Chapter 33

181K 2.4K 182
                                    

Chapter 33

(DANIEL)

Nandito kaming lahat ngayon sa mansyon ni Lia, para mag-ready na sa fashion show. Kaya pansin na pansin na halos lahat ng mga tauhan ni Lia ay busy sa pagtatrabaho at syempre kasama din kaming lahat. Kahit na wala kaming alam sa paggawa ng damit, tinry pa din namin. 

Nag-lesson pa nga kami ng kaunti about designing clothes. Lia taught us what we needed to learn. After ilang demonstrations ng ibang designers, kami naman ang sumubok pero sa huli si Acel, Alexa at ako lang may matinong gawa. The rest, disaster ang nangyari.

“I’d rather make a robot than these clothes. It’s easier and less complicated. Kaya I’ll help na lang sa pagdedesign. I think doon lang ako makakatulong.” Sabi ni Julia.

Si Timothy and Justine naman, sila yung tumitingin kung maganda ba o kung bagay ba ang combinations. Maarte kasi ang dalawa na iyan pagdating sa pananamit.

Kung makikita lang sana ni Sophia kami ngayon, kitang-kita kung gaano namin kagustong manalo. Hindi para sa amin, kundi para sa Academy. Ito na ang tinuturing naming pangalawang tahanan.

Tinignan ko si Lia. Halatang stress na stress siya. Kung lahat kami nag-eeffort, mas matindi ang ibinibigay ni Lia para lang sa laban na ito. Lumapit ako sa kinaroroonan niya.

”Lia..” Tawag ko.

”Dan, maya na lang tayo mag-usap. Tapusin lang namin ‘to.”  Sabi niya pero doon nakatingin sa ginagawa niya.

Kapag talaga puro mga fashion tools na ang nakapaligid kay Lia, mahirap ng makuha ang atensyon niya. Pero syempre, ang atensyon ni Lia ay dapat akin lang. Kaya hinatak ko siya paharap.

”Daniel!” Sita niya.

”Maya na lang tayo mag-usap. Ok?” Tatalikod na sana ulit siya ng bigla ko siyang yakapin.

”Lia, relax lang. Wag mong ipressure ang sarili mo.” Sabi ko sa kanya.Tapos tinitigan ko siya sa mata..

”Sanay ka naman na sa ganito. Bakit parang nahihirapan ka? May problema ba?” Tanong ko.Napansin ko kasi na parang may mali. Halos every year siya kung mag-organiza ng fashion show pero relax na relax naman siya. Pero ngayon iba..

”Daniel... Hindi ko alam, pero iba itong nararamdaman ko. Ibang kaba ito. Para bang may mangyayaring hindi maganda. I know Sophia is siding with Amber.. Hindi niyo pa kilala si Sophia. Lahat ng bagay alam niya at kahit ano pwede niyang gawin. She is not called as the Empress for nothing…” Niyakap ko ulit siya pero ngayon mas mahigpit na. Tapos tinignan ko ulit siya. Nakayuko siya.

 

“Look at me Lia.” Tumingin siya sa akin. I can see how worried she is. Hindi ako sanay na nakikita siyang ganyan.

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Where stories live. Discover now