Chapter 30

23 1 0
                                    

Chapter 30

(Continuation of Prologue)

"Seriously? Magmo model ako para sa kumpanya mo? Ano trip mo?" Tanong ko sakanya kaya naman napairap siya.

"Bakit ba? Eh gusto ko nga. Tsaka ako lang naman nagmo model sa kumpanya ko baka sawang sawa na sila sa pagmumukha ko. Kailangan ng touch ng isang Kriszchna Zeyn Lazaro." Pabirong sabi niya na nagpatawa sa akin.

"Dami namang alam netong bebe ko na ito." Sabi ko kaya siya ngumisi.

"Syempre naman." He said and lied his head on my shoulder.

"Nga pala bebe bukas na yung shoot ah." He said as I looked at him in shock.

"Weh?" Gulat na sabi ko kaya naman tumango siya.

"Oo, tsaka magpapaalam sana ako." He said and looked at me with those innocent eyes.

"Ano ba ipagpapaalam mo? Mambababae?" Maangas na tanong ko kaya naman tumawa siya.

"Bat ako mambababae? Eh nandiyan ka naman na. Anong silbi nila pag nandiyan ka?" Taas kilay na tanong niya. I playfully rolled my eyes, ang dami daming alam neto.

"Pero pupunta kaming Baguio ng circle namin. Sama ka please?" He said looking at me with pleading eyes.

"Magpapaalam ka na isasama mo ako?" Natatawang tanong ko at tumango naman siya na parang bata. Ang cute cute naman ng bebe na yan.

"I mean okay naman kase free naman yung schedule ko next week." Sabi ko kaya napangiti siya ng malaki.

"Nagtataka lang ako kase nagpaalam ka ngayon na isasama mo ako. Eh minsan nga kinukuha mo nalang ako sa kung saan saan." Naguguluhang sabi ko kaya napasimangot siya.

"Luh si bebe naman, pinagmumukha akong kidnapper." Parang nao offend na sabi niya kaya napatawa ako.

"Kidnapper ka naman talaga minsan eh. Dinadala dala nalang ako sa kung saan saan mo gusto. Di ka naman nagpapaalam." Kako kaya ngumuso siya.

"Pero sasama ka?" Tanong niya na kinabuntong hininga ko.

"Nandoon ba sila Chrizz?" Tanong ko naman pabalik na kinatango niya.

"Sama ka na please." He pouted even more, ang cute. Ang sarap pisilin yung pisngi niyang lumolobo so I did.

"Aww, bebe naman eh." He complained as I giggled and he smiled. He calls me bebe pag trip niya ng tagalog pero usually sweetheart talaga.

"Ang cute cute naman ng bebe na yan." He grinned as I giggled and he smiled lovingly. He was looking at me like his world only revolved around me.

"Sige na sasama ako pero ano ba gagawin ko doon?" Tanong ko kaya naman umirap siya.

"Reveal na natin relasyon natin sakanila. Ano ba naman yan 12 years na tayo di pa tayo official sa mga kaibigan ko minsan tuloy nagu usap sila tungkol sayo kase ang ganda mo daw. Di naman ako pwede bumoses kase nga sa gusto mo tsaka hindi naman sila maniniwala sakin." He pouted as I laughed.

"Ay hala naman ang bebe nagtatampo. Alam naman nina Eiji at Jio ah pati din si Jino." Sabi ko kaya umirap siya.

"Si Felix nga minsan nakakainis pati na din si Jace. Alam ko naman na mahal padin ni Jace si Chrizzna pero nakakainis eh palagi nalang pinag uusapan na ang ganda mo ganito ganyan." Inis na sabi niya na mas lalong nagpatawa sa akin.

"Lace, that's normal. Model ako." Kako naman kaya ngumuso siya.

"Alam ko naman yon pero ano kase eh." Pagmamaktol niya. He's so cute na nagtatampo kase lang gusto niya ako i gatekeep like what the heck? Ang cute naman ng boyfriend kong yan.

Endless Game (TRF#2)Where stories live. Discover now