29.

29 6 2
                                    

Jiyong: Are you coming? We're about to start.

First day of shoot. I am little under the weather kaya hindi ko pa alam kung pupunta ako. Ayoko naman mag-alala si Jiyong kaya ayaw ko rin sabihin na masama pakiramdam ko. Hindi ko pa alam ang isasagot ko kaya hinayaan ko na lang muna.

Hindi ko namalayan na naka tulog ako ulit. When I checked the clock, halos dalawang oras rin pala ang tulog ko.

I checked my phone.

Jiyong: Are you okay? Bakit nag seen ka lang?

He sent that message an hour ago.

Me: Sorry babe. Bukas na lang ako pupunta. Galingan mo!

Pinilit kong bumangon kahit nakakaramdam na ako na masakit ang katawan ko. I reheated a packed food from my fridge at uminom ako ng gamut. Ayokong hintayin na lumala pa ito. Medyo na-excite ako kahapon. I get to see Jiyong act again, and, well, it's a story I wrote coming to life as well.

Pero siguro, nasagad na ang katawan ko kaya ganito.

Jiyong: Why? Something happened?

Ayoko na sana sabihin pa sa kanya na masama ang pakiramdam ko dahil baka madistract pa sya, so I had to come up with an excuse.

Me: I have an errand to do. Babawi ako bukas. See you!

Bumalik sa pagtulog dahil nakaramdam ako ulit ng antok probably from drinking medicine. I thought na gagaan na ang pakiramdam ko when I woke up pero nag chills na ako at nilalagnat. Pinilit ko bumangon para magluto ng instant soup. Walang magluluto para sa akin at kaya ko pa naman tumayo despite feeling really heavy.

Pinilit ko ubusin ang isang tasa at uminom ako ulit ng gamut.

Titingin lang dapat ako ng notifications sa cellphone ko when I saw na may ten missed calls na iyon from Jiyong. I put my phone in silent mode kaya hindi ko iyon narinig.

Jiyong: Babe?

Jiyong: Where are you going?

Jiyong: Can't you answer?

Jiyong: Please call me. ☹

Nag reply na muna ako dahil baka hindi naman sya available para tawagan. I know how it can be hectic on a set.

Me: Sorry, babe. Hindi ako natuloy. I'm sick.

Dahil full-blown trangkaso na, I had to tell him rather than mag-isip pa ako ng idadahilan for tomorrow. Nag message na rin ako kay Macy na siguradong nagtataka bakit wala ako sa first day ng shooting.

Instead of responding, nakita ko na lang na tumatawag si Jiyong.

"Babe? Are you okay? You're sick?" Rinig ang pag-aalala sa boses nya.

"Trangkaso," Sagot ko lang.

"Do you need anything? I can ask Kuys to buy you medicine or anything you need." Nagpapanic ang boses nya.

"No need. I'm fine. I have meds here. Nakainom na ako and nakapag luto naman ako ng soup. Don't worry about me and just focus on the shoot, please."

Hindi sya nagsalita ng ilang sandal tapos narinig ko na lang sya bumuntong hininga. "How can I not worry? You're sick and alone." Mariin na sabi nya.

"I just need rest."

"Can I come after the shoot?"

"Mahahawa ka pa."

Narinig kong nagmura sya.

"Jiyong, c'mon. I can take care of myself." By this time alam kong napu-frustrate na sya. I know Jiyong hates it when he cannot do something on a situation.

Yup! I'm That NoonaWhere stories live. Discover now