Epilogue

125K 2.6K 241
                                    

EPILOGUE

After 5 years…

(JUSTINE)

 Limang taon na ang nakalipas. Limang taon na rin simula ng makita ko siya, makasama. Lahat sila maayos na ang buhay, masaya na.. Hindi ko naman sinasabi na miserable ang buhay ko. Masaya ako, pero may kulang…

 “Hay nako, Justine. Nag-eemote ka na naman dyan.” Biglang sulpot ni Alexa. Ngumiti lang ako. Ayos na kami, tutal wala naman talaga dapat maging problema sa aming dalawa.

“Miss na miss mo na talaga siya. Wag kang mag-alala, babalik na din yun..” Babalik? Sa totoo lang halos wala kaming komunikasyon. No text, no call. Kahit email o kaya message sa facebook at tweet sa twitter. Wala. Araw-araw ko siyang pinapadalhan ng messages. Kaya lang minsan, hindi ko maiwasang hindi sumuko na.

”Ang tanong lang naman ay kailan. Kailan siya babalik? Limang taon na ang nakalipas. Pero wala. Puro sa magazines, newspaper at tv ko lang siya nakikita. Hindi niya man lang magawang magbigay ng oras na magparamdam kahit isang message lang. Minsan naisip ko ng sumuko..” Alam ko ang lakas ng tama ko. Pero masisisi niyo ba ako? I love her with all my heart and soul. Pero mukhang ang tadhana na ang gumagawa ng paraan para hindi kami magkasamang dalawa. 

“Don’t be such a fool, Justine. You promised that you will wait for her, kahit na gaano pa katagal. Sa tingin mo ba binabalewala ka niya? Wag mo sanag kakalimutan na ang babaeng minahal mo ay may napakalaking obligasyon. Kung hindi dahil sa kanya, wala tayo dito. At kung mahal mo siya, mahalin mo din ang obligasyon na ginagampanan niya sa ating lahat. You have to understand her.” May point si Julia.

”I agree with her Justine.” Lumingon naman ako si Amber at si…

 “And I don’t. Mainam yun para sa akin na lang siya mapunta..” Jacob Lee. Teka, Ano bang meron at may reunion ata?

 “Base on your reaction, hindi mo alam kung anong meron ngayon.” Sabi ni Timothy.

“How dare you forget this day Justine!” Sigaw naman ni Ate Nat. Lalo ata akong naguguluhan. Ano bang meron? 

“Tsk.Tsk. Sa lahat pa naman ng makakalimot ikaw pa.”  Sabi naman ni Acel.

 ”Patay ka.” Pananakot naman ni Daniel. Tumingin ako kay Clarissa. Umiiling lang siya. Ano ba? Katapusan na ba ng mundo at hindi ko pa alam? Hanggang sa marinig ko ulit ang boses na yun..

 ”You forgot, Mr. Dela Vega?” She’s walking slowly, as if she owns the world. Well yeah literally she owns it.

“Akala ko pa naman pagdating ko dito ikaw ang unang sasalubong sa akin. But no, si Jacob pa ang nauna sayo. Sinikap ko pa man din tapusin lahat ng trabaho ko sa loob ng limang taon para lang makasama ka for the next 20 years.” Napatulala ako. Hindi ko alam ang irereact ko.

 ”No reaction? Oh, well.. I better go now. Sebastian.” Tumalikod na ito at nagsimulang maglakad palayo. Nahimasmasan lang ako ng batukan ako ni Ate Nat.

 ”Heto na yung hinihintay mo, tatanga-tanga ka pa dyan. Kapag umalis na naman yan baka hindi mo na makita. Ikaw din.” Bigla akong sumigaw.

”SOPHIA!” Hindi siya lumingon, hinabol ko siya. Pero kahit anong gawin kong tawag at hingi ng tawad sa kanya ayaw niya akong pansinin. Oh God! Ano bang gagawin ko?

 ’You forgot?’

 Ano bang meron ngayon? January 1. New Year. At birthday ni---- Natigilan ako. Tanga!

 “Naalala ko na. Sorry, nakalimutan ko.” Humarap siya sa akin. Emotionless. Damn!

”It’s my birthday. So what? Wala naman sayo, di ba?” Tumalikod ulit siya. Paano ba ‘to?

