Chapter 21.

411 28 5
                                    

"SO! Our very handsome president!" Excited na wika ni Allura "Magkano ang pera na naipon ng club natin?".

"Magkano?" Malapad na ngumiti si Zayd "Drum rolls please!"

Lahat sila ay pinagpag ang mesa na animo'y isang tambol at excited sa announcement.

"Ang amount na nakuha natin noong gabing yon is!!!!!...." Zayd grin "Eight point two million!".

Lahat sila ay bumagsak ang panga sa gulat ngunit hindi yon nagtagal dahil nagtatatalon sila sa tuwa.

"Seryoso ba?!" Hindi makapaniwalang wika ng members nila.

"Halaa....." Nagsimula namang umiyak yung isa "Akala ko wala tayong makukuha na donations kase walang pumupunta. "

"Actually, malaking bagay na pumunta dito si sir Sawyer. Tsaka dinala pa nya yung mga kaibigan, and also some other alumni na gustong magpaabot ng suporta sa club. " Nakangiting wika ni Zayd "So guys! Asahan nyo na simula ngayon magiging busy na tayo ha?"

She and Haru exchanged high five. Alam nyang malaki ang makukuha nila pero hindi nya inaasahan na ganon kalaki.


"Pres! How about we celebrate tonight?" Suhesyon ni Allura.

"Oo nga naman pres! Mag celebrate muna tayo bago magsimula ang bakbakan!" Ani naman ng isa.

"Oo na, fine! I'll reserve a restaurant. Let's meet after class" wika nito

"Yey!" Sabay sabay na wika nila.

Pero maya maya ay nawala ang ngiti nya nang marealize na kailangan nanaman nyang magpaalam sa trabaho. Tsaka susunduin sya mamaya ng alpha.

Nang lumabas sila ng clubroom, agad nyang kinuha ang phone para magpaalam sa kasintahan nya.

"Why do I feel happy na tumawag ka? " Bungad nito"Ilang oras palang simula nang magkasama tayo pero namimiss mo na ako? I'm so happy sweetheart."

Leonia rolled her eyes at nangingiti na umiling "Sorry to disappoint you pero hindi yan totoo boss. Magpapaalam sana ako. May club dinner kami mamaya kaya hindi ako makakapasok. Ok lang ba?"

Kinabahan sya nang hindi ito umimik ng ilang sandali.

"Alpha?"

She heard alpha Arkin sigh in disappointment.

"So that means hindi na kita kailangang sunduin mamaya? Hindi na kita pwedeng puntahan?" May bahid ng lungkot na wika nito.

Napangiti sya sa narinig "Hey, pwede namang hindi na ako magpaalam kila dad tungkol sa club dinner. Ikaw nalang sumundo saakin mamaya, para magkita tayo. How about that?"

"That's better" he chuckled "So tawagan mo ako manaya ok?"

Tumango sya na parang kaharap nya ito "Ok boss..."

"Leonia.."

Malakas syang napasinghap sa gulat nang marinig ang boses ni Brian sa likod nya. Akala nya walang tao sa paligid, kaya naman sobrang nagulat sya.

"K-Kanina ka pa ba dyan?" Gulat na  tanong nya dito.

Pero sa halip na sagutin sya, tumingin ito sa phone nya "Who was that? Sino yung kausap mo? Ha? "

Inilagay nya ang cellphone sa bag "Wala kang pake alam "

"Boyfriend? Or fling? He looks like someone special, ang saya ng usapan nyo. Sino sya Leonia?" May bahid ng selos nag boses nito.

Omega's PlaytimeOnde histórias criam vida. Descubra agora