[49.4] 'Designing'

175K 3.4K 1.7K
                                    

49.4

Hope's POV

Noong sumunod na araw, dumeretso na agad kami sa gym. Inaayos yung mga gagamitin sa decoration. Buong umaga nagupit lang kami ng nagupit ng puso. Noong nagbreak sama sama silang kumain, ako naman nandoon sa sulok. Walang kausap. Sobrang OP ako. Pero siguro mas okay na yun kesa sa awayin nila ako. Noong hapon natapos namin lahat ng decorations. Noong sumunod na araw kinabit namin ang decorations para sa gilid. Yung mga tela para takluban yung bleachers pati yung mga table na gagamitin. Kaso.. Noong medyo hapon na...

"Alam mo Hope wala ka ng nacontribute dito. Noong nagbrabrainstorm wala kang naitulong. Noong nagugupit 3 hearts lang nagawa mo. Pagod na pagod na kami dito tapos ikaw wala ka namang naitulong." Sabi ni Abby.

Huh? Eh pero kasi lahat ng itutulong ko hindi niyo tatanggapin.

"Oo nga. Sobrang unfair. Kami ang naghirap tapos makikisali ka sa lahat eh wala ka namang naitulong." Sabi ni Kimberly

"You know what, ikaw na tumapos nito. Ikaw magkabir ng hearts sa ceiling ng gym. Ikaw na magayos ng stage. May design naman na naidrawing si Meghan. Unless hindi ka nakikinig sa napagusapan." Sabi ni Yesha.

"Wait, ako lahat? Paano kayo?" Tanong ko.

"Kapal mo din talaga eh ano? Wala ka ng naitulog nageexpect ka pa na tutulong kami? Wow." Sabi ni Jen.

"Bahala ka na diyan. Ang gagawin mo na nga lang iarrange at iayos yung nagawa na naming LAHAT. My gosh." Sabi ni Abby.

"So, bahala ka na diyan. Kapag bukas ng umaga kapag chineck yan ni Miss Bisbal at palpak eh mahiya ka naman sa amin at sa buong school." Sabi ni Yesha.

Tapos lahat sila lumapit na sa gamit nila at inayos. Mukhang aalis na nga sila. Tiningnan ko lahat ng mga gamit. Ang dami pa nito! Pero madami na din talaga silang nagawa at aminado naman ako na wala pa akong masyadong naitutulong, pero dahil hindi nila ako pinapatulong! InoOP nga nila ako eh.

Tuluyan na nga silang umalis at winarningan ako na kapag hindi pa yan ayos bukas ako ang sisisihin nila at ipapahiya nila ako.

Pagkaalis nila, tumingin na lang ako sa mga malalaking cut-outs ng puso. Ididikit ko na lang 'to sa wall. Yung mga hearts naman na parang 3D isasabit ko sa ceiling. Yung stage, aayusin ko yung presentation, pipinturahan ko ng red yung background at ikakapit yung words na: "Three Words, Eight Letters: I love you." Nagawa na naman nila yung lettering, ikakapit ko na lang.

Tumingin ako sa orasan ko, alas tres na. Hindi naman ako matatapos nito hanggang alas singko! Kahit nga ata hanggang alas otso eh! Kaya tinext ko si Ate na sabihin kay Lola na gabi ako uuwi dahil tatapusin ko pa 'tong decoration.

Maya maya pa, tinali ko ang buhok ko at sinimulan ko na ang pagaayos. Sinimulan ko sa pagdidikit ng mga puso. Yung iba gumamit ako ng wood glue, yung iba stapler, yung malaking stapler! Hindi yung pangpapel! Sa pagkakabit, ngayon ko lang narealize na sobrang laki ng gym!

Lumipas ang isang oras at halos 1/4 pa lang ng gym ang nadedecorate-an ko. At pagkakabit pa lang 'to ng mga puso ah!

Matapos ang dalawang oras, daig ko pa ang bagong ligo dahil basang basa ako ng pawis. Tumigil muna ako at dumeretso sa may CR sa gym. Habang nagpupunas ako, bigla akong kinabahan. Badtrip magisa ako sa buong gym at anong oras na? Bakit parang dumidilim na sa labas? Shocks. Nakakatakot! Pero ang dami ko pang gagawin pero magisa na lang ako. Paano kapag gumabi na? Itetext ko si Ate na samahan ako sa school. Si Chelsea kaya? Itetext ko na rin.

100 Steps To His Heart [Published Book]Where stories live. Discover now