Chapter 16

393 31 0
                                    

"WHAT ARE you doing here?"tanong ng tito nya. "Leonia ikaw lang ang may lakas ng loob mag walk in dito sa opisina ko. Other company CEOs needs to make an appointment bago sila magpunta. Ikaw lang ang nagpupunta dito na parang tambayan mo dito."



"Ui, tito naman! Pamangkin mo na nga lang ako gusto mo may appointment pa.", May tono ng pagtatampo na wika nya.


"So, bakit nandito ka?"deretsong tanong nito.



" I need a favor tito" deretso naman na wika nya "Yung pera para sa  paparating na event, the Alumni night. Hatiin nyo yon. "



Napatigil ito "What?  At bakit? That's a pretty big event. Honestly baka kulang pa ang pera na yon."




"It's going to be fine. Magiging successful ang event. Royal club will take the job. Sila ang maghahandle ng event. " Wika nya.



"So bakit kailangang hatiin ang pera?" Tanong nito.



Inilapag nya ang dalang folder sa harap nito " Yan ang mga patunay na minamanipula at ninanakaw nila ang ilang pera ng mga clubs. Mga anak sila ng mga alpha pero mga pasimpleng magnanakaw naman sila ",



Nang mabasa ng tito nya ang folder napahilot ito ng sentido.



"Balak naming ipalabas ang mga perang ninakaw nila at gamitin iyon sa event. For sure hindi na nila iyon ibabalik, so sa ibang paraan nalang namin yon babawiin. At yung kalahati, ibigay nyo nalang sa club namin. Wala naman sigurong problema sa inyo kung ibibigay nyo sa charity ang perang yon. Lalo na at maraming nakapilang activities ang club namin."



"Pag gagawin ko ang gusto mo, may maririnig naman ako sa kapatid mo. Pinag isipan mo ba itong plano mong to Leonia? Kung ipapangako mo na hindi gagawa ng kaguluhan si Julianne,  fine, I'll agree to this" sa wakas ay pumayag na ito.

"Thank you uncle. Ah, kung pwede saka mo nalang ibigay ang pera sa kanila pagkatapos ng club presidents meeting. " Dagdag na hiling nya.

Tumango ito "Ok. Anything else?"



Aalis na sana sya nang may maalala "Kumusta pala ang investigation mo dito sa university tito?"



The man groaned "Tulad ng  sinabi mo, this place is pretty messed up. Inisa isa ko ang mga pangalan sa listahan na binigay mo. Napakagaling nila sa pagtatakip ng mga gawain nila. I can't believe I'm running and this rotten place. It seems like kailangan kong magkaroon ng general cleaning sa sarili kong paaralan."


Ngumiti sya "I'm sure magagawan mo naman ng paraan  ang pagsasalba ng image ng school. Pagdating sa pamilya natin, it's not a bug deal."





"Ofcourse, I'm already working on it" wika nito.



Tumango sya "Alis na ako tito, may pasok pa ako."






School clubs meeting.



AFTER a lot of discussion, binuksan na rin ang topic tungkol sa paparating na alumni night. Nagsimula na silang mag usap tungkol sa kung sino ang kukuha sa responsibilidad ng pag aayos ng event.




Pasimpleng tumikhim si Zayd bago nagsalita "I think magiging busy ang karamihan sa mga clubs dito sa mga darating na event lalo na ang mga sports club. So may I suggest, bakit hindi ang Royal club ang maging incharge sa Alumni night?"



Kumibot ang isang kilay ni Julianne "Well...sa dami nating club dito bakit kami?"



Pasimpleng ngumiti ang president ng cheerleading club "Bakit naman hindi? After ng Alumni night magkakaroon tayo ng school festival and right after that simula na ng sports competition sa pagitan ng mga universities. Ngayon palang puspusan na ang paghahanda ng bawat sports club dito, we're too busy to be incharge of the Alumni night event."




Omega's PlaytimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon