, but I do. I won't have my grades dragged down because I've been partnered with–"

"... One of the best students in class?" Matamis siyang ngumiti saka pinagkrus din ang mga braso. Unlike Geraldine, she was slim and toned. She had always been like that. Combination iyon ng good metabolism, disiplina sa pagkain at exercise. "If your grades go down the drain, Geraldine, it won't be because you're partnered with me. I assure you that."

"You'd better be sure. Read the instructions and grading system, I want to pass the outline on Monday."

"Let's discuss the topic over lunch today."

"I have several prospects already, since I've already read the announcement yesterday, unlike you."

"I don't need half a day to think of prospective subjects for the project, thank you."

Akmang tatalikuran niya ang kaklase at papasok na siya sa room, nang mahagip ng mga mata niya ang papalapit na matangkad na lalaki.

Napatigil siya sa kinatatayuan habang nakatitig kay Rad. Napahinto rin ang ibang mga estudyante at napatitig. He had that effect on people. Parang bumabagal ang mundo kapag nasa paligid ito. People just had to stop what they were doing to stare at him. It's the height, kumbinsi niya sa sarili. The guy was too darn tall. And the body built, dagdag niya habang nakasimangot na pinagmamasdan ang malapad nitong balikat at mahulmang biceps at triceps. It was irritating how goodlooking he was. Hindi ito iyong pretty boy na typical na tinitilian ng mga teenagers. He's too rough, too intense.

Rad's eyes met hers, and she suddenly remembered the way his knuckles lightly brushed her cheek as they leaned against his car yesterday.

"Rad!" tili ni Geraldine.

Bumaling sa kaklase ang titig ng binata. Tumaas ang sulok ng mga labi nito, at bahagyang tumango kay Miss Piggy.

"'Morning!" tili ulit ng babae.

Gusto niyang iikot ang mga mata. Geraldine was so pathetic. Halatang-halatang may crush ito sa bago nilang kaklase. Para itong kiti-kiting kinikilig sa presensya ng binata.

Rad and Yelena (chapters 1-10 only)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt