[54] #100STHHSecondChances

101K 3K 1.7K
                                    

HI GUYS! Don't forget meet up tomorrow! 10AM sa Luneta Park! <3 See you? Madaming games and prizes! Ireread niyo na ang 100STHH para makarelate kayo! :)


Thanks for trending pala #100STHHHisMessages <3 Don't forget to use our new hashtag para sa reactions niyo sa twitter! I love reading them!


Chapter 54

Hope's POV


February 14, 2015

Saturday


Hindi ko alam kung anong nangyari kagabi. Ang naalala ko lang, parang sirang sira ata ang Valentine's Ball ko.


Una, pumasok ako kasabay si Enzo. Nagalit si Mico. Nagkulitan kami. Nagsayaw kami ni Enzo. Nagsayaw si Mico. Nagalit siya ulit. Nagwalkout. Hinanap ko. Nakita ko si Enzo. Sumulpot si Mico. Dinala niya si Enzo. Tapos naiwan ako magisa! Hinanap ko kung nasaan si Venice, Bryle, Chelsea at Miks pero umuwi na daw. So, buong gabi nandoon lang ako nakaupo kasi ang sakit na ng paa ko. Nagpasundo na lang ako kay Ate. Tinanong nga ni Ate kung anong nangyari, sabi ko iniwan ako ng lahat. Magisa lang ako doon. Sana hindi na lang ako pumunta napagod lang ako. Wala man lang nagtetext sa akin. Napagod lang ako.


Balak ko lang talaga magpahinga ngayon kasi wala na namang pasok. Kaso biglang may nagtext. Si Jen. Oh bakit alam nito ang number ko?



From: Jen Hipulla

Oy, Hope. Pasok ka. Kelangan natin maglinis ng gym.



Seryoso ba 'to?! Bakit kami ang maglilinis eh may janitor naman?! Pero sure ako kapag hindi ako nagpakita ibubully lang ako ng mga 'to kaya sabi ko okay sige pupunta ako. 11:00 AM pa naman daw. 9:00 pa lang. Malapit lang naman school. Kaya naligo muna ako at nagayos ayos. Hindi ko alam kung bakit pero tamad na tamad ako pumasok. Nababadtrip nga kasi ako kasi dahil sa Valentine's Ball na yan. Iwan daw ba ako magisa. Sobrang OP ako kahapon sa mga nagsasayaw!

Pagkatapos kong maglunch dumeretso na ako sa school. Wala namang pasok kaya nakapants lang ako. Pagpasok ko, hindi ko alam kung bakit ang gloomy, at kung bakit ang daming studyante! Walang pasok hindi ba?! Valentine's Day diba? Madami ba nagbreak?!


Tinanong ko yung isang dumaan kung bakit sila nandoon eh wala namang pasok. Sabi nila may palabas daw sa gym. Parang ako, anong palabas eh maglilinis kami doon?!


Noong makita ko si Chelsea at Miks...


"Uy mga bakla bakit kayo nasa school?! Walang pasok hindi ba? Bakit ang daming tao? Ano bang nangyari?" Tapos tinitigan lang nila ako. Bakit ang lungkot ng dalawang 'to?


"Oh, problema niyo?" Tapos nagfake ng ngiti. Nako, kilalang kilala ko na kayo. Anong problema nila?


Bigla naman nila akong niyakap.


"Hope, kahit anong mangyari nandito kami para sa'yo." Sabi ni Chelsea.


Bakit...


OH MY GOSH. Ngayon yung results ng 4th Quarterly Exams! Shocks. Kaya ba sila malungkot? Hindi ba ako gragraduate?

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon