Chapter 20

16 1 0
                                    

Chapter 20

I smiled at Jio's statement.

"Pero diba siya yung kaibigan ni Chrizzna? Nyare? Tsaka diba nag aaway kayo niyan?" Sunod sunod na tanong ni Eiji.

"Mahabang kwento wag mo na alamin." Sabi naman ni Wallace na kinasimangot nilang dalawa.

"Damot pota." Irap ni Jio.

"Yaan mo na. Attend ka nalang ng kasal namin in the future para malaman mo yung buong kwento. Ako yung magi story time." Sabi ni Wallace na kinatawa ko.

"Oh talaga ba? Paano ka nakakasiguradong sayo ikakasal si Ishna? Malay mo may magustuhan siyang iba diba?" Sabi naman ni Jio na hindi nagustuhan ni Wallace. Kulang nalang sakalin niya si Jio sa galit niya eh.

"Tangina mo. Lumabas ka sa condo namin." Pagmumura ni Wallace kay Jio.

"Come on, Lace. Wag kang ganyan. Umupo muna kayo." I invited them as they smiled and sat on the couch.

"Naka enroll ka na?" Tanong ni Eiji kay Wallace.

"Dipa. Pupunta palang ako bukas." Sabi niya na kinatango naman nung dalawa.

"Kailan ba opening?" Tanong ni Jio.

"Tangina neto mag-aaral ka ba talaga? Dimo pa alam kung kailan opening eh. Parang wala kang balak mag aral." Sabi naman ni Eiji.

"Tama, parang gago eh. Sabihin mo lang kung ayaw mo na mag-aral par." Sabay naman ni Wallace.

"Sorry naman. Nakalimutan ko eh. Bat di niyo nalang sabihin kaysa naman sa ginigisa niyo pagkatao ko diba?" Sabi ni Jio na may ngiting aso.

"Tsk tsk. Hindi dapat tularan to. Hindi mabuting estudyante." Umiiling na sabi ni Wallace.

"Tama tama. Hindi siya role model para sa kapatid niya. Dapat hindi gumaya si Selene sayo." Sabi naman ni Eiji. Wala talaga ata silang balak sabihin sakanya eh.

"Next month, July 15 yung pasukan." Ako na sumagot mukhang naiinis na si Jio sa dalawang kaibigan niya eh.

"Maraming salamat, Ishna. Buti nalang at sumagot ka, kung hindi nasapak ko na sana tong dalawang to." Sabi niya na kinatawa ko.

"What if ikaw sapakin ko?" Sabi naman ni Wallace na kinairap ni Jio.

"May gamit ka na?" Tanong ni Eiji kay Wallace.

"Madami par." Pamimilosopo naman ni Wallace kaya pinitik ko yung noo niya.

"Naman, Zeyn eh." He complained as I rolled my eyes.

"Aayusin ko lang muna yung kwarto ko. Bahala na muna kayo diyan." Sabi ko na kinanguso ni Wallace.

"Kiss muna." He demanded as I sighed and gave him a peck before going to my room.

"Bat parang ang demanding mo yata para sa isang manliligaw?" Narinig kong tanong ni Jio.

"Wala kang pake." Sabi naman ni Wallace kaya napailing nalang ako habang nag aayos dito sa kwarto ko.

Nung natapos na ako, pinalibot ko yung mata ko para tignan kung maayos ba yung lagay ng kwarto. So far okay naman yung mga placement ng mga bagay. Ang galing ko talaga. While looking around the room I felt arms wrapped around my waist.

"Umalis na ba sila?" Tanong ko.

"Uh-huh." Sagot niya tsaka pinatong yung ulo niya sa balikat ko.

"Lace, nasaan na nga pala yung picture natin nung birthday mo?" Tanong ko sakanya.

"Anong birthday?" Tanong naman niya pabalik.

"Nung sa Baguio. Nung 16 ka." Sabi ko naman.

"Naka frame. Nandoon sa kwarto ko." Sabi naman niya.

Endless Game (TRF#2)Where stories live. Discover now