Chapter 5

530 36 7
                                    

NAGBABA ng tingin ang mag ina at hindi alam kung ano ang dapat gawin. Napakaputla nila at sobrang natatakot sa maaaring gawin ng alpha. Lalo na si Antonette. Sya ang puno at dulo ng lahat. Marami syang nagawa sa bunsong anak ng alpha. Naisip na nya noon na maaaring may malaman ang alpha tungkol sa ginawa nya  sa anak nito ngunit hindi nya inasahan na maaga nitong  malalaman ang tungkol dito.

Now, she can't almost breath. Nanghihina ang buong katawan nya mula sa takot.


The smile remained on the alpha's lips yet his face shows sarcasm. "Kung ipinakain mo ang mga ganitong pagkain kay Leonia pero ayaw mong ipakain mo sa anak mo, ibig bang sabihin nito may hindi ka magandang intensyon sa bunso ko?"

Nanlaki ang mga mata ni Antonette, ngunit dahil sa sobrang panginginig hindi ito makapag salita sa takot na maipakita ang totoong nararamdaman nito ngayon.

"Tell me Luna, may ginawa ka bang hindi maganda kay Leonia habang wala ako?" Kahit sino ay matatakot sa tono ng boses ng alpha ngayon. It's calm yet it's very sharp.

Antonette is frozen in fear. Pinipigilan nito ang pagtulo ng luha nito.

"Dad c'mon, hindi mo to pwedeng gawin sa birthday ni Julianne. " Wika ni Theo habang nakatingin sa kapatid na babae "I'm sure hindi lang sila sanay sa ganitong klaseng handa. Right baby sister?"

Nanginginig na tumango si Julianne. Pero hindi nito masalubong ang kanilang mga mata.

"I'm sure the Luna and Julianne appreciates everything. They're just being misunderstood right now. Ofcourse hindi nila sasaktan si Leo.." Theo smiled at the luna.

Tila nakahinga naman ng maluwag si Antonette. Nagpapasalamat ito na naroon si Theo upang pakalmahin ang alpha.


"Smile Julianne.... it's your birthday. You should enjoy it.." malapad na ngumiti si Theo dito. "Now, how about showing your appreciation to our dad by finishing everything on this table. Kayo ng Luna."

Muling nanigas ang dalawa sa kinauupuan nila. Inakala nilang makakahinga na sila ng maluwag kanina ngunit ngayon, parang mas sumikip ang kanilang dibdib. Hindi nila inasahan na ganito ang susunod na gagawin ni Theo.


"P-Pero..." Takot na tumingin si Julianne sa mga pagkain ",k-kuya..."

Pekeng nagulat si Theo "Oh,..... don't tell me hindi ka greatful dito sa hinanda ni dad para sayo. How can you do that Julianne? That's very rude. How can you not appreciate the food in front of you? Tita Antonette.." bumaling ito sa ginang at nagpanggap na nadidismaya "bakit hindi nyo naman tinuruan ng mabuting asal itong kapatid ko?  "


"H-Hindi yan totoo..." Napalunok ang ginang at pilit na ngumiti "Ofcourse nagustuhan ni Julianne ang mga handa. Nagulat lang sya...."

"Go ahead then..."ngumisi si Calix "Eat. every.single.food prepared for your birthday. . I'm sure walang magiging problema. After all, you're a wolf."


"Pero.... I-I can share" mahinang wika ni Julianne.

"No Julianne, para sa inyo talaga ni tita ang mga pagkain na to. So you can have everything..." Nakangiting wika ni Theo.


Para hindi madiin, walang nagawa ang dalawa kundi kainin ang nakabunton na pagkain sa harap nila. Hindi nila inaasahan na mangyayari sa kanila ito. That the torture they used to Leonia will be used to them too.

"Keep eating..." Nang uuyam na saad ni Calix nang makitang nasusuka na si Julianne.


Kumuha naman si Theo ng malaking piraso ng taba at inilagay sa plato ng Luna.

Omega's PlaytimeWhere stories live. Discover now