Chapter 32

27 2 0
                                    

Chapter 32

Wallace

My kind of woman was someone who can be the same vibes as mine. I want my woman to play COD, I want my woman to play badminton. I like girls na nakakasabay sa mga trip ko. Gusto ko yung magaling na mestiza.

Probably why I liked Chrizzna, pero kahit na nagustuhan ko siya wala padin talagang tatapat sa pinakauna ko.

I tried everything para kalimutan siya. Call me jerk or whatever you want pero yung nararamdaman ko kay Chrizzna testing lang yun kung nakalimutan ko na ba si Zeyn, isang parte pa sakin kung bakit ko nagustuhan si Chrizzna ay may pagkakapareho sila ni Zeyn. Pero kahit na anong pagkapareho nila, wala eh, isang Kriszchna Zeyn Lazaro lang talaga ang hahanapin ng puso ko at ng buong sistema ko.

Alam kong bata pa kami noon pero wala eh, siya lang talaga.

"Psst, punta tayong Baguio sabi ni Mommy." Sabi ng Kuya ko kaya napasimangot ako.

"Hindi ba pwedeng sa La Union nalang? Nandoon naman si Triveon eh." Kako kaya naman may pilyong ngiti na pumunta sa labi niya.

"Sus, gusto mo lang hanapin yung ginastosan mo ng 13 thousand doon eh." Pang aasar niya na kinairap ko. Totoo naman, hindi naman talaga si Triveon ang sadya ko doon kundi hahanapin ko si Ishna. Sawa na ako sa pagmumukha ni Triveon pota.

"Nasayo pa number niya diba?" Tanong niya na kinatango ko.

"Bat dimo nalang tawagan? Parang gago ka naman, sa sobrang pagka miss mo sakanya kulang nalang mag imissyou postings ka na sa socmed mo eh." Pang aasar niya kaya umirap ako.

"Kuya wag ka ngang gago. I respected her decision, ayaw niya ng distraction at isa na ako doon. Tsaka pinagbawalan ng nanay eh." Kako na kinatawa niya.

"Awit distraction. Nakwento mo na't lahat lahat sa buong angkan natin dimo pa pala kaya panatilihin sa tabi mo eh. Weak shit." Pang aasar niya kaya tinaboy ko siya sa kwarto ko.

"Wag ka ngang magulo! Labas na ang dami dami mong alam kukunin ko siya tanga!" Sabi ko at natatawang lumabas siya sa kwarto ko. Inang yon porket nakuha na niya yung girlfriend niya.

"Invite your friend Triveon." Tita Tiarra told Triveon as he nodded.

While I was playing I got bored kase ang hihina naman na ng mga kalaban walang kathrill thrill kaya naman sumilip ako sa cellphone ni Triveon. Sabog squad? Really? Nangyan, pero halata naman na sabog talaga yung pinsan ko diko yun ide deny.

"Chrizzna." I uttered when I saw a photo na sinend nung isang tropa niya.

"Kilala mo?" Tanong niya sakin na kinatango ko naman.

"Oo kaibigan ko na kaklase ko din." Sabi ko kaya tumango tango naman siya. Later on he looked at me with a shocked face.

"OH MY GOD! Eto ba yung nangbasted sayo na pinagpalit mo kay Ishna?!?" Sigaw niya kaya binatukan ko siya.

"Tanga! Diko siya pinagpalit bonak!" Sabi ko kaya naman may pilyong ngiti na pumunta sa labi niya.

"Ah so testing lang pala yung pagkagusto mo kay Chrizzna." Sabi niya kaya naman umirap ako.

"Oo nga." Inis na sabi ko kaya siya tumawa.

"Rebound amp, pero okay lang hindi naman naging kayo so hindi matatawag na rebound yon." Sabi niya kaya umirap ako.

"Papunta na nga sila, my." Buntong hininga ni Triveon.

"Matutulog lang ako." Kako kay Triveon saka naman siya tumango.

Actually kahit may pupunta dito na kaibigan ni Triveon na magiging guest dito sa hotel namin wala naman akong pake tsaka hindi ko pa nga alam kung sino yung mga yun eh. I'm not interested if it's not about Zeyn, siya lang naman ang gusto kong makita eh. Chismis tungkol sakanya lang ang hinahanap ko.

Endless Game (TRF#2)Where stories live. Discover now