[30] Tres Chikas is back!

374K 3.2K 610
                                    

Chapter 30 

Hope's POV 

Inalis ni Enzo ang piring niya sa akin. Pagmulat ko hawak ni Mico si Miks, hawak ni Bryle si Chelsea at nandito kami sa gitna ng gym sa harap ng isang pulang carpet na nakalatag sa mismong gitna. 

"A-anong nangyayari dito?" Tanong ko sa Tres Gwapitos.

"This is all Enzo's plan, Love."

Napatingin ako kay Enzo at..

"You guys need to talk. I barely know each of you, but I know that you guys are good friends. Walang mangyayari sa parinigan, iwasan, at tampuhan. Settle your issues. Talk." 

Nakanganga lang ako kay Enzo. :O Bakit niya ginagawa ito?! 

"And by the way, I'm gonna be your waiter Ma'am, Sir."

Sabay labas niya ng orange juice at tatlong baso na para sa champagne sabay nilagay niya yun sa carpet sa gitna namin.

"I'll be back after 5 minutes to give you your food. After that, you can ring this bell (sabay labas ng bell) if you need me. I will give you your privacy. Please.. Settle this." 

Hindi ko alam kung bakit touched na touched ako sa ginawa niya pero at the same time medyo irita kasi sana winarn niya naman kami. 

Naupo kaming tatlo. Magkatabi si Miks at Chelsea opposite sa akin. Umalis na si Mico at Bryle at pagkatapos nga ng 5 minutes bumalik si Enzo na may dalang water, chips, candy at kung ano pang finger foods. Para kaming nagpipicnic dito.. Pero alam kong walang mageenjoy kumain sa ganitong kaawkward na sitwasyon. 

At alam kong hindi sila magsasalita hangga't di ako nagsasalita. 

Pero bago pa ako makapagsalita umiyak na si Chelsea... At hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at umiyak na rin ako. 

"What happened to us?" Tanong ni Chelsea.

"Sorry. Alam kong galit kayo sakin. Kasalanan ko 'to. I'm sorry. Pero bago ako magwala dito kaiiyak. Pwede bang ipaintindi niyo muna sa akin kung bakit kayo galit?" Napatigil sila bigla pero naunang magsalita si Chelsea.

"I was hurt. Alam kong napakairrational ng reason ko kaya ako nagalit sa'yo. Alam mong nagalit ako kasi ikaw ang nagsabi kay Bryle na makipagbreak sa akin. Pero naintindihan ko naman. Alam kong ayaw mo lang ako magmukhang tanga. Ayaw mo lang akong umasa. Pero.. Nasaktan kasi talaga ako noong nagbreak kami ni Bryle. And I admit, sa'yo ko sinisi at pinasa ang galit ko kaya I'm so sorry Hope." 

100 Steps To His Heart [Published Book]Where stories live. Discover now