Chapter 2

2.2K 101 12
                                    

"Yelena, hurry up, don't forget to eat breakfast!"

"Yes, Mom!" sagot niya rito mula sa silid.

Hinagip niya ang bag sa dresser at muling sinipat ang sarili sa salamin saka nag-apply ng frosted pink lip gloss.

Pero natigilan siya nang lumapat ang lip gloss brush sa kanyang mga labi. An image flashed through her mind. Hot, wet, firm lips moving against hers. His strong body around her, the heat of his skin, the scent of smoke and rain and–

Umiling ang dalaga sa sarili at mabilis na ibinalik ang brush sa lip gloss. God, she needed to stop thinking of that prick!

"Yelena–"

"Yes, Mom!" Tumakbo siya palabas ng kuwarto niya. Bumaba siya ng hagdan at tinungo ang kitchen. Naroon ang kanyang mama, nagtitimpla ng favorite energy drink niya sa counter.

"Morning!" Nakangiting lumapit siya rito at matunog na hinalikan ang mga pisngi ng ina.

"Morning," bati din nito. Pinapaliguan ng malamlam na pang-umagang araw ang itim na itim na buhok ng ginang. Forty-six na ang mama niya, pero mukha lang ito nasa thirties. Her mom's chic fashion taste also helped. Bumagay sa balingkinitan nitong katawan at maputing balat ang suot nitong light brown polka dot pencil dress.

"Ang lakas ng Jacqueline Kennedy vibes niyo, mom. Si Dad?" Umupo si Yelena at naglagay ng fried rice sa plato.

Sandaling nagtaas ito ng tingin, pagkatapos ay maliit na ngumiti. "Nasa Blue Room. It's September 9 today."

Napatigil siya sa akmang pagsubo ng kanin. "Oh."

Tumango ang kausap. "Mamaya pa siya papasok sa opisina. You know how he is when it's September 9."

Tumitig siya sa kanyang plato at absentminded na tinusok ang tapa at itlog doon.

"You're going to be late, 'wag mong paglaruan 'yang pagkain," sita sa kanya ng mama niya.

Maliit siyang ngumiti. "Opo."

Sumubo siya at itinuon ang atensyon sa almusal.

"Sabay kayo ni Dad na aalis?"

"No, mauuna ako. May meeting ako sa architect ng resort sa Batangas."

"Then go, you don't have to cook breakfast for me everyday, Mom. Nand'yan si Ate Dita."

Kumunot-noo ang mama niya at hindi niya napigilang ngumiti. Her mom might not be as overprotective as her dad, but her mom could be just as fussy. Tingin yata nito ay five years old pa rin siya na kailangang i-monitor sa pagkain at pagligo.

"I'm a big girl, Mom. Stop babying me."

Pinatakan siya nito ng halik sa ulo. "You'll always be my baby."

Umakyat si Yelena sa silid para mag-toothbrush pagkatapos kumain. Napadaan siya sa Blue Room, at napatigil siya sa pinto noon. She hesitated, then she bit her lip and knocked. "Dad?"

Hindi ito sumagot kaya ibinaba niya ang kamay. She should go. Her dad wanted this alone time with him. She shouldn't intrude and–

"Come in, Yelena."

Napatuwid siya ng tayo at napalipad ang titig ulit sa pinto.

"Nakabukas 'yan," sagot ng kanyang dad mula sa silid.

Muli niyang kinagat ang pang-ibabang labi, at pinihit ang seradura pabukas.

Nakaupo ang tatay niya sa isang black leather couch, may hawak na parihabang kahon sa kandugan. Nakabalot iyon ng blue wrapper at may blue ribbon din.

Rad and Yelena (chapters 1-10 only)Where stories live. Discover now