 “Please wag ka ng magalit..” Humarap ulit siya.

“Gift ko?”At nilahad niya yung kamay niya.

”Gift?” Tinaasan niya ako ng kilay.

 ”Wala? Limang taon tayong hindi nagkita tapos wala ka man lang gift sa akin. Then goodbye.” Damn! Hindi ko pa dapat ito ibibigay e! Pero no choice ako. Lumuhod ako at inilabas ang isang maliit na box.

”Sophia Ysabelle Nichole Blanc-Montereal.” Natigilan siya.

“Marami na ang pinagdaanan mo sa buhay. Nasaksihan ko lahat ng kasiyahan at paghihirap mo. Maniwala ka man o hindi, hanggang ngayon nagsisisi pa din ako dahil isa ako sa mga dahilan ng naging kalungkutan mo. At ngayon nasaktan na naman kita. I’m sorry kung nakalimutan kong birthday mo. Alam ko kung gaano kahalaga sa iyo yun. I’m happy you wanted me the first person to greet you. And this, set up.. Is my gift to you.. And starting this day I want to see the beautiful smile on your face again. And I want to be the reason behind that smile..” Humarap siya ulit sa akin. 

”Please say yes to forever with me..” Nakatayo lang siya. At unti-unting tumulo ang mga luha niya. 

“Oui..” (Yes.) Eh? Hindi ko naintindihan yung sinabi niya. Lumingon ako kay Julia.

 ”Yes daw! Mag-aral ka na ngang mag-french!” Sagot niya. At tumatawa pa. I’ll take note of that. Agad kong kinuha ang singsing. At isinuot sa kanya. 

”She’s right. I have to study french. But there is only a phrase that I know in french and I want to say it to you. Only you.”  Sabi ko at ngumiti siya.

 “What is it?” I held her hand and look directly in her angelic eyes.

“je t'aime pour toujours..” (I love you forever)

 And i realize that the Angel never really turned into Devil.

(SOPHIA)

Ang sarap sa pakiramdam na alam kong okay na ang lahat. Masaya na sila at syempre, masaya na din ako.

“Ito di ba ang gusto mo Nics? Ang maging masaya ako. Pasensya ka na kung, ako na lang lagi ang iniintindi mo. Ako ang ate mo, pero imbis na ako ang magprotekta sayo, ako pa ang pinoprotektahan mo.”He’s always protect me from the very start.

”Alam ko naman na naririnig mo ako. Gusto ko lang sabihin sayo na labis akong nagpapasalamat sa lahat. Kahit na magbuhay ulit ako sa pangalawang pagkakataon, ikaw lang ang gusto kong maging kakambal. Ikaw lang ang gusto kong maging kakabit ng pusod ko. I love you, Nics..” Biglang humangin. Napangiti ako, naamoy ko ang pabango niya. He’s here. Hindi ko mapigilang hindi umiyak, pero hindi gaya ng dati dahil sa lungkot. Alam ko ngayon tears of joy na ang mga luhang ito.

“Don’t worry about me, now. I just want you to be happy wherever you are. I can take care of myself, and Justine is on my side. Sayang lang at hindi ka makakaattend ng kasal ko. Pero alam ko naman you will always watch  me. Ikamusta mo na lang ako kay Mama at Papa, pati na rin kay Lia.”Si Lia.

“Sabihin mo sa kanya na I already forgiven her from the very start. Hindi ko kayang magalit sa best friend ko. I love her kaya.” Naramdaman kong humangin ulit.

”Daniel will be fine, mahihirapan siya sa simula pero ganun naman talaga di ba? At saka andyan naman si Daniella. Spoiled kaya sa kanya ang batang yun!” Alam ko naman kung bakit. Kamukhang-kamukha ni Daniella si Lia. Kaya ganun na lang ang pagmamahal ni Daniel sa anak niya.

”So paano ba yan? Alis na ako. Baka mamaya magpatawag na si Justine ng search party dahil hindi na naman niya ako makita. Don’t worry babalik ako. At magpapaka-good girl na ako. Promise.” Itinaas ko pa ang kanang kamay ko na para bang nasa harap ko talaga siya.

” Au revoir..”

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Where stories live. Discover now