54

159 7 0
                                    

54

Zhana

Mahigpit ang hawak ko sa bulaklak habang naglalakad papalapit sa puntod ni Mama. Nang makarating ay huminga ako ng malalim bago inilagay ang bulaklak sa puntod ni Mama.

Zhanaida Castrello

Nanatili lang akong nakatitig sa pangalan niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin dahil hindi naman kami malapit sa isa't isa. We actually don't have a good relationship when she died.

I don't have a good childhood. Wala akong maalalang masasayang memorya. Nakaramdam lang ako ng saya nang makilala ko sila Mikael at Kai na nagparamdam sa akin ng pagmamahal pero lahat ng ala-alang 'yon ay naging sakit din kalaunan.

Sampung taon ako nang mamatay si Mama. Hindi naman ako naulila sa kalinga niya dahil kahit nabubuhay siya ay parang mag-isa pa rin ako sa mundong ito. Palagi kasi siyang wala sa bahay at nasa sugalan. Hindi ko nakilala ang ama ko. Ang sabi niya ay isang kano raw ang tatay ko na naka one night stand niya.

Nang mamatay si Mama ay tumira ako sa tiyo at tiya ko pero umalis din ako nang mag-18 ako dahil hindi rin maganda ang turing nila sa akin. I was lonely. Nagagalit ako kay Mama noon kung bakit niya ba ako binuhay. Sana hindi nalang para hindi ako naghihirap ng ganito.

I really want to end my life but at the same time I can't do it. Yung gusto mo na mamatay pero hindi mo magawa dahil yung inner self mo naniniwala pa rin na baka umayos pa, baka sumaya pa.

And I glad I didn't end my life. Dahil kung tinapos ko, hindi ko makikilala si Juliana or hindi ko makikilala si Mikael or Kai. Kahit sinaktan nila ako, hindi ko maitatanggi na naging masaya ako. I felt love and care because of them.

At kung wala na ako sa mundong 'to, hindi ko makikilala si Kienzo.

He made me realize those things.

Naramdaman kong hinawakan niya ako sa balikat. Kasama ko siya sa pagbisita kay Mama. November 1 ngayon at naisipan kong bisitahin si Mama, at ito naman si Kienzo ay gusto rin daw sumama. Sabi ko 'wag na eh pero mapilit.

"Are you okay?" he asked and step forward para magkapantay kami.

"Hmm." I nodded and glance at him.

I am really scared of what I am starting to feel about him. With my past relationship experiences, nakakatakot. Ayoko na masaktan eh. Ayoko na mawasak ulit kasi ang hirap buoin ng sarili.

But this guy, there's something about him that I can't stop.

I don't know where this feeling will lead me pero ngayon lang ako ulit nakaramdam ng sobrang saya. Ngayon ko lang naramdaman ulit na buhay ako. It's all because of him.

"Hi, Ma'am." Nagulat ako nang bigla niyang kausapin si Mama. "I'm Kienzo and I'm your daughter's friend?" He chuckled as if he said something funny. "Yes, friend but I want to end that friendship, Ma'am."

Napalunok ako sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko?

Sumulyap sa saglit sa akin bago hinarap muli si Mama.

"Ma'am, this girl is your daugther that you failed to love and cherish. She grew up being lonely and no shoulders to lean on. But, I am here now. Ma'am, I like your daughter." Huminga siya ng malalim habang ako naman at nanlaki ang mga mata. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. "I am willing to change her loneliness into happiness. I am willing to give her the love and care that she deserves. I am willing to be with her during her happy and sad moments. Hell, I am willing to give her the world if I can."

Hindi ako makagalaw. Sheteng. Baka nag-iimagine lang ako o ano. Anong ginagawa niya? Hindi ko ineexpect ito. Like what?

Humarap sa akin si Kienzo at tinitigan ako dahilan para mas lalo akong mahilo sa kaba.

"Zhana, I can't stop this feelings anymore." Napapikit siya sa akin saglit na parang hirap na hirap. "I like you. I don't want to be friends with you because I want more than that."

Napalunok siya. "Would you give me a chance to court you?"

Hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari dahil dumilim ang paligid.

Right Blend & Sweet Love || EpistolaryWhere stories live. Discover now