Chapter 15

206K 3.8K 611
                                    

Chapter 15

(LIA)

Ilang araw ng hindi nagkakamalay si Sophia, simula nung nangyari yun. Nung gabi na yun naabutan namin siya na walang malay. Akala namin kung anung nangyari sa kanya pero buti naman wala, kaya lang si Yves..

Dito namin siya dinala sa Royal Mansion dito sa loob ng Academy. Ito yung Academy Suite para sa  mga estudyante ng Royal Academy. Nagpapunta na lang kami ng doctor dito, hindi kasi pwede si Sophia sa ospital.

“Nics..” I hear Sophia, call. Napatayo ako agad sa kinauupuan ako at lumapit sa kama. Sa wakas nagising na siya..

“Sophia. Anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo? Ano?”Tanong ko. Kitang-kita ko na nanghihina pa din siya.

“Ayos lang ako.. Si Nics? Asan siya?” Tanong naman niya sa akin. Hindi ko alam kung kaya kong sabihin sa kanya. Wala pa naman sila Clarissa, mamaya pa sila dadating dahil may inaasikaso sila. Hindi ako makatingin ng direkta sa kanya..

“Lia answer me.. Where is Nics? Ok lang ba siya? What?” Nagpapanic na siya. Hindi ko na mapigilan yung mga luha sa mga mata ko. Until now, hindi pa rin ako makapaniwala.

“Why are you crying, Lia? Where is Nics? Répondez-moi! (Answer me!)Hindi ako makapagsalita. Umiling lang ako..

“Lia.. Sagutin mo ako.. Where is he?!” Nagulat ako nung sumigaw siya. Alam kong alam niya na kung anung nangyari kay Yves.

“Fine.. Kung ayaw mo akong sagutin, pupuntahan ko siya..” Tapos tumayo siya sa higaan niya. Pero bago pa siya makalabas ng pinto.

“He's dead. Yves is dead.. He didn't make it..” Napahinto siya sa kinatatayuan niya.. Tapos tumingin sa akin. Yung mga mata niya, I already saw that eye years ago.

“Nagbibiro ka lang di ba?” Unti-unti siyang lumapit sa akin.. At hinawakan ako sa magkabilang balikat ko..

“Tell me you're just joking right? Tell me!” Tumutulo na ang mga luha sa mga mata niya.. Hindi ko na kayang tumingin sa mga mata niya kaya yumuko ako..

“I'm sorry..” Humagulgol na siya ng iyak tapos napaupo na siya sa sahig at umiyak. Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya ng mahigpit. Iyak lang siya ng iyak hanggang sa makatulog ulit siya. Inihiga ko ulit siya sa kama niya.

Lumabas na ako ng kwarto niya.. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko na andun na sila Julia. Maliban lang kay Justine at Alexa.. Si Clarissa naman siya yung nag-aasikaso nung funeral ceremony ni Yves para mamaya.

“How is she?” Tanong ni Julia.Huminga ako ng malalim at umiling.. Tumango na lang sila, at alam na nila ang sagot..

                                                                        _0_

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Where stories live. Discover now