Chapter 38

19.8K 744 162
                                    

Chapter 38

My mind kept on going to the worst case scenario.

I hated that my mind kept on picturing Achilles' lifeless body.

Alam ko na hindi ko dapat hanapin iyong pangalan ni Achilles sa Internet, pero wala akong mapagtanungan tungkol sa nangyari sa kanya. Wala akong kakilala sa mga ka-trabaho niya. Wala akong kilala sa mga kaibigan niya.

Ang dali lang palang sabihin na mahal mo iyong tao kahit wala ka talagang alam sa kung sino iyong nasa buhay niya.

I felt sick to my fucking stomach.

Gusto ko na lang banggain lahat nung sasakyan para lang makarating agad ako sa ospital kung nasaan si Achilles. Sabi ni Tin, napanood niya lang daw sa balita. Mas nauna pa sila na makaalam sa nangyari sa kanya.

Ayokong tignan... pero sa bawat segundo na lumilipas na nandito pa rin ako sa loob ng sasakyan, para akong tatakasan ng bait.

'Public attorney natambangan sa gitna ng traffic.'

Nanginginig iyong mga kamay ko habang hawak-hawak ko iyong cellphone. Parang lalabas na iyong puso ko palabas ng dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito. Hindi ko alam kung itutuloy ko ba ang pagbabasa. Sabi naman ni Tin, nasa operasyon pa si Achilles... Ibig sabihin nun ay buhay pa siya... 'di ba?

'Di ba?

Hindi ko alam kung kaya ko bang basahin... pero mas mababaliw ata ako kung hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya.

"Dito na po tayo."

Ni hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa ospital. Agad akong bumaba at tumakbo papasok. Hindi ko alam kung kanino ako magtatanong. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

"San po si Achilles Marroquin?" agad na tanong ko nang may makita akong nurse.

"Sa may nurse station po kayo magtanong," sagot niya sa akin.

Agad akong tumakbo papunta sa may nurse station.

"Achilles Marroquin," sabi ko nang makarating ako roon. May kausap iyong nurse sa telepono. Alam ko na marami silang ginagawa at kailangan kong maghintay sa kanila, pero bawat segundo na lumilipas ay para akong mamatay sa kaka-isip kung nasan na ba siya at kung ano na ba ang nangyayari sa kanya.

"Miss," malakas na pagtawag ko kaya napa-tingin siya sa akin. Agad niya akong binigyan ng masamang tingin pero wala na akong pakielam. Kailangan ko lang malaman kung nasaan siya ngayon. Kasi pakiramdam ko ay mababaliw na ako kapag hindi ko pa rin nalaman kung nasaan siya ngayon. "Achilles Marroquin po. Please."

Pinilit ko iyong sarili ko na kumalma habang hinahanap niya iyong pangalan ni Achilles.

"OR No. 6. Sa West Wing," sabi niya sa akin.

"Salamat po," sagot ko at mabilis na tumakbo papunta roon. Nasa operating room pa si Achilles. Ibig sabihin nun ay buhay pa siya, 'di ba? Lumalaban pa siya. May pag-asa pa.

Pagdating ko sa labas ng operating room ay agad akong nanlumo nang makita ko na tanging dalawang police lang ang nandon at naka-duty.

Walang kaibigan.

Walang pamilya.

Ako iyong nalungkot at nasaktan para sa kanya.

"Sir," sabi ko nang maka-lapit ako sa may pulis. Wala akong makitang doctor na pwede kong pagtanungan. Sana nandito si Mauve para may aalalay sa akin. "Pwede po bang magtanong kung kamusta na iyong—" Huminga ako nang malalim. "Iyong nabaril."

Alter The GameWhere stories live. Discover now