Chapter 9

570 51 9
                                    


Pinanood ni Rad si Yelena na lumabas ng kotse nito at maglakad papunta sa isang eskinita. She looked so out of place in the dingy area. Para itong anghel na nagliliwanag sa paligid ng mga asong ulol.

"What the f*ck are you doing here?" singhal niya sa loob ng kanyang kotse. Lumabas siya para sundan ito.

Ligtas pa ang area kung saan nakaparada ang kanilang mga sasakyan ng dalaga, pero nang makita niyang pumasok si Yelena sa eskinita, doon na pumintig ang isang ugat sa kanyang panga.

The girl was looking for f*cking trouble. Alam ba nito ang pinapasok nitong lugar? He knew this place. Isa ito sa mga pugad ng mga drug dealer at pusher. Madalas siya noon dito noong bata pa siya, noong runner at messenger pa siya. Madalas ay may nasa-salvage sa lugar na ito noon pa.

At narito si Yelena–pretty, glowing, and f*cking smiling. For f*ck's sake, nakatira ba ito? What was she doing here? Para itong malaking signboard na nagsusumigaw ng 'Hey! Nakawan n'yo 'ko! Take advantage of me! I'm helpless and clueless!'

Gusto niya itong sakalin. Mabuti sana kung nanakawan lang ang dalaga. This place was notorious for more heinous crimes.

Nakita niyang may lalaking tumayo mula sa tumpok ng mga nag-iinuman, at lumapit kay Yelena.

He gritted his teeth. Talagang masasakal niya ang kaklase.

"Hi, Miss, naliligaw ka ba?"

Umatras ang dalaga. "Ah, hindi po–"

"S'ama ka sa 'min. Isang shot lang, 'tapos, tulungan ka namin kung s'an ka pupunta."

"Ah, hindi. Okay lang po ako, may pupuntahan lang–"

"Sige na, sama ka na."

"Hindi po talaga–"

"Isang tagay lang–"

Inabot niya ang pupulsuhan ng lalaki na akmang hahawak sa balikat ni Yelena. "Ayaw niya, 'wag mo siyang hawakan."

Gulat na napatingin sa kanya ang kaklase. Binigyan niya ito ng masamang tingin.

"Go back to your car," utos niya.

"Oy, ang yabang mo naman," sabat ng lasing na lalaki. Umalingasaw ang amoy ng alak at marijuana sa hininga nito. "Pa-English-English ka pa, ha? S'ama ka rin, tagay tayo."

"Hindi na. Aalis na kami. Yelena–"

"Sige, sige," sabat ulit ng lalaki at tumalikod. "Sige, alis na kayo at—ito!" Marahas itong humarap, nakaumang ang kamao sa kanya.

Pero inasahan na niya iyon. He'd been in too many dirty fist fights to be surprised. Nasalo niya ang kamao at malakas itong itinulak palayo. And as expected, nagtayuan ng mga kainuman ng lalaki at sumugod sa kanya.

Itinulak niya si Yelena. "Ano ba! Bumalik ka na!" singhal niya rito.

Inilagan niya ang suntok ng isa, at tinadyakan ito sa tiyan. May humawak sa kanyang kamay pero pinilipit niya ang braso niyon at ibinalibag. Kusang gumalaw ang katawan ni Rad, tila ba naalala ang isang sayaw na matagal na niyang hindi sinasabayan.

Kailan ba siya huling nakipag-away nang ganito? Matagal na rin. Halos apat na taon na. He stopped underground fighting when he was fifteen, when his father found him. But he supposed it was like riding a bike. You don't forget easily. Muscle memory, he supposed. Formal training in mixed martial arts helped. But it was the instinct, that burning familiarity in his blood that drove him. Halos limang taon din siyang gabi-gabi na nakikipagsuntukan noon para lang may maiuwing pera. Limang taon siyang umuuwi na pasa-pasa, minsan ay basag ang mukha, at daratnan ang umiiyak na ina.

Rad and Yelena (chapters 1-10 only)Where stories live. Discover now