Chapter 16

203K 3.5K 481
                                    

Chapter 16 

(JUSTINE)

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang unti-unting dinudurog ang puso ko habang pinapanuod ko siyang maglakad papalayo. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, ngayon lang. Inaamin ko naman na marami na akong babaeng pinaiyak at niloko pero iba ngayon, iba siya sa lahat. The moment I saw her tears, that’s when I realized she doesn’t deserved what I did to her.

 Parang bang may nagtutulak sa akin na habulin siya at yakapin ng sobrang higpit. Hindi ko na namalayan na hinahabol ko na pala siya. Narinig ko na lang na tinawag ako ni Alexa..

JUSTINE!” Pero hindi ako lumingon patuloy lang ako sa pagtakbo para maabutan ko si Sophia. Napahinto ako nung makita ko siyang sumakay sa isang kotse. Kaya lalo kong binilisan ang pagtakbo ko para maabutan siya. Tinawag ko ang pangalan niya.

SOPHIA!!!” Umandar na ang kotse, pero patuloy ko pa din ang pagtakbo ko at pagtawag sa kanya.

"SOPHIA!!" Hindi ko alam kung ano bang dahilan ko para habulin siya, dahil maski ako hindi ko maintindihan ang sarili ko. Pero isa lang ang sinasabi ng isip at puso ko..

’kailangan ko siya..’

(THIRD PERSON)

Patuloy lang sa paghabol si Justine sa kotseng sinakyan ni Sophia. Pero sadyang pagod na siya sa layo ng tinakbo niya at mabilis ang takbo ng kotse.

Nakalabas na ng malaking gate ng Academy ang kotse at si Justine ay napasandal na lang sa pader at hingal na hingal. Hindi niya na malayan na unti-unti ng tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata at kasabay nun ang pagbagsak ng malakas na ulan..

Ngayon lang niya napagtanto na kung ano ang kakaibang nararamdaman niya para kay Sophia at napangiti siya ng mapait.

Siguro nga gusto kong malaman kung sino kang talaga at ginamit kita para makuha si Alexa. Pero hindi na iyon mahalaga, dahil ang importante sa akin ngayon ay nalaman ko na mahal kita.”

(JULIA)

Naikot na namin ang buong Academy pero ni anino ni Sophia hindi namin nakita. Alalang-alala na kami tapos  sabayan pa ng malakas pa ng ulan.  Kaya naisipan namin na bumalik muna sa Royal Mansion para patilain ang ulan at saka hahanapin ulit si Sophia. Nagbabakasakali din kami na bumalik na siya dito. Kaya andito kami sa lobby. Tahimik lang kaming lahat hanggang sa dumating si Justine.

Justine anong nangyari sayo?” Tanong ni Daniel.

Lahat kami napatingin kay Justine. Basang-basa siya, akala mo basang sisiw. .. Hindi siya sumagot, nagdire-diretso lang yung lakad niya papunta sa amin ni Lia.. At ikinagulat namin ang ginawa niya..

Justine..” Lumuhod siya sa harap namin ni Lia..

Nakikiusap ako, ibalik niyo si Sophia..” Nagulat naman kami sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Nagkatinginan kami ni Lia.

What do you mean?” Agad na tanong ni Lia.

Umalis siya kanina lang--” Napatayo si Lia at gulat na gulat. Hindi na niya pinatapos ang sinasabi ni Justine.

WHAT?” Pati sila Tim nagulat at agad lumapit sa amin. Ako lang yata ang kalmado pero deep inside, i’m scared. Why would she left?

Umalis na siya ng Academy, matapos yung pag-uusap namin kanina..” Tapos napayuko siya, nakaluhod pa rin siya hanggang ngayon.

Alam kong kasalanan ko lahat..” Nakatingin lang kami sa kanya. I hate him! How could he do this to Sophia. Pero sa totoo lang kasalanan din namin, alam naman namin ang mangyayari pero wala kaming ginawa. Ngayon hindi lang ang Head Master ang nawala sa amin. Pati na din si Sophia.

Buti naman at alam mo. We warned you, Dela Vega." I know my voice is cold for him to be afraid. Kaya nakayuko lang siya.. 

"Hahanapin namin si Sophia pero hindi para sayo..” Tapos tumayo na ako, sumunod naman si Lia..

Tutulong kami sa paghahanap sa kanya..” Sabi ni Timothy.

Bahala kayo..” Walang gana kong sagot. Tapos bigla namang sumulpot si Alexa..

Bakit niyo ba pinagaaksayahan ng oras ang basura na yun?” Napatingin ako kay Alexa. Tinignan ko siya ng matalim. Puno na ako sa babae na 'to.

Watch your mouth Ramos. Baka nakakalimutan mo ang no.1 rule ng Academy. Respect the one who is higher. The way you talk to us in a disrespectful manner, violates the rule.” Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Alexa.

And you should know your place. Kung ayaw mong napapahiya.” Tapos naglakad na ako paalis. Hindi ko sila nilingon, sumusunod naman sa akin si Lia.

 “Nice one Julia..” Sabay tapik sa balikat ko. Pareho lang kasi kaming mainit na ang dugo kay Alexa. Kahit noong mga bata pa kami.

"I know.."  Agad kaming sumakay sa kotse ko. Pagsakay namin sa kotse.

So, ano ng gagawin natin?” Tanong ni Lia. Napahinga ako ng malalim. Ano pa bang gagawin namin?

"Well, of course we have to find the runaway Empress..”

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon