5

45 7 1
                                    

Nasa Manila na kami nang makatanggap ako ng text message from my landlord. Naapula na raw ang sunog. Unfortunately, may part ng building namin ang nadamay but there's still relative damage. Basag raw ang salamin ng bintana sa apartment ko and some of my things are probably wet.

Unang naisip ko ay kung nabasa man ang laptop ko, pwede ko iyon mapa ayos rather than kung nasunog na wala na akong magagawa. I was really thankful na hindi umabot ang sunog sa apartment ko but I obviously feel bad para sa lahat ng naapektuhan.

When we arrived at the gate, nagkaka gulo pa rin angmga tao. May caution signage na harang pero hindi noon napigilan ang mga tao. Nagpasalamat ako kay Jiyong bago ako bumaba. I thought he was going to leave but he told me he'll stay for a little while.

"Uhm, w-wala ka bang ibang schedule?"

"You want me to leave?" Bahagyang tumaas ang kilay nya.

"H-Hindi naman. I mean, baka lang may pupuntahan ka pa."

Umiling sya. "Nope. I'll stay. Come back for me. Hihintayin kita." He smiled sweetly and hindi ko alam kung bakit nanuyo bigla ang lalamunan ko. I clenched my fist dahil parang gusto ko syang hawakan sa mukha. He looks so damn good.

"Sige. Thank you," Bumaba ako na medyo confused pa rin kung bakit hindi pa sya aalis.

Ano bang gagawin nya rito? But in the end, I really appreciate what he did. Ang ipag drive ako sa Manila. It took us more than two hours at hindi man ako marunong mag drive, I know how tiring it is to do so.

I told the police in the area na isa ako sa mga may apartment sa building. I waited until they said na cleared na at pwede nang pumasok. Mahigpit ang mga police dahil uso ang nakawan. Good thing na gated ang lugar. Isa iyon sa mga bagay na nagustuhan ko. I want privacy and security.

They gave me a mask. I went straight to my place. Maalikabok at marumi. Basa ang bandang living room ko dahil basag nga ang glass window sa banda doon. I immediately went to my bed room. May crack ang salamin sa bintana ko pero iyon ang pinaka naging secured na parte.

And yes, my laptop is safe.

I was instructed na kunin ang mga importanteng gamit ko because I have to stay somewhere else habang wala pang kuryente at tatawagan na lang daw ako ng landlord ko kapag na sort na nila kung ano ang gagawin. Napa buntong hininga ako. I hate the hassle, pero ito na, nangyari na. Wala namang may gusto nito.

Pwede naman ako umuwi sa bahay anytime, but I don't think I can work there. I need a place na ako lang ang nandoon. I want my peace and quiet. Kaya nga ako humiwalay na at kumuha ng sariling tirahan.

The landlord assured me na tatakpan nila within the day ang sirang bintana ko to secure my things. I trust that they will do so dahil kung may mawala man ay mananagot sila. Nag aayos na ako ng mga gamit ko when I realized na nasa sasakyan pa pala ni Jiyong ang mga bag ko na dala ko sa Subic.

Mabilis akong kumuha ng ilang damit at isinilid sa maleta ko. Sa backpack ko naman inilagay ang laptop ko at ang ilang toiletries at personal na gamit ko. Baka sa bahay na muna talaga ako mag stay. Hahanap ako ng short term rental house or unit. Hindi ako pwedeng hindi makapag sulat.

After the pressure I felt last night? I can't give in. I have to try somehow.

Ipinasok ko ang lahat ng mga importanteng gamit ko sa kwarto ko at ini-lock iyon.

I went back to Jiyong.

Bago pa man ako makalapit ay bumaba sya at lumapit sa akin. Agad akong nag panic. I looked around dahil siguradong may makakapansin sa kanya. He's not even trying to hide his face! Pinanlakihan ko sya ng mata.

Yup! I'm That NoonaWhere stories live. Discover now