Chapter 03

29.4K 1.1K 634
                                    

Chapter 03

Imbes na mag-aral ako para sa subject ko, kanina pa ako naggoogle kung nagnonotify ba kapag tinignan mo iyong account o baka makikita mo lang iyon kapag pupunta ka sa mismong LinkedIn account mo at pipindutin mo iyong who's viewed my profile?

Nakaka-bobo naman 'tong LinkedIn.

"Di naman siguro magche-check 'yon," sabi sa akin ni Tin. Kasalanan niya 'to, e. Nananahimik ako. 'Di naman ako tumitingin talaga sa LinkedIn kasi parang Facebook group 'yon ng mga working professional. Don nagpapayabangan iyong mga tao. Sakit lang sa ulo kasi kahit 'di mo gawin e mapapa-compare ka.

"Kahiya lang," sagot ko.

"Daming ginagawa sa PAO. Wala na sigurong time magcheck 'yon don."

"E paano kung meron?"

She shrugged. "Sabihin mo napadpad ka lang."

Tumango ako.

Tama.

Casually lurking lang ako sa LinkedIn. Kaso... kaso si Atty. Marroquin iyong tipo ng tao na mukhang gumagamit ng LinkedIn. 'Di ko siya ma-imagine na gumagamit ng Facebook at nagshe-share ng memes doon.

Tsk.

Bahala na nga.

Baka ito pa ika-bagsak ko dahil 'di ako makapag-aral sa kaka-isip.

Pagdating ko sa school, nakita ko iyong United Nations na nakatambay sa isang gilid. Si Sancho ay seryosong nagbabasa ng codal. Si Niko naman ay nakatingin sa langit na para bang nandon ang sagot sa kung anuman ang problema niya. Si Vito naman ay naka-tingin sa akin na para bang ako ang problema niya.

Lumingon ako sa likuran ko dahil baka iba ang tinitignan ni Vito. Wala naman akong maalala na nag-usap kami na kaming dalawa lang. Una, lagi niyang kasama iyong mga kaibigan niya o kaya si Assia. Pangalawa, pag dumadating ako dito sa school, halos pa-simula na iyong klase.

Ano kaya problema nito?

"There you are!"

Mas lalong kumunot ang noo ko nang makita ako ni Niko. Nawala na iyong ekspresyon sa mukha niya na parang gulung-gulo siya. Naka-tingin na siya sa akin ngayon at naka-ngiti.

"Hinahanap mo ako?" tanong ko, medyo naguluhan dahil wala akong maalala na magkikita kami ni Niko ngayon. Ni hindi nga kami friends sa Facebook. Wala rin kaming number ng isa't-isa.

Ang gulo ng araw na 'to.

Tumango siya. "I noticed that your recitations have gotten so much better... Especially in crim..."

Naka-akbay siya sa akin habang sinasabayan niya akong maglakad.

Napatingin na naman ako kay Vito na ang sama ng tingin sa akin.

"Don't mind him," sabi ni Niko nang mapansin niya na nakatingin ako kay Vito. "As I was saying—"

"May nagawa ba akong atraso kay Vito?" tanong ko kay Niko. Okay naman siyang kausapin ng Tagalog kasi naririnig ko lagi si Assia na Tagalog sila kung kausapin. Kung ako lang, baka nag-English na ako. Mukha kasi talagang foreigner si Vito at si Niko. Si Sancho pwede mo ring pagkamalang Latino, e.

"No, he's just being weird," sabi ni Niko. "Now, back to business."

Kumunot ang noo ko. "Business?"

"Yes," he replied. "I know you have digests. I've seen it."

Ito pa rin?

Digests pa rin?

"How much?"

Napa-buntung hininga ako. "Hindi nga—"

Alter The GameWhere stories live. Discover now