Chapter 1: The Angel

335K 4.8K 363
                                    

(SOPHIA)

 *TOK* TOK*

“Sophia, gumising ka na! Baka malate tayo niyan!” Ingay naman! Sarap-sarap pang  matulog.

*TOK* TOK*

“Sophia! Gising na!!” Tuloy pa din sa pagkatok dun sa pinto ko.. Actually parang kinakalampag na siya, ay hindi kinakalampag na talaga.. Pero sorry ka na lang kung sino ka man, inaantok ako.

 ”Ayaw mong bumangon, ha! Sige bahala ka!!” Sabi pa ng istorbo, hanggang sa tumahimik na. Makakatulog na ulit ako ng mahimbing.. Narinig kong nagbukas ang pinto.. Baka si Manang lang.. Tapos may naramdaman akong lumapit sa akin, hanggang sa..

”AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA”

”Ayaw mo pang bumangon ha!”

“ETO  *tawa* NA *tawa* BABANGON NA NGA E! AHAHAHHA !! TAMA NA!!” Naubusan ako ng hangin doon ah!

“Babangon naman pala e.. Gusto pa dinadaan sa dahas..” Tumayo na siya, pero mukhang may hinahanap dun sa study table ko.. Hmm.. akala mo hindi ako gaganti?! May biglang kalokohan ako naisip  *evil smile*

May kinuha ako dun sa drawer ko at saka ko siya tinawag..

“Nics!” Tawag ko.

“Bakit?” Sagot niya pero hindi siya tumingin sa akin.. Hindi pwede ito kailangan niyang lumingon!

“E tignan mo ‘to!!” Sabay taas ko ng hawak ko at saktong pagharap niya, nanlaki ang mga mata niyang singkit.

“Ang alin b----- IPIS!!!!!” Sigaw niya. Sabay tabig sa kamay ko kaya nabitawan ko yung ipis pero laruan lang naman siya. Nakatago yun, in case of emergency gaya ngayon.

“AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA” Yun humarurot ng takbo palabas.. Ako naman tawa ng tawa..

”SOPHIA!!!!” Umalingaw-ngaw ang sigaw niya sa buong bahay. Oppssie.. HAHAHAHHA. siya kasi nauna e..

Naligo na ako para maka-ready na sa pagpasok sa school. Hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala. I’m Sophia Hernandez, 17 years old. 2nd yearCollege in RoyalAcademy…

Matapos akong magbihis, bumaba na ako para mag-breakfast.. 

“Hmmm, bango!!! Good Morning Manang!!” Masigla kong bati. At saka umupo sa lamesa.

“Good Morning din po Ms. Pia.” Bati ni Manang at saka ngumiti. Uupo na dapat ako kaso. Teka nga.. Pansin ko lang isa lang ang platong nakahain. Asan si Nics?

”Ahhmm. Manang si Nics po?” Tanong ko.

 ”Naku nauna na.. May emergency daw po.. Ipahahatid ko na lang po kayo..” Nalungkot naman ako bigla. May emergency na naman..

”Naku, manang wag na po.. Magkokommute na lang po ako..” Sabi ko. Ayokong makaagaw ng atensyon ng iba, baka lalo lang kasi nila akong pahirapan.

”Pero bilin po iyon ni Young Master ..”  Haay.. Ayoko ng makipagtalo, kapag sinabi na ni Nics wala ng bawian.

”Sige na nga po..” Nilapag na ni Manang yung pagkain sa harap ko.. Pero parang wala na akong gana.

After kong kumain pumunta na kami sa school, mga 30 mins lang naman ang biyahe.. Yung school kasi namin pang-mayaman talaga. Alam niyo yun, pang-sosyal. Lahat ng mga anak ng mga influential persons sa buong mundo doon nag-aaral maski yung mga royal doon din.. 

Tapos yung lugar niya  talagang ang laki as in sobra at saka mga nagbabantay doon first class gurads talaga at saka hi-tech. Bawat sulok may mga camera, take note microcamera. Kaya lahat ng kilos at galaw ng mga estudyante monitored.

Kumpleto lahat ng facilities.. May mga malls, first class restaurants, hotels, malaking stadium, olympic size swimming pools, meron ding airport para sa mga private jets at marami pang iba. Oh di ba bongga?!

 Kaso lang hindi naman magaganda ang mga ugali ng mga estudyante.. Bilang talaga ang mababait.. Pag sinabing bilang mga 5 out of 1000. Puro kasi pera at payabangan ang ginagawa ng mga estudyante doon. Hindi ko nga alam kung paano sila nakakapasa, kaya siguro ang daming palpak na mga businesses at corrupt politicians sa buong mundo, puro sila hangin walang laman.

May mga kanya-kanya class ang bawat estudyante according sa yaman nila. Ranking sa madaling salita. Ito rin yung nagsisilbing distinguishment nila. Yun yung na makikita sa uniform nila. Ang uniform kasi namin: knee length plaid skirt, neck tie, blazer. Yang tatlo na yan depende kung anong class sila. Then white long sleeves at of course black shoes.

Kapag Class D (Brown) - Para sa mga anak ng government officials (President or Prime Minister, etc)

Class C(Blue)- Para sa mga Heir at Heiress ng mga famous Clans

Class B(Dark Green)- Para sa mga may dugong bughaw (yung gaya nila Prince Harry)

Class A(Red)- Para sa mga anak ng top 50 richest businessman in the world

Class S(Silver)- Highest rank at only Top 6 students has this class. 

Golden Crown(Gold)- The highest of all Elites, the Royalties of the Academy

“Ms. Sophia andito na po tayo..” Napatingin ako sa harap, nakikita ko na yung mga naglalakihang building at ang mga magagarang sasakyan. Sinong mag-aakalang may ganito dito sa Pilipinas. A place for rich people. 

Huminto na yung kotse, may nagbukas ng pinto huminga muna ako ng malalim bago bumaba. Another dreadful day. Wish me luck.

“Thank you..” Sabi ko dun sa lalaking nagbukas ng pinto. He just nod pero hindi siya tumingin sa akin. Of course sino ba naman ako para pagtapunan nila ng pansin. Umiling na lang ako.

Naglakad na ako papalapit sa glass door, automatic naman itong bukas dahil sa door sensory nito. Pagpasok ko sa lobby..

*SPLASH*

Nagtawanan naman yung mga estudyante.. Haay, nakakainis talaga.. Tama bang buhusan ang ako ng isang timba ng malamig na tubig? Ang aga-aga pa kaya        ! Pwede namang mamayang hapon na lang.

”Yan ang bagay sayo, tutal hindi ka naman bagay sa eskwelahang ito!”

Nagtatawanan silang lahat. Ano pa bang bago, simula ata ng pumasok ako dito ako na ang ”apple of the eye” nilang lahat.

“So anong meron?..” Ang boses na yun.. lahat sila nag-bow.. Napatingin naman ako sa nagsalita. Andito na siya…

Si Alexa Ramos.. 

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Where stories live. Discover now