Chapter 7

219K 3.6K 436
                                    

Chapter 7

(JUSTINE)

“Justine, sure ka ba sa plano mo?" Tanong sa akin ni Acel.

“Oo naman.. Ito na lang yung chance natin para malaman ang sikreto ni Sophia..” Yup, hindi pa kami sumusuko hanggang sa hindi namin nalalaman kung sino ba talaga si Sophia Hernandez. Kaya nakaisip ako ng plano. I'm going to make her fall for me so she can trust me para ibunyag ang sikreto niya. Ganda ng plano ko di ba?

“E paano kung pumalpak ka?” Tss. Kontrabida talaga 'tong si Daniel.

“Ako pa Si Justine Dela Vega pumalpak. Imposible ata ’yon! After all, she is just like the other girls..” Mayabang ba masyado? Well ok lang kasi nagsasabi lang naman ako ng totoo. Tapos biglang pumasok si Timothy. Kaso parang zombie, ang laki ng eyebags..

“Oh! Tim anong nangyari sayo?” Tanong ni Acel habang papalapit sa sofa. Pinapanuod lang namin siya.

“Wag niyo lang akong intindihin..” Tapos humiga siya sa sofa.. At saka itinakip yung isang braso niya sa mata niya. Suplado naman nito.

“Hayaan niyo na nga baka hindi alam kung paano didiskarte kay Julia..” Asar naman ni Daniel..

“E ikaw ba Daniel, alam mo na ba kung paano ka mapapatawad ni Lia?” Paasar na tanong naman ni Timothy. Natahimik naman si Daniel..

Mga BH pa din. Mga engot kasi. Gagawa-gawa kasi ng kalokohan e..

“Hay, basta ako gagawin ko na yung plano ko.. At magiging successful ako..” Lumabas na ako sa game room dito sa Mansion naming apat. Ang Prince Mansion.

Dito namin madalas ginagawa yung party naming apat. Regalo sa amin ito ng hindi ko alam kung sino. Basta ang alam ko nung lahat kami 16 years old na, may dumating lang na mail na nagsasabing sa amin na'tong Mansion na 'to. Simula nun dito na kami halos tumira dito namin nagagawa mga kalokohan namin.

Sumakay na ako sa aking Porsche Carrera GT.. Yabang ba? Hindi naman, wala nga akong sinabi sa kotse ni Lia na LaFerrari. Mas mayaman talaga sila sa akin. Pero okay lang.

Kaso ang tanong ngayon, saan naman kaya ako pupunta? Tinatamad akong magliwaliw ngayon. Makapunta na nga lang sa Academy.

                                                                        _0_

Nang makarating na ako sa Royal Academy halos walang estudyante sa paligid. Class hour pa kasi.

 Kami kasing top 6, ang pasok lang namin ay MWF so tutal thursday ngayon kaya free kami. Daya noh? Kasi mas mahaba naman yung year namin as a college student.. 6 years kami sa college. 4 years para sa mga subjects na kailangan naming matutunan tungkol sa lahat ng bagay. We have to know everything. Then yung 2 years ay for massive training.. Tuturuan kami i-handle ang mga negosyo namin.

Sa totoo lang mahirap ang buhay namin, kung ako lang ang papipiliin gusto kong maging isang normal na tao. Walang iniintinding image, nakakapunta kahit saan ng walang security. Pero kagaya ng isang normal na tao, nasasaktan din kami, nagmamahal.

Naglakad-lakad ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta lakad lang ako ng lakad. Hanggang sa makarating ako sa tapat ng malaking fountain. And i saw a very beautiful sight. Alexa, kissing someone. Hindi ko alam kung ano ang sumapo sa akin. I hurriedly punch the guy.

“Justine, Ano ba!” Tinulak ako ni Alexa. Tapos nilapitan niya yung lalaking sinuntok ko.

“Hey, are you ok?” Halata sa boses niya na nag-aalala siya. Hinawakan niya ang mukha nito, tinitignan yung dumudugong labi nito. Tumango lang yung lalaki. Humarap siya sa akin, may galit sa mga mata nito.

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon