Chapter 23

24.8K 1K 424
                                    

Chapter 23

Sinubukan ako ni Mauve na iligtas mula sa Subic trip, pero wala siyang nagawa. Syempre, tatay pa rin namin si Papa. Kapag sinabi niya na sasama ako, sasama ako. Ewan ko ba. Kahit siguro maging abogado na ako at tumanda ako, tiklop pa rin ako kay Papa.

Saka ayoko ng gulo.

Isang weekend lang naman.

Akala ko ay kasama namin si Mama papunta ng Subic kasi nga usually ay siya naman ang kasama kapag may mga ganitong event ni Papa. Ako lang iyong kasama tapos ay naiwan si Mama sa bahay kasama si Mauve. Nung tinanong ko kung bakit, sabi lang nila na para daw may kasama si Mauve. 'Di na lang nila sabihin na kailangan nila bantayan si Mauve kasi hanggang ngayon e kung pwede lang nila ikulong sa bahay si Mauve ay gagawin nila.

"Bakit po?" tanong ko nang kalabitin ako ni Papa. Natutulog lang kasi ako sa passenger seat habang nagda-drive siya. 'Di naman kasi ako pwedeng magtext kasi katabi ko siya. Saka mamaya magtaka pa 'yon kung bakit message nang message sa akin iyong GLOBE.

"Gusto mong huminto sa gas station?"

I shrugged. "Ikaw po. 'Di naman ako nagugutom."

Gusto ko na lang makarating sa hotel. Thankfully, magkaiba kami ng kwarto ni Papa. Nakaka-suffocate kung same room kami. Kung ganon lang din, talagang matutulog lang ako buong weekend o kaya magtitiktok.

Mukhang si Papa iyong naiihi kaya huminto kami sa gas station. Pagka-labas na pagka-labas niya sa sasakyan, agad akong tumawag kay Atty. Marroquin.

"Good morning," agad na sagot niya. After three rings ay sumagot na siya.

"Good morning. Aga mo nagising, ah," sabi ko kasi 7AM pa lang kaya. Sana naka-early check-in si Papa kasi ayokong tumambay sa lobby o kung saan man.

"I told you I'm a morning person," sagot niya sa akin.

"Ano'ng ginagawa mo?"

"Getting ready for my morning run."

"Sa BGC?"

"Yes. Ikaw? Ang aga mo nagising."

"Morning person din ako."

"Really," sagot niya sa akin. I could already imagine him staring at me like he knew that I was lying. Bahagyang naka-tilt sa side iyong ulo niya at parang hinihintay niya lang ako umamin na nagsisinungaling ako.

Ang weird talaga kapag lagi kayo magkasama na tipong alam mo na ang mannerisms ng isang tao.

"Oo kaya," sagot ko.

"What's your morning routine, then? Gising tapos tiktok?"

"Alam mo, ang hater mo ng tiktok. Ang dami kayang educational na tiktok."

"Seriously?"

"Yes."

"What's next? Source mo ang Wikipedia?"

"Hater ka talaga."

Tumawa siya. "A bit," sabi niya.

"Finally, some honesty," sagot ko sa kanya tapos narinig ko na naman iyong mahinang halakhak niya. Tsk! Kasalanan talaga 'to ni Papa. Imbes na nasa Subic ako, sana e nasa Manila na lang ako. Weekend pa naman ngayon. Walang work si GLOBE. Pwedeng-pwede ako tumambay sa condo niya.

Hirap din pala na may trabaho iyong... lovelife mo. Ano ko ba kasi siya? Ang hirap naman kasi paano kapag may nagtanong kung ano kami? Ano'ng isasagot ko? Basta masaya kami.

Ayoko rin naman 'to itanong over the phone. Saka na nga pagbalik ko sa Manila. Hindi ko rin naman alam kung paano 'to i-bring up. Kailangan ko ng payo ni Mauve dahil pakiramdam ko e naka-ban na ako doon sa subreddit. Mga haters nandon, e. Lagi na lang ako dina-downvote.

Alter The GameWhere stories live. Discover now