Chapter 10

509 33 4
                                    

"SIR parang awa nyo na po! Bakit naman po ako bagsak?" Takot na takot na tanong nya habang hinahabol ang guro "Sir nag submit naman po ako ng mga assignments ko tapos activities. Bakit bagsak po ako?"

Naiirita na humarap sa kanya ang guro "Miss Arno, marami kang maling sagot sa mga assignments mo. Yung mga essay ko malayo sa topic. Tapos yung ibang activities hindi ko na tinanggap dahil late ka na nagsubmit. "

"I-Imposible naman sir. Maayos naman mga sagot ko sa mga papers ko. Tsaka halos kasabay ko naman mga kaklase ko sa submission. Sir naman eh,...." Halos maiyak sya.

Nag iwas ito ng tingin, halatang may itinatago "Basta, hindi acceptable mga papers mo. Marami ka ding absent. ."

"Sir excuse naman po ako sa mga absences ko diba? May mga medical certificates po ako lagi. " Tuluyang tumulo ang luha nya "Sir please, bigyan nyo naman ng options para makabawi sa grades ko."

Umiling ito "Hindi na mababago ang grades mo. Nakapag submit na ako. Hindi na pwedeng baguhin yon."bigla sya nitong tinalikuran at iniwan. Kahit anong habol at pakiusap nya hindi ito nakinig.





NAGISING sya sa lakas ng tunog ng alarm. Mataas na ang sikat ng araw, umagang umaga palang ngunit pakiramdam ni Leo wala pa syang pahinga. Hindi manlang nya naramdaman ang mahabang tulog.

Sanay naman sya sa busy na pamumuhay. Kahit may trabaho sya pagkatapos ng klase, hindi naman big deal sa kanya iyon. Ngunit dahil gabi gabi na syang dinadalaw ng mga bangungot parang nawawalan sya ng oras ng pahinga.



Honestly this is depressing. But she's not entertaining any negative thoughts that the former Leonia left in this body..


She stayed still for a few minutes. Nilinis nya ang kanyang isipan habang nakapikit. Binulungan nya ang sarili ng mga positibong salita at nang gumaan ang pakiramdam nya doon lang sya tumayo.


Inayos nya ang pagkakatali ng buhok bago lumabas ng kanyang silid. Kakalabas palang nya nakarinig na sya ng nagsisigawan sa baba. Parang may nagwawala doon.


"Good morning miss Leonia" bungad ng isang kasambahay nang lumabas sya ng silid. Makikita sa mukha nito at sa ibang mga katulong ang takot.


"Good morning" bati nya pabalik "Anong nangyayari? Sino yang nagwawala dyan?"


"S-Si Luna Antonette......" Napangiwi ito "Kakabalik lang nya. Tapos bigla nalang syang nagalit. May mga nagnakaw daw ng alahas nya..."

Medyo napaangat ang dalawang kilay ni Leonia, pinigilan nya agad ang mapangiti nang mabasa ang sitwasyon.

"Sila daddy? Nasaan sila? Hindi ba nila alam na babalik ang asawa nya ngayon?" Nagtatakang tanong nya.


"Nasa opisina ang Alpha. May virtual meeting sya ngayon kasama ang ibang mga alpha. Tapos ang mga kapatid mo naman, nagpunta sa hunters headquarters si sir Cairo tapos naglibot ng pack si Sir Theo. "

"Hmm....."umangat ang isang sulok ng labi nya "Ang galing naman ng timing. Kung kailan wala yung tatlo saka naman dumating ang bruha."


"Ang totoo nyan miss..... mahigpit ang utos ng alpha kay ma'am Antonette na wag babalik hanggat sa wala syang sinasabi." Wika ng isang katulong.


"Ahh......"napapalatak sya "What a bad Luna...."


"Miss Leo wag ka munang baba. Hindi ka nya magagalaw habang nandito ka. Hindi sya pwede dito. Paparating na ang alpha kaya dyan ka muna sa kwarto mo" nag aalalang wika ng katulong.

Omega's PlaytimeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora