[23] I'm ending our Master-Slave relationship.

435K 3.5K 791
                                    

Chapter 23 

Hope's POV

Nandito ako ngayon sa bahay nina Mico. Mukhang magpapayesta eh! Abalang abala ang bahay! Huling punta ko dito walang katao tao, ngayon punong puno ng mga caterer, cook, at kung ano ano pang mga nagdedesign! 

Dinner lang naman hindi ba? Wala namang party ah? :| Malakas ba sila kumain? 

"Hope, here." sabi sa akin ni Mico habang pinapapunta ako sa kwarto niya. Ang laki laki talaga ng kwarto niya! 

"Mico, pakiexplain nga yung papel ko dito. Una sa lahat, alam mong bobo ako kaya wag kang magexpect sa akin. Pangalawa, hindi ako sosyal. At pangatlo.. Hindi ako magaling magenglish ah!" 

"Tanga ba ako? Alam ko na lahat ng mga yan. Basta.. Mamaya, maging normal ka lang. Basta lang may ipakilala ako sa mama ko na babae okay na yun eh."

"Teka nga, magkaliwanagan tayo.. Ako ba ay magpapanggap na girlfriend mo? Paano mo ako ipapakilala?!"

"Ewan ko. Sasabihin ko hindi PA kita girlfriend, okay? Kapag girlfriend kasi.. Official, baka lalo kang mapressure." 

Noong narinig ko yun napressure ako! Gaano ba kaimportante 'to?! Hindi ako magaling sa mga ganito!

"Hindi ba tinulungan mo si Venice dati na magkunwari? Ngayon.. Gawin mo naman yun para sa akin oh."

Natigilan ako. Mukhang desperado na talaga siya. Ano pa bang magagawa ko? :(

"Sige gagawin ko talaga lahat ng makakaya ko, pero pag nagpakatanga ako doon.. Wag mo akong sisihin ah? :("

"Oo na. Sige na. Pero.. Bawas bawasan ang katangahan ah?" 

Kahit mukhang harsh pa din yun.. Eh si Mico naman yan eh. Mabait na yan siya ng lagay na yan.

"Excuse me, Sir Mico." tawag noong babae sa labas. "Ready na po na si Miss Hope?" Tumingin sa akin si Mico at tinanong..

"Naligo at nagtoothbrush ka na ba?"

100 Steps To His Heart [Published Book]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