[1] Meeting Venice and the TRES GWAPITOS <3

795K 6.6K 935
                                    

CHAPTER 1

Hope's POV

KAMUSTA! HELLO! NI HAO! KONICHIWA! MOSHI MOSHI! BONJOUR! At kung ano pang salita ang nageexist sa mundong ito! Ako nga pala si Fiella Michelli Hope I. Yazon! Oo buong buo! Walang labis walang kulang! :) 17 years old! Nagaaral sa Girlinlove University.

Well, something about myself?

HINDI AKO MAGANDA! HINDI AKO MAYAMAN! HINDI AKO MATALINO! In short.. Tulog ako ng tulog noong nagpasabog ng biyaya si Lord at ngayon ko lang siya pinagsisisihan! Ako ang bossing ng THE LAZY COMPANY! P.S In short yun.

Hindi ako maganda. KELANGAN PA BA IEXPLAIN YUN!? Grabe naman ha!

Hindi ako matalino. Oo. Section F ako. Yung mga A. Doon yung matatalino at mayayaman. Yung gising na gising nung nagpasabog ng blessing! Mga bampira!

Hindi ako mayaman. Pero hindi naman ako mahirap. Ang mama at papa ko nasa Korea. Doon sila nagtratrabaho. Ang kasama ko lang ngayon ay ang kapatid ko. Si Faith Miyelle Samantha I. Yazon.

Ang buhay ko ay bilog. Oo. Bilog. Dahil isa itong malaking ZERO! Studies ko. ZERO. Social Life. ZERO. Lovelife. MALAKING ZERO!! Pati nga load ko, ZERO.

Academic Life. Ako yung lowest sa class namin. (_ _")

Social Life. Dalawa lang ang super friends ko.

Si Chelsea del Mundo- Dapat section A siya pero nagkaroon ata ng problem sa papers niya sa school dati noong nageenroll siya kaya napalagay siya sa Section F. Noong ibabalik na siya sa A siyempre ayaw na niya kasi nakilala na niya kami :"> Sweet hind ba? Matalino yan! Masipag! SUPER BESTFRIENDS forever ang drama namin and she's my long lost sister.

Si Michael 'MIKS' Ortiz- Ang pinakagwapong BEKI! Oo bakla siya. Mayaman yan! Matalino din kaso inuuna panglalalaki! Miks ang tawag namin sakanya! Michael sa umaga, Miks sa gabi. AHUH! Bagay na bagay sakanya ang new found name niya dahil MIKS ang kanyang kasarian dahil isa po siyang bakla. AT WAG KA! Mataray yan. B*tch kung b*tch. At hindi niya hinahayaan na masaktan kami. EXCEPT kapag si Mico na ang usapan

Love Life. ZERO! Bakit? Kasi naman. Mula ata namulat ako sa lovelife eh isa lang ang nagustuhan ko. LIMANG TAON NA! Belong siya sa Class A. At hindi lang ako ang may gusto sakanya for sure.

Kasi kasali siya sa "TRES GWAPITOS"

Tres Gwapitos- PINAKAMAYAYAMAN. PINAKAGWAPO. PINAKAHOT. PINAKAMATATALINO na lalaki sa school. Lahat nasa kanila na! Kaya lahat ng babae dito papatay makakuha lang ng isa. Tatlong lalaking tawagin na nating.. "Every girl's dream". Siguro depende na sa type ng girl. Bakit?

Si Bryle Ortega- CERTIFIED PLAYBOY! Halos lahat ng girls sa school (siyempre yung maganda at hot lang) ay naging girlfriend na niya. Ang pinakamatagal na relationship.. 3 weeks. Siya ang pinakamatanda sa kanila.

Si Mico Loyola- CERTIFIED BAD BOY! Gwapo pero number 1 BULLY ng school. Nambabato ng water balloons sa kung sino matripan. Magtatapon ng bubble gum sa daan tapos vivideohan ang makakatapak noon, and the next day nasa youtube na siya. Pinakabata kaya pinakaimmature.

At si Enzo Gutierrez- CERTIFIED BOY NEXT DOOR. Siya ang pinaka.. WEIRD? Tahimik siya. Madalang ngumiti. Pero minsan tumatawa mag-isa. Hindi ko siya madescribe kasi walang may alam kung anong personality meron siya. Hindi ko pa siya nakitang tumawa na tawa talaga. Ngiti lang. And to think kasama na siya ng barkada niya ha. Masyado siyang mysterious. Pero maraming nagsasabi na siya ang pinakamabait.

Silang tatlo ang official HOT DUDES ng Girlinlove University. Ang Tres Gwapitos.  Palagi silang magkakasama sa lahat ng oras. Wala atang panahon na nagkahiwalay sila

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon