Chapter 7

528 43 0
                                    


What the hell is wrong with him? inis na naisip ni Yelena habang nag-a-apply ng lip gloss. Isinuksok niya ang brush pabalik sa tube at inayos ang buhok. "He couldn't even take a joke."

Akala mo kung sino ito magsalita. Napakaarogante. Gusto niya itong buhusan ng kumukulong mantika.

"Ba't mo siya kailangang sundan ngayon, Yelena?"

Nagtaas siya ng tingin kay Melissa. Nag-a-apply din ito ng lip gloss at nakatitig sa repleksyon nito sa salamin sa girl's restroom.

"I think he's up to something," paliwanag niya. Ipinasok niya ang brush sa kikay pouch at ibinalik iyon sa bag. "Kailangan ko nang maghanap ng ammunition para ipanglaban din sa kanya."

"Go, girl!" nakangiting cheer ni Desiree.

"Thanks!" Nag-air kisses sila.

"Sige," patuloy ni Melissa. "You can use my car, I'll go with Des. We have to research for our Sociology project."

"Thank you."

Niyakap niya ang kaibigan at sabay-sabay silang lumabas ng restroom. Pumasok siya sa kotse ni Melissa at hinintay na lumabas ng gate si Rad. Hindi siya nito pinaghintay nang matagal.

"Kuya Tino," tawag niya sa driver nina Melissa, "pakisundan 'yung pulang Ferrari."

Binagtas ng sports car ng kaklase ang daan pauwi sa bahay nito. Humalukipkip siya habang nakatitig sa likod ng kotse.

What? Uuwi lang ito? Sumimangot ang dalaga. Darn. Akala pa naman niya, may mahuhukay na siyang deep dark secret nito.

Lalo siyang sumimangot nang maalala ang mga sinabi nito kanina. "You're the one who's ugly. You're the one who's pathetic. You're disgusting."

Ramdam ni Yelena ang pag-iinit ng mga pisngi. Akala mo kung sino itong santo kung magsalita. Akala mo kung sinong napakalinis. Pupusta siya na mas marami itong ginawang masama sa buhay nito kumpara sa kanya. He was such a hypocrite. Ito nga ang numero unong a*shole at nangba-blackmail pa dahil lang bored ito. Hindi ba mas malala iyon kaysa sa pag-trash talk niya? Pagkatapos, ang lakas ng loob nitong magsermon? Hah! Ang kapal.

She chewed her lower lip as she glared at the back of his car. She bet he had never even done anything nice to other people in his whole life. He was selfish and vile and cruel. The f*cker.

Huminto ang kotse ni Rad sa tabi ng bangketa. Napatuwid ang upo ni Yelena.

"Well, well, well..." Ngumiti siya, at napalibot ang tingin niya sa paligid. Saan ito pupunta? Siguro may kung anong illegal na nagaganap sa paligid dito at doon pupunta si Rad. Illegal drugs siguro? Sex joint? Hah! This was her chance!

Bumaba ang binata sa kotse at halos dumikit ang mukha niya sa bintana ng SUV nina Melissa. Thank God for tinted windows.

May video store sa malapit. Siguro drug den iyon o baka may kung anong live pornographic show na pinapalabas doon. She would show him. Ang kapal ng mukha nitong magsermon sa kanya samantalang ito nga ang masama ang ugali!

"Selfish, self-centered jerk," she muttered as she took out her phone. She should take a picture of him and–

Huminto si Rad sa tapat ng isang may-edad na babae na may kasamang dalawang bata—isang babae at isang lalaki.

She frowned.

Malawak ang ngiti ng matandang babae kay Rad, habang nakatungo naman ang batang lalaki. Nag-usap sandali ang mga ito, pagkatapos sumakay ang mga ito sa Porsche.

Rad and Yelena (chapters 1-10 only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon