Chapter 28

17 1 0
                                    

Chapter 28

"Are you sure you already have it?" I heard Wallace talk to someone over the phone while I was cooking here in the kitchen.

"Punta ka sa office ko tapos puntahan mo yung secretary ko. Tell him you're the lawyer I chose tapos may susundo sayong helicopter na papunta dito. Dito na tayo mag uusap." He said and my brows furrowed kase hindi ko madigest yung sinasabi niya. Hindi naman kase naka loud speaker yung phone niya eh.

"Yes, that's your fucking job so do it properly, Jino. Ayoko ng tinatanginang gawa, alam mo yan." He seriously said as I sighed.

"Jino?" Tanong ko nung binaba na niya yung tawag.

"Ah yes, a friend of mine. Namention ko na sayo diba? Nasa iisang circle kami nina Eiji, Jio tsaka si Chrizzna at Jace. Sila palang yung nakikilala mo pero may apat pang hindi mo nakikilala sa personal at isa na si Jino doon." He explained as I nodded. One more thing I love about Wallace is that he's always extending the details of the answers. Kapag nagtatanong ako, palaging may extra detail yung sagot niya.

"Pupunta siya dito? For what?" Tanong ko naman. He ruffled my hair and smiled.

"He'll be the lawyer of your case. I already gathered all evidences and sinabi ko na sakanya na pumunta siya doon sa bar nagkitaan niyo ni Pier. Turns out the bar was paid by Pier para madelete lahat ng footage. I am also going to talk with the board next week kapag bumalik na tayo. I will pull out the company's investment in his company." He said as I looked at him in shock.

"Lace, you don't need to do that. His surname is helpful to your company. He is a Torres after all." I said as he scoffed.

"Yeah right, Torres na anak sa labas. No wonder he acts nothing like the rest of his family. Every single one of them are decent samantalang siya mas masahol pa sa animal putanginang yon." He hissed as I laughed at his statement. It's been two months na nandito kami, I'm already fine thanks to him.

He never gave me my phone, the only source of my entertainment are the games here and the TV, walang mga news channel doon ang nandoon lang is yung mga international news and stuff tapos yung iba naman cartoons lang naman. He never really let any information of that issue out, hindi ko nakita and hindi namin binabanggit yung tungkol doon.

"Uy si mareng Ishna pala to eh. Di mo ba sinabi kay Chrizzna yung tungkol sainyo?" Tanong ni Jino kaya naman umiling si Wallace.

"Kaya pala gusto mo ipademanda si Pier ha. Ikaw ah may paganyan ganyan ka na ha. Di pa kami nainform na magjowa na pala kayo ng siyam na taon pucha ang galing niyo naman magtago." Pagbibiro niya na kinairap ni Wallace.

"Anong silbi ng lowkey relationship kung ibubunyag? Gago ka ba?" Inis naman na sabi ni Wallace.

"Aba kaibigan mo kami dapat lang namin malaman." Sabi naman ni Jino kaya umirap na naman si Wallace.

"Mamaya na yan. Let's talk about the case." Wallace said and lied his head on my shoulder.

"So, nung tinawagan mo ako para idemanda si Pier medyo naguluhan ako tsaka hindi ko yun inaasahan kase nga diba investor ka sa kumpanya niya. Medyo mahihirapan tayo sa pagkuha ng mga ebidensya tungkol sakanya because he is too good to get rid of evidences, he uses his money and power to get rid of his dirty doings." Jino seriously said. He has a goofy and palabirong side pero ang seryoso niya sa mga bagay na ito.

"Nadelete na din yung footage doon sa bar at yung natira lang ang yung part na pinukpok ni Ishna yung ulo niya ng vase kaya nagtagumpay yung kinaso nila sakanya tsaka may witness kase sila, which I believe is your former manager right?" He looked at me as I nodded.

"Hindi din naman makapagsalita yung agency ni Ishna kase Pier threatened them kaya wala silang magagawa. Yung witness naman na dating manager ni Ishna binayaran rin ni Pier, turns out he badly needed the money kase may sakit yung lola niya, eh hindi naman ooperahan nung hospital hanggang sa hindi nila nababayaran yung kalahati nung hospital bills nila so obviously Pier took that opportunity to bribe him." Jino explained and I was quite amazed by the way he found those out, well, attorney naman kase.

"Mukhang sanay na sanay sa maduming gawain ang gago. Nakakadiri potangina hindi lang pala si Ishna yung ginanon. May record din siya sa rape tsaka abuser din ang gago." Nandidiring sabi ni Jino. Nakakadiri nga naman kase, who will believe na yung business man na yun na sinasabi nilang magaling at karespe respeto ay nakakadiri pala talaga.

"Though wala namang magagawa yung mga nagfi file ng kaso sakanya kase nga malakas yung kapit niya." He added.

"Justice system talaga ng Pinas pera lang katapat." Umiiling na sabi pa niya.

"Don't worry, I have just the right person in mind. Nakausap ko na siya, he'll be one of the witnesses. Buti nalang may contact si Des sakaniya." Wallace smirked na kinakilabot ko. Taena katakot naman nung ngisi.

"Hayst magaling nga magbura ng ebidensya si Pier malas naman niya na ikaw nakatapat niya. Malas niya din kase ang galing kong attorney. Kayang kaya talaga magtanggol." Jino wiggled his eyebrows.

"Sus, kayang kaya daw magtanggol kaso di naman napagtanggol si Zy-, aray ko gago!" Sinipa kase ni Jino yung tuhod ni Wallace tsaka siya umirap.

"Par, shut up ka diyan." Jino rolled his eyes and picked his things up.

"See you at the court Mr. and Miss Future Mrs. Perez." He bid his goodbyes as my cheeks heated up.

What the fuck? Ano daw? Pinahaba pa yung bansag sakin eh Ms. Lazaro lang naging Miss Future Mrs. Perez pota. I mean hindi naman ako nagrereklamo eh pero ang usapan kase namin ni Wallace we'll settle down and tell the world about us bago kami magpakasal.

I was quite anxious though next next week na yung paghaharap harap namin sa korte mamaya maiyak na naman ako pag nakita ko siya tsaka baka baliktarin na naman niya yung sitwasyon. Gas lighter pa naman yung gagong yon.

"What's wrong, sweetheart?" Tanong ni Wallace habang hinahaplos yung buhok ko. He probably noticed that I was quite anxious.

"I'm just worried, baka kase maulit na naman yung nangyari nung huli kaming nagharap sa korte." I said as he smiled at me lovingly.

"Don't worry hmm? You won't be alone in the court now. I will be right by your side, we'll be together, we'll achieve the justice you are longing for. That fucking asshole of a man will be in prison until he dies."

Endless Game (TRF#2)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora