Chapter 06

28.2K 1.1K 474
                                    

Chapter 06

Pasado alas-diyes na pero hindi pa rin gising si Atty. Marroquin. Gusto ko na sana siyang sundutin ng stick para masigurado na buhay pa siya. Ganito pala matulog 'yon? 'Di naman lang nagalaw. Pwede mong pagkamalan na patay, e.

"What are you doing?"

Halos mapatalon ako nang magsalita siya. Naka-squat kasi ako sa may bandang mukha niya. Sinisilip ko lang kung humihinga ba siya. Hindi kasi talaga siya gumagalaw! Malay ko ba kung namatay 'to habang tulog? 'Di naman imposible 'yon. Saka kakaaral ko lang ng criminal law. Puro murder at homicide ang nasa utak ko. Ayoko lang maging real life iyong mga inaaral ko.

Nakatingin siya sa akin at bahagyang naka-kunot iyong noo niya. Natumba ako sa wooden vinyl floor niya sa sobrang gulat. Parang tanga naman 'to!

"Bakit ka ba nanggugulat?!" sabi ko kasi ang bilis ng takbo ng puso ko nang bigla niyang ibukas iyong mga mata niya e halos ang lapit ng mukha ko sa may ilong niya kasi nga sinisilip ko kung humihinga siya.

"Ako pa nanggulat?" he asked.

Hinahabol ko pa rin iyong paghinga ko. "E sino gusto mo? Ako?"

Agad na nanlaki iyong mga mata niya. Tumayo ako saka pinagpag iyong imaginary dumi sa may likod ng shorts ko kahit mukha namang walang dumi sa sahig ni Atty. Marroquin dahil ang linis dito sa condo niya.

"Okay ka na, noh? Uwi na ko," sabi ko kahit ramdam ko pa rin iyong bilis ng tibok ng puso ko.

"Sandali lang," sabi niya.

"Bakit?" tanong ko. "Nagluto lang ako ng lugaw kanina. Hinugasan ko rin 'yung mga ginamit ko. Wala akong ibang ginalaw. Nag-aral lang ako sa dining table mo."

Tumingin siya sa dining table. Kinuha ko iyong isa sa mga reviewer na ipapahiram niya sa akin. Kanina ko pa iyon binabasa and ang ganda nga talaga ng notes niya. Marami namang nagkalat na notes sa law school na libre, pero iba pa rin kapag personalized notes... lalo pa galing sa kanya na grumaduate ng valedictorian. Gulatin ko kaya lahat ng walang bilib sa akin at maging valedictorian din ako?

He gave a small nod. "Salamat."

"You're welcome," sabi ko. "Alis na rin ako. Gabi na," dugtong ko tapos naglakad ako papunta sa may dining table para kunin iyong cellphone ko. Tsk. Weekend nga pala ngayon. Sigurado ang mahal ng Grab ngayon. 'Di naman ako pwedeng mag-Angkas at baka sabay kaming matumba ni kuya sa gitna ng kalsada sa bigat ng dala ko.

"Kumain ka na?" biglang tanong niya.

Umiling ako. "Mamaya na sa bahay."

Lumapit ako roon sa boxes na dadalhin ko. Pano kaya 'to? Tatlong malaking box din 'yon. Sinubukan kong buhatin 'yung isang box. Taena ang bigat naman nito.

"May ano ba dito? 'Yung parang push cart?"

Kumunot ang noo niya. "Pushcart? Parang sa grocery?"

Kumunot din ang noo ko. "Yung parang sa hotel na tinutulak nung bellboy. Ang weird naman ng condo mo kung may pushcart ng grocery dito."

Kumunot din ang noo niya. Contest ba kami dito ng patagalan ng naka-kunot na noo?

"Ikaw nagsabi ng pushcart," sabi niya.

"Kasi hindi ko alam 'yung eksaktong term pero alam mo naman ibig sabihin ko."

"Di ko naman nababasa nasa isip mo."

"Context—" I said and then clicked my tongue. Halos 11PM na. Wala na akong energy makipagtalo sa pilosopo na 'to. Naubos na nung nagluto ako ng lugaw. "Pano ko 'to dadalhin sa baba?" I asked him.

Alter The GameWhere stories live. Discover now