Chapter 10

673 50 3
                                    


Natutulog si Yelena sa desk pagdating ni Rad kinaumagahan.

Tinanggal niya ang basa niyang jacket at naglakad papunta sa kanyang upuan. Rinig niya ang malakas na hangin at ang pagtama ng malalaking butil ng ulan sa bintana ng classroom.

Iginala niya ang tingin sa paligid. Ten minutes before bell na, pero marami pang wala. Siguro ay na-stuck sa traffic, o baka talagang hindi papasok dahil sa malakas na ulan.

Huminto siya sa tapat ng upuan ni Yelena. Nakasuot ito ng pink fluffy jacket at nakatali ang mahabang buhok. Her moist pink lips were slightly parted, her cheeks flushed, too.

Hindi niya napigilang ngumisi. Pinitik niya ito.

"Ah!" Napahawak ang babae sa noo.

Kinagat ni Rad ang labi para pigilan ang ngiti saka naglakad siya patungo sa desk niya.

"What..." Hawak pa rin ang noo, umayos ng upo si Yelena. "Sino..." Napatingin ito sa paligid, pagkatapos ay lumingon sa kanya. Kaswal lang siyang sumandal at tumitig dito. Naningkit ang mga mata ng dalaga. "Ikaw 'yon, 'no?"

"Yes."

Lalong naningkit ang mga mata ng kaklase. "What's wrong with you?"

"You were snoring, I thought you'd be embarrassed if other people would see you like that, so I saved you from utter humiliation."

"I don't snore!"

He grinned and shrugged his shoulder.

Attention all students and teachers. Classes are suspended today due to Typhoon Remy. Natigilan ang mga estudyante sa loob ng classroom nang marinig ang announcement sa speakers. Classes will resume tomorrow unless announced otherwise. We apologize for the late notification. Stay safe and go home.

Umungol si Yelena at hinilot ang noo. "Great, I knew it. I should've listened to Mommy. I shouldn't have come to school today." Tumayo ito at naglakad papunta sa pinto.

He got up and followed her. "You're going home?"

Umiling ito. "No, pupunta na lang ulit ako kay Lolo Pablo. May alas na 'ko laban sa stubbornness niya."

He cocked a brow and she grinned.

"May anak si Lolo, kaya lang pumunta daw ng Japan noon para maging japayuki. Nagalit daw si Lolo Pablo noon. Wala na silang communication, pero sabi ni Mr. Dominguez, hinahanap pa rin daw 'yon ng matanda. And guess what?"

"I don't really care."

She rolled her eyes. "I found her! Nakausap ko siya sa Facebook kagabi! And she wants to talk to her father! Ang galing ko, di ba?" Binangga nito ang balakang sa kanya.

Sumimangot si Rad at itinulak ito.

"Hey!" angal ng babae.

"Keep your distance."

Pinaikot ulit ni Yelena ang bilog ng mga mata. "Whatever. I'm so awesome."

"Yeah, you're so awesome for doing something even a five-year-old can do."

"Are you stupid? Akala mo ba madaling maghanap ng tao sa FB? Hindi, 'no! And I waited for her until around eleven o'clock pm due to our time difference. We talked until around one o'clock. You think that's easy? Hah!" Mayabang itong ngumiti habang inaabot ang pink and purple nitong payong sa rack. Tinapunan siya nito ng tingin. "May payong ka?"

"Sino'ng tanga ang hindi magdadala ng payong sa ganito kalakas na ulan?" Dinampot niya ang itim niyang payong.

Tumaltak ang kaklase. "Akala ko gusto mong maki-share sa payong ko."

Rad and Yelena (chapters 1-10 only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon