Chapter 5

2.4K 119 21
                                    

"How's everything, Rad?"

"Good."

Tumitig siya sa nilutong kanin ni Yelena nang nakaraang araw. Mukhang lugaw iyon sa lambot.

"Do what you want to do with the situation," patuloy ng lalaki mula sa kabilang linya. "I'm pressuring the bank not to loan Valderama his needed funds for the completion of his new resort. It would be a major blow for him if the construction stops now."

"That's good, 'Pa."

"Are you comfortable in your new school? Do you need anything?"

"No, you've given me more than enough. I'm doing good."

"Rad," ani Renato, puno ng pasensya ang tono. "You don't have to be embarrassed to ask me for anything–"

"I'm not embarrassed." Bumuga siya ng hangin at kinuha ang isa pang niluto ni Yelena mula sa fridge. Inilapag din niya iyon sa counter. "You've given me more than enough, I'm doing great here."

Tumitig ang binata sa tinola at kanin. Dapat ay itapon na lang niya iyon, pero hindi niya magawa. Naalala niya noong mga panahong nilalagyan nila ng kape ng mama niya ang tutong para malagyan ng laman ang tiyan nila. Matutuwa at magpapasalamat ang kanyang ina kung may ganitong pagkain sila noon, kahit masama ang lasa o mukhang pagkain ng aso pa iyon. They would be too grateful to complain.

Lumamlam ang mga mata ni Rad. "Wala na 'kong mahihingi pa, ibinigay mo na ang lahat ng kailangan ko. I could never ask for anything more."

"Okay. But if you need anything, tell me, Rad."

"I will. Thank you, 'Pa." For everything, gusto niyang idagdag, pero alam niyang alam na nito iyon.

"Take care of yourself."

"Kayo rin po."

Tinapos nila ang tawag.

Muli siyang bumuga ng hangin at naghugas ng kamay. Niretoke niya ang tinola at kanin. Hinimay niya ang manok at inilagay sa kanin saka iyon isinangag. Iyon ang kinain niyang almusal. Itinago niya ulit iyon sa ref para mamaya.

He remained pensive as he drove to school. His mother would have loved this neighborhood, too. O siguro hindi. His Mama would feel awkward in this kind of place. She never knew luxury, she would have felt out of place in this kind of environment.

Lumabas si Rad sa gate ng subdivision at lumiko sa sumunod na kanto. Napatitig siya sa nadaanang bakeshop. His mother loved sweets. Lagi itong bumibili noon ng mga pastillas at mumurahing cake sa bakery noong bata pa siya.

Kinuyom niya ang mga daliri sa manibela. He wondered if he would always remember his mother whenever he ate or buy something. Siguro, oo. He was grateful for that, actually. He never wanted to forget. He promised he would never forget.

Huminto siya nang mag-red light sa intersection. May matandang babaeng naglalakad at may dala-dalang bag ng groceries sa bangketa. May bumunggo ritong bata at bahagyang na-out of balance ang matanda. Tinulungan ito ng batang lalaki. Naningkit ang mga mata ni Rad habang pinapanood ang batang lalaking maglakad palayo sa matanda.

Ipinarada niya ang kotse sa tabi ng bangketa. "Oy!" sigaw niya sa bata habang lumalabas ng kotse.

Nilingon siya ng batang lalaki. Siguro nakita nito ang simangot niya, o marahil nabasa ang talim sa kanyang titig, kaya nanlaki ang mga mata at tumakbo.

Umiling lang ang binata at hinabol ito.

"Ano ba!" sigaw ng bata nang mahablot niya ito sa leeg ng sando. "Bitawan mo 'ko! Ano ba!"

Rad and Yelena (chapters 1-10 only)Where stories live. Discover now