23

225 9 0
                                    

23

Zhana

"S-sir?" Gulat na ani ko nang makita si sir Kienzo na naglalakad papalapit sa akin.

"What did I tell you?" ramdam ko ang inis sa boses niya nang makaupo siya sa upuan sa harap ko.

Huminga ako ng malalim. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Pasensya na talaga," iyon lang na nasabi ko at yumuko. "Hindi na mauulit. Promise. Huwag mo sana ako sesantihin."

Hindi ako makatingin sa kaniya. Hinintay ko siyang nagsalita pero nang hindi ko siya narinig ay unti-unti ko siya tiningnan. Para siyang nakabalik sa realidad at tumikhim bago inilibot ang tingin sa mamihan.

"Aling Gina," tawag niya kay Aling Gina na abala sa isang customer. Napatingin ito kay sir Kienzo at lumaki ang ngiti sa labi. May sinabi muna ito sa customer na kausap bago naglakad ulit papunta sa table ko.

"Oh! Pogi number two! Andito ka rin pala ulit. Suki pala itong si Ganda ng mga pogi eh!" biro nito bago tumawa. Nahihiyang ngumiti lang ako.

"Dalawang order po ng mami."

"Sige. Ganoong timpla parehas 'di ba?"

"Opo. Salamat." Ngumiti si sir Kienzo kay Aling Gina bago humarap sa akin. Umalis na rin si Aling Gina para asikasuhin ang order ni sir.

"Madalas ka rin po ba nandito?" tanong ko.

Tumango siya bago sumandal sa likod ng inuupuan at nagsalita. "Madalas kami ni Kuya rito dati."

Napatango lang ako sa sagot niya. Hindi ko naimagine na kumakain din pala siya sa ganitong lugar. Akala ko puro restaurant lang ang kinakainan nito.

Nagpatuloy ako sa pagkain ng Mami kahit na nacoconscious ako dahil parang titig na titig sa akin si sir.

"Don't do that again," biglang sabi niya kaya napatingin ulit ako sa kaniya. Hindi ko agad alam kung alin ang tinutukoy niya.

"P-po?" Bigla kong napagtanto kung ano ba ang tinutukoy niya. "Opo, sir! Promise! Hindi na mauulit! Kahit ibawas niyo nalang po sa sweldo ko ang hindi ko po pagpasok sa duty ko."

"It's fine. Just don't let it happen again."

Tumango-tango ako sa kaniya. Sakto naman na dumating ang order niyang dalawang mami. Napaisip pa ako kung bakit dalawa ang inorder niya. Para sa akin ba ang isa?

Inilapag ni Aling Gina ang dalawang Mami sa harap ni sir. "Ayan, pogi! Enjoy!"

Ngumiti lang ulit si sir Kienzo at nagpasalamat bago nagsimulang kumain. Mukhang sa kaniya ang dalawang mami. Ngumuso ako ng konti para pigilan ang pagngiti habang nakatingin sa kaniya na kumakain.

Parang nagkaroon ito ng sariling mundo. Ang dalawang bowl ng mami ay nasa harap niya. Ang isang bowl ng mami ay kinakain niya habang nakahawak ang isang kamay sa isang bowl ng mami na para bang aagawin ko sa kaniya.

Napatigil siya at napatingin sa akin. Napansin niya yatang kanina pa ako nakatingin.

"Kumain ka na."

"A-ah!" Nahihiyang ngumiti ako bago ipinagpatuloy ko na rin ang pagkain.

Napasandal at napahawak ako sa tiyan ko nang matapos. Nang tiningnan ko si sir Kienzo ay ubos na nito ang dalawang bowl at nagcecellphone nalang.

"Siya nga pala, sir," panimula ko nang may maalala. Tumaas lang ang isang kilay niya pero ang atensyon ay nasa cellphone pa rin. "Ano pala ang ibig sabihin nung sinabi mo po kanina? Ano nga yun? Yung 'He needs you' po?"

Napatigil siya sa pagcecellphone at napaayos ng upo. Saglit siyang napatingin sa akin.

"Na wrong sent lang," simpleng sabi niya at tumayo. "Tapos ka na ba? Let's go back now."


Right Blend & Sweet Love || EpistolaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon