27

221 8 4
                                    

27

INSTAGRAM

liked by 93 and otherszhanaezra salamat pu sa libreng lunch 😛😛

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

liked by 93 and others
zhanaezra salamat pu sa libreng lunch 😛😛

☕☕☕☕
MESSENGER

Kienzo
Today
6:59PM

Zhana
Uhm, Kienzo?
Every wednesday idedeliver yung coffee beans dito right?

Kienzo
Yes, Zhana. Iche-check mo rin kung complete and tama yung coffee beans na dineliver.

Where are you?

Zhana
Nandito sa stock room. Pinag-aaralan mga beans. Ang hirap pala nito 😭 Halos magkakamukha sila.

Kienzo
Haha. Yes, at first they all look the same but eventually you'll know their differences. I'll help you later with that.

But for now, let's eat dinner first. I bet you haven't eaten yet?

Zhana
Hindi pa, boss. Hehe.

Kienzo
Great! Come to my office. I cooked.

Then, I'll teach you about the coffee beans after we eat and how to make our best seller coffee.

Zhana
Sige po, game! Paakyat na ako.

☕☕☕☕

TWITTER

Zhana @zhanaezra
Hala ang sarap magluto nainlove yata ako char

Zhana @zhanaezra
Nababaliw na yata ako 😀

Zhana @zhanaezra
Bat naman ang gwapo mo ser habang nagpapaliwanag ng mga beans huhu how to focus???

Zhana @zhanaezra
May kahawig si ser ayoko na lang iname kung sino kasi alam ko namang magkaibang tao sila 😣 kaya siguro ako nagkakaganito kasi naalala ko sa kaniya si ano...

☕☕☕☕

MESSENGER

Juliana
Today
11:17 PM

Juliana
Accla, ano yung tweet mooo??
Tungkol ba 'yon kay Kienzo?

Zhana
Oo, behh
Nagluto kasi siya tapos ang sarap muntikan na ako mahulog choz

Juliana
Tuhray sabay na nga naglunch pinagluto pa ng dinner

Zhana
Gaga issue ka na naman😭
Tas ewan ko accla naalala ko sa kaniya yung ex ko huhuhu
Parang medyo kawig kasi sila kainis
Napansin ko nung napatitig ako kay Kienzo ng malapitan kanina. Parehas sila ng mata at medyo ng bibig. Mas moreno nga lang si Kienzo.

Mababaliw yata ako teh.

Juliana
Hala! Yung nakita mo ba na may kalandian sa coffee shop noon? Kaya ayaw mo na sa mga coffee shop?

Zhana
Oum. Haha.

Pero hindi lang naman siya ang unang nahuli ko sa coffee shop. Yung unang ex ko rin. Kaya ayoko ng coffee shop eh, tagpuan ng mga nagloloko.

Juliana
Mahal mo pa ba?

Zhana
Hindi ko alam. Siguro, oo?
Sobrang minahal ko kasi yung gago na 'yon eh. Hindi ko alam kung ano naging mali. Saan ako nagkulang? Ano nagawa ko para maghanap siya ng iba? Sabi niya iba siya sa ex ko pero parehas lang pala sila.

Siguro nga hindi pa tuluyan na nawawala yung pagmamahal ko. Pero yung sakit nandito pa rin. Kaya hindi ko magawang buksan ang puso ko ulit dahil natatakot akong masaktan.

Alam mo bang pinakapangarap ko noon ang magkaroon ng coffee shop? Kasi yun din ang pangarap ni Mama bago siya nawala. Kasama ko siya sa mga plano ko pero siya ang nagwasak ng mga pangarap ko. Ayaw ko na ng coffee shop dahil sakit lang pinapaalala sakin.

Pero ngayong nagtatrabaho ako sa coffee shop, naeenjoy ko ginagawa ko. Lalo na kanina habang pinag-aaralan ko yung mga kape, hindi ko maexplain yung feeling pero masaya ako.

Kaya ayaw ko biguin si Kienzo sa pag-iwan sakin ng pagmamanage ng coffee shop habang wala siya ng dalawang linggo.

Dahil sa kaniya, nabuhay ulit ang pangarap kong akala ko nawala na.

Right Blend & Sweet Love || EpistolaryWhere stories live. Discover now