[57] #100STHHAlmostForever

91.6K 2.6K 981
                                    

Hi guys. Again, thanks for trending #100STHHARVD. Ginagawa niyo ng hobby pagpapatrend. :)


Also, again available pa rin ang 100 Steps To His Heart Shirt. For more information, punta lang kayo sa facebook page ko. Search 'Girlinlove Watty'


xx


Chapter 57

Hope's POV

Sa sobrang pagod namin kaiiyak, at sa sobrang sarap ng simoy ng hangin di na namin namalayan ni Mico na nakatulog na kami sa ilalim ng puno. Hanggang sa dumating si Bryle, ginigising kami kasi gising na daw si Enzo. Sasama sana si Mico pero pinigil siya ni Bryle maguusap daw sila. Kaya pumunta ako magisa sa room.

Habang naglalakad sobrang kinakabahan ako. Ganito yung pakiramdam ko noong una ko siyang makita.


Naikwento ko na ba 'to? Lagi ko lang naman sinasabi noong first day sobrang gwapo niya kaya nagkagusto ako. Totoo naman. Pero noong araw na kasi na yun, buong araw nakangiti si Enzo. Nakangiti talaga siya. Nakasalubong ko siya sa may entrance ng school, nakangiti siya. Nakasalubong ko siya sa may cafeteria nakangiti siya. Sobrang ganda ng ngiti niya, nakakahawa. Ang gwapo gwapo pa niya. Sobrang puti, sobrang kinis, hindi mo siya pwedeng hindi mapansin.


Pero noong second day, hindi ko na siya nakikitang ngumiti. Lagi na lang siyang nakapoker face. Lagi na lang siyang nakatitig sa kawalan. Simula noon, lagi ko na siyang tinitingnan. Hinihintay ko na ngumiti siya. Kaya siguro naadik at naging 'stalker' ako. Hindi lang dahil sa crush ko siya. Gusto ko kasi talagang makita yung ngiti niya. Yung parang noong unang araw na mainlove ako sa kanya.

Pumasok ako sa pinto.

Nandoon siya. Natutulog siguro.

Sobrang unfair naman. Kahit na may sakit siya... siya pa rin ang pinakagwapong nilalang na nakita ko. Ganoon pa rin siya. Maputla lang siya ngayon pero ganoon pa rin siya. Umupo ako sa tabi niya. Pinagmasdan ko lang siya. Kahit mahina ako sa memorization, pinilit kong imemorize bawat feature ng mata niya. Bawat linya. Kung kaya ko nga bilangin ang pilikmata gagawin ko. Joke.

Maya maya, gumising na siya. Noong makita ko siya, halos kagatin ko yung labi ko para wag maiyak.


[Now Playing: Walking Blind by Aidan Kawken and Carina Round ]

"Hi, Enzo." Sabi ko sa kanya habang mumukat mukat pa lang siya. Pagtingin niya sa akin halatang nagulat siya.

"Hope? Wait, where am I?" tanong niya agad.

"St. Luke's." Noong sinabi niya yun sobrang naalarma siya tapos nakita kong napahawak siya sa may dibdib niya na parang naninikip. Yung akin din parang nanikip noong makita ko yun.

"Why are we here?! I-Oh god, do you know?" tinanong niya sa akin yun na parang hindi ko dapat malaman lahat ng nalaman ko. Tumango na lang ako. Tapos nagwala na siya doon.

"WHY!? WHO TOLD YOU!? Fck! Bakit ba ako inatake sa school! Why-Oh my god." Tapos hindi ko na naintindihan lahat ng sinasabi niya kasi galit na galit siya.

100 Steps To His Heart [Published Book]Where stories live. Discover now