Chapter 14

517 41 4
                                    

NAKAUSAP nya ang bagong sekretarya ng tito nya at nalaman nyang hindi kasama ang organization nila sa nabawasan ng funds. Which means, may ibang kumukuha sa pera ng club nila.


"So?" Tanong ni Haru "Nakausap mo yung tito mo?"

Tumango sya "Hindi nabawasan ang funds, may nagbabawas lang  talaga."

"Isang tao lang naman ang dinadaanan ng mga pera bago ma-distribute sa mga clubs. " Wika naman ni Allura.

"I'll ask someone to look into it. Kukuha narin ng evidence para walang kawala" wika ni Haru.

Tumango sila ni Allura.

"Mamaya ulit. May pasok pa ako" wika nya.

Nagkahiwa hiwalay na sila sa park para pumasok sa sariling mga klase. Hinabol nya ang susunod na klase dahil medyo late na sya pero pagkarating doon activity lang pala ang maaabutan nya dahil wala ang instructor.


"Leonia" tawag ng kaklase nya "Saang club ka sumali?"

"Tinatanong pa ba yan? Syempre sa Royals club yan. Members naman ng club na yon lahat ng mga anak ng alpha eh"  wika ng kaibigan nito.

"Hindi, sa Bright Smile ako" pagtatama nya.

Gulat na nagsitinginan ang mga kaklase nya sa kanya.

"Seryoso?, Pero diba charity group yon? Bakit doon?"

Kumunot ang noo nya "Bakit hindi naman doon?"


Natigilan yung nagtanong.


"Kase nga, karamihan dito inasahan na doon ka sa royals club. I bet ni isa dito hindi nag expect na pipiliin mo ibang club, lalo na ang charity club." Wika ng isa.

Nangalumbaba sya "Wala naman kakaiba sa Royals club eh. Parang grupo lang naman yon ng mga spoiled kids at mayayabang. Gusto ko ng club na may purpose. Yung bright smile club nabuo yon nang magsimula ang school. To think na myembro ako ng isang legendary club na hanggang ngayon nandyan pa, I'm actually very honored. Eh kung may magawa akong tatatak sa history ng club, oh di ang astig non."tinawanan nya ang huling sinabi. "Tsaka pwede namang sumali sa hanggang tatlong club. Basta kaya ng student. Kung gusto nyo magmember kaya kayo ng club namin. "

"Hindi ba mahirap?" Nag aalangan na tanong ng isa.


"Mahirap, but it will be satisfying. Masaya ang mag abot ng tulong sa ibang tao. If you already have a life filled with blessings, then you should live with purpose. At isama mo na sa purpose ng buhay mo ang tumulong sa ibang tao." She smiled sweetly.

Marami na syang natutunan sa buhay. It's not easy being helpless. Kaya ngayon na ganito na kaganda ang buhay nya,  gusto nya tulungan yung mga nahihirapang bumangon. Dahil naranasan na nya iyon. Yung gigising ka para magtrabaho, yung pahinga ilang oras lang. She can't even enjoy her meals. But  now that she's living a good life, she must take advantage of everything she has to help others.


Biglang kumabog ang kanyang dibdib nang makita ang message ng boss nya.

' iniiwasan mo ba ako?'

Napalunok sya. Ilang araw na rin silang walang physical contact. Tuloy tuloy ang pagdadahilan nya. Noong una wala namang problema dito. Ngunit nang umabot na ng halos isang linggo hindi na nito maitago ang pagkainis.
At nauubusan na sya ng palusot..

'Busy lang talaga ako boss. Kakasali ko lang sa club at medyo busy kami. Sorry.'

Bumuntong hininga sya nang mapindot nya ang  send. Alam nyang hindi nya rin ito matitiis. She's starting to crave his touch and kiss. Honestly, namimis nya ito. Hindi nya alam kung bakit, pero hinahanap hanap nya ang alpha. After work gusto nyang bumigay sa gusto nito. Namimiss nya ang makita ng malapitan ang mukha nito. His handsome face, she miss it so much.

Omega's PlaytimeWhere stories live. Discover now