1

173 11 0
                                    

The victory party started early, pero late na nakarating ang mga artista dahil galing rin sila sa kanya kanya nilang schedules. Everyone lost their wits nang dumating na si Ji Yong. All of them clung to him like plague, even our director. Sya ang bida sa movie, pati na rin dito sa party, for sure.

Nakadalawang beer in can na ako at naiirita na ako sa ingay kaya lumabas muna ako. I went to the parking lot of the bar and took out one cigarette stick. Mabilis ko iyon na naubos. Itinapon ko sa trash can but I stayed longer outside. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga parties. But I have to show up. This is also my success.

"Hoy, Sav, ano? Bakit nandito ka? Hinahanap ka nila direk at ni boss Martin!" Mula sa gilid ay nakita ko na papalapit sa akin si Macy. We work under the same company. Scriptwriter ako at si Macy naman ay isa sa mga coordinator. Sya ang nagpasok sa akin sa White Wolf Media two years ago but we knew each other six years ago sa isang writing workshop.

"Nakaka suffocate. Ikaw? Bakit ka nandito?" Sabi ko na lang.

"Eh may regalo daw si boss Martin kay Ji Yong at Helena. Pinapakuha sa kotse nya." Itinaas ni Macy ang kamay nya na may hawak na susi.

Tumango lang ako.

"Sige, kunin ko na muna. Sabay na tayo pagpasok."

Tumango na lang ako ulit. Well, I might as well enjoy the food inside.

Nag stretching ako at naglakad lakad. Siguradong bagsak ako nito pag-uwi. Buong araw kaming nasa office. Aligaga sa resulta ng overall na kinita ng movie although a week before pa naman nakaplano ang victory party. In two weeks na nag showing ang movie in theaters nationwide, it is a box office hit that reached 75M. Ang alam ko ay halos wala pang 15M ang overall budget ng movie.

White Wolf Media isn't mainstream yet. Pero dahil dito, siguradong magsisimula na kaming makilala.

In all honesty, gusto kong magtatalon sa tuwa. I never really thought that I'd still have something to be successful with in my age. I gave up on chasing the dream of having a career that can sustain me in writing when I was twenty-eight. After almost four more years, here I am. The story and script I wrote has been turned into a movie and became a box office hit. They are already asking me for new scripts. Wow. Parang kailan lang, suicidal na ako sa sobrang pagka depressed.

Napailing iling ako. I decided to go back inside first since mukhang matatagalan si Macy nang makarinig ako ng mga boses bago ako lumiko papunta sa entrance ng bar. Napatigil ako dahil mukhang madadaanan ko sila ng direkta kapag nagtuloy ako sa pagliko.

"... But why do you always make me feel like this? Parang ang pangit pangit ko. I feel like trash whenever I am with you. Iyon 'yung pinaparamdam mo sa akin." It was a woman's voice. She seems to be crying.

"Then stop doing this to yourself, Helena. Sinabi ko na sa'yo na hindi ako interisado. I just want you as a friend."

I felt like my heart stop beating when I realized kung sino ang may-ari ng mga boses. It's Ji Yong and Helena. They're the lead actor and actress in the movie. Bigla akong napasandal sa pader na nasa likod ko. Hindi ko alam kung aalis ako o ano but my feet seemed to have been frozen.

"I didn't force you to like me back, Ji. I just want you to treat me like you used to, bago ako umamim sa'yo. I won't ask for much. Iyon lang naman. I was just hurt kasi obvious na umiiwas ka. Ni hindi mo ako matingnan sa mata ko. And you treat me like I'm invisible whenever we're with other people. Nakakadurog ka ng pagkatao." I felt the piercing pain that Helena might be going through.

I didn't know about this. Mukhang okay naman kasi sila hanggang matapos ang shooting two months ago. Hindi naman ako masyadong sumama sa mga promotions. Akala ko nga they'll be together after the shoot but I was wrong.

Yup! I'm That NoonaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt