Chapter 39

19.8K 726 158
                                    

Chapter 39

I had always been indifferent with bureaucracy. Siguro kasi nakikinabang din naman ako sa posisyon ni Papa. Sa pagkuha ng driver's license o kapag may minor altercation sa traffic o kung anuman na kailangang ayusin, we always had it easy. Inaayos agad ni Papa, e. Kaya hindi rin ako kinakabahan dati. Hindi ko lang napapansin siguro dahil ayokong pansinin.

Pero totoo nga iyong sinabi nila na magagalit ka lang kapag ikaw na mismo iyong nabiktima nung sistema.

Ang hypocritical ko lang din talaga.

Gusto kong sunugin 'tong hospital dahil sa sistema nila. Alam ko na tama si Mauve na sumusunod lang din naman sila sa tamang proseso... Pero ang hirap maging level-headed tuwing naiisip ko na nakasalalay iyong buhay ni Achilles dito. Na imbes na gawin agad nila kung anuman ang makaka-tulong sa kanya, sinusunod na naman nila iyong lecheng sistema na 'yan.

Dati ayos lang ako sa sistema... ngayon, alam ko na iyong pakiramdam na nasa kabilang panig.

"Pumasok ka sa class mo," sabi ni Mauve nang maabutan niya ako na nandon pa rin sa waiting area malapit sa kwarto kung nasaan si Achilles. Tapos na kasi iyong visiting hour pero ayokong umalis dito. Gusto ko nandito lang ako. Baka kasi magising siya. Baka hanapin niya ako.

"Dito lang ako."

Naupo si Mauve sa tabi ko. Kakagaling niya lang sa duty niya. Dumiretso siya dito. Alam niya kasi na wala akong kasama. Bumisita dito iyong mga kaibigan ni Achilles pero sandali lang. Nalungkot ako para sa kanya. Sobra akong nalulungkot. Kasi naiisip ko... paano kung wala ako? Walang magbabantay sa kanya sa ospital? Kasi iyong mga kaibigan at ka-trabaho niya, dumaan lang dito. Walang nagtagal.

Ako lang iyong meron siya.

Nalulungkot ako para sa kanya.

At nagagalit sa sistema... kasi parang ang unfair... na paano kung may ganito rin na mangyari sa kanila? Paano kung hindi agad nila mahanap kung saan cocontact-in iyong immediate family? Wala na lang bang gagawin? Hihintayin na lang na mawala? Kahit kaya pa namang ilaban?

Nakaka-galit.

Bakit ganito sa Pilipinas? Parang napag-iwanan na tayo ng mundo. Tayo lang ata iyong ganito.

"Pumasok ka sa klase mo, Mauro. Sa tingin mo ba matutuwa si Achilles na umaabsent ka dahil sa kanya?"

Hindi ako nagsalita. Alam ko na gugustuhin ni Achilles na pumasok ako sa mga klase ko. Alam ko na sasabihin niya sa akin na 'wag akong mag-alala kasi magiging maayos din ang lahat—na kailangan ko lang magtiwala.

Pero ang hirap magtiwala kapag puno lang ng galit at paninisi iyong puso mo.

"Just please go to school. Ako muna magbabantay dito," sabi niya sa akin.

"Kakatapos mo lang sa duty."

"It's fine," sabi niya sa akin. "I can go for another 48 hours. Batak ako."

Hindi ako nagsalita. Ayoko talagang umalis. Kasi paano kung magising siya?

"I'll call you kung may mangyari man dito," she said like she read my mind. "Sinabi naman nung doctor na succesful iyong operation, 'di ba? Magigising din siya any time soon."

"It's been days."

She looked at me with pity. "I know... but it's just a waiting game now, Mau. Magigising din si Achilles. Kaya pumasok ka na sa school dahil ayaw mo naman siguro na pagka-gising niya, ang ibubungad mo sa kanya ay na-drop ka sa law school dahil puro ka absent."

Hindi na ako nakipagtalo pa kay Mauve. Una, dahil alam ko naman na tama siya. Pangalawa, dahil wala na rin akong lakas. Kahit pala naka-upo lang at naghihintay ng balita, para bang ubos na ubos na iyong lakas ko.

Alter The Gameजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें