Chapter 31

25K 1K 276
                                    

Chapter 31

Hindi ko alam kung saan ako pupunta na ang tanging dala ko lang ay iyong cellphone ko at iyong naka-ipit na isang libo sa likod nun in case na mayroong emergency.

Considered ba 'to na emergency?

Na hindi ako tanggap ng magulang ko?

Na mas gusto nilang magpanggap na lang kaming tatlo na walang nangyayari para lang walang gulo?

Diretso lang akong naglakad hanggang sa maka-labas ako ng subdivision namin. Tapos ay nanatili akong naka-tayo doon, nag-iisip kung saan ako pupunta.

Ayokong pumunta kay Achilles ngayon... Kasi alam ko na hindi ko kayang magsinungaling o magpanggap na ayos lang iyong lahat. Kapag nakita ko siya, sasabihin ko lahat ng nangyari sa bahay. Lahat siguro nung mga masasakit na salita na sinabi ni Papa... Iyong bawat galaw ni Mama na parang kutsilyo na sinasaksak sa dibdib ko.

Bakit ganon?

Mas masakit iyong kay Mama... Kasi tanggap ko iyong kay Papa. Kasi alam ko na na may masasakit na salita akong matatanggap kahit ano iyong gawin ko. Pero iyong magbingi-bingihan at magbulag-bulagan siya? Ang sakit pala non. Mas masakit pala 'yon.

Kaya ayokong pumunta kay Achilles.

Kasi makikita niya na nasaktan ako.

Kasi baka sisihin niya iyong sarili niya sa bagay na wala naman siyang kasalanan.

Kailangan ko munang mapag-isa.

Gusto ko sanang lumayo, pero ang hirap pala kapag wala kang pera. Wala rin akong dalang sasakyan dahil galing kila Mama iyon. Wala akong kahit ano. Wala pa nga talaga akong napapatunayan... Totoo naman iyong sinabi ni Papa na naka-tira ako sa puder nila... Pero sapat ba 'yon para gawin nila akong robot na dapat na lang sundin lahat ng gusto nilang mangyari?

Bawal ba talaga maging masaya?

Naka-sakay ako sa jeep na 'di ko rin alam kung saan ako bababa nang makita ko na tumatawag si Mauve. Ayoko sanang sagutin dahil ayokong magsalita. Alam ko kasi na kapag pinag-usapan namin iyong nangyari ay baka maiyak ako sa galit at frustration kila Mama. Pero ayoko rin na mag-alala si Mauve sa akin.

Huminga ako nang malalim bago ko sagutin iyong tawag niya saka nagdasal na sana ay hindi ako mahablutan ng cellphone ngayon.

"Bakit?" tanong ko sa kanya kahit alam ko na alam niya na may nangyari sa bahay. Baka sakaling hindi niya alam. Ayoko kasi talaga siyang idamay dito. Pinagdaanan niya na 'to dati. Ayoko lang siya bigyan ng take two.

"San ka?"

"Jeep."

"San papunta?" tanong niya. Alam na nga niya. Kasi kung usual lang 'to na usapan, alam ko na pipilosopohin niya ako.

"Di ko rin alam," sagot ko sa kanya.

"Ah..." sabi niya.

Tahimik lang akong naghintay sa susunod na sasabihin niya. Pero gusto ko na rin matapos iyong tawag. Ayoko kasi talagang makipag-usap ngayon. Gusto ko lang mapag-isa... pero parang hindi rin. Kasi kapag mag-isa ako, maiisip ko na naman iyong nangyari kanina.

Tapos malulungkot na naman ako.

"Message mo ko kung san ka matutuloy pumunta mamaya," sabi niya sa akin.

"Okay."

"Okay. Ingat," sagot niya bago ibaba iyong tawag. Kilala nga siguro talaga ako ni Mauve dahil alam niyang ayoko nung madramang usapan.

Itatago ko na sana iyong cellphone ko nang magvibrate ulit iyon.

'Nagsend ako pera sa gcash pambili ng kape.'

Alter The GameWhere stories live. Discover now